Chapter 47

10.4K 803 639
                                    

The start of dinner was awkward — at least to me. Nagkukuwentuhan sina Tatay pati ang mga kapatid ko. Bukas ang tv na hindi ko rin naman na maintindihan kung anong pinapalabas. It was already past 8pm, kung ano mang teleserye iyon ay hindi ko alam.

Everyone was cheerfully engaging in the conversation except me and Kuya Dijon. Si North naman ay nakikipagpalitan din ng sagot sa mga kasama namin although hindi talaga natural na madaldal.

Nandito rin si Unyo — na hindi ko rin malaman kung bakit nandito na naman. Masyado naman yata silang clingy ng kapatid ko, magkapitbahay lang naman kami.

Napalingon ako sa panganay na kapatid at sakto namang lumingon din siya sa akin. Wala itong reaksyon at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. I feel bad for my brother but he'll understand why.

"Tay," Huminga ako ng malalim at tumikhim. Naghahanap ng buwelo. Napalunok ako nang sabay-sabay silang lumingon, mabilis na tinahip ng kaba ang dibdib ko. But this is now or never. "May sasabihin po ako."

"Parang ang seryoso, ah?" Sinubukan pa magbiro ni Tatay, pero nang mapansin na walang nagbago sa expression ko ay umayos din ito. Kahit sina Kuya Marseille at Lyon na natawa pa saglit ay umayos din ng pagkakaupo at mataman lang na tumitig sa amin. "Ano ba 'yon, 'nak?"

Napatingin ako kay North na binigyan ako ng magandang ngiti at isang beses na pagtango, ine-encourage akong magpatuloy. I tried to calm my nerves, I was feeling light-headed from the tension. I at least need to be able to tell them the truth.

I don't know what will happen after this, I was expecting the worst, but there's little hope in me that it will turn out well.

"I'm sorry for not telling the truth the moment I...I s-stepped in into this house," I was gathering the words I wanted to say. Hinawakan ko ang kamay ni North na nasa ibabaw ng lamesa. "G-girlfriend ko po si North."

Naibaba ni Tatay ang hawak na utensils at nagsalit ang mga tingin nito sa amin ni North maging sa kamay naming magkahawak. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang ihamps ni Kuya Dijon nang malakas ang dalawang kamay nito sa lamesa bago naglakad paalis.

Nagsimulang lumalim ang paghinga ko sa kaba, kahit ang tibok ng puso ko ay rinig na rinig ko sa ulo ko. It was a very unpleasant feeling.

"Kasey," Tawag ni Tatay kay Unyo. "Umuwi ka muna sa inyo."

"Ay, s-sige ho, Tito." Halos ayaw nitong gumawa ng ingay nang tumayo ito sa kinauupuan at tuluyang umalis. Ni hindi na ito nagpaalam kay Kuya Marseille na wala ring kibo.

Sa aming lahat, si Lyon lang yata yung komportableng kumain ulit habang panay ang lingon sa amin. She seemed relaxed, sana ganoon din ako. I was too nervous to even move a finger.

Pero wala kasing may gustong magsalita sa kanila. Lalo lang akong nat-tense. Galit ba sila? Okay lang ba? Ano? Gusto kong malaman. Ni hindi ko mabasa yung expression ni Tatay. Tahimik lang itong nakatingin sa amin.

"Tay, magsalita ka naman po —"

"Hindi ko alam kung magagalit ako sa'yo o ano, Paris." pagputol niya sa sasabihin ko. "Matagal ko nang kilala mga kaibigan mo at sa pagkakaalam ko iyong si Jade lang naman ang lesbyana sa inyo. Ano iyan, ha, 'nak? Nahawa ka ba?"

"Tay, hindi naman po ganoon iyon," Nakaramdam ako ng pagka-offend. Kahit si North ay humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Huwag ninyo rin po sana isisi kay Nanay."

Para naman itong natigilan sa narinig. Doon ko nakita yung sakit sa mata niya. Para akong maiiyak dahil ngayon palang ay alam ko na ang magiging outcome ng gabi na 'to.

"Kailan pa 'yan? Gaano na kayo katagal?"

"Months pa lang 'Tay..." mahina ang pagkakasagot ko. Ang hirap tumingin ng diretso sa kanya. "Matagal ko na pong mahal si North, Tatay. College pa lang po ay gusto ko na siya —"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon