"Okay, Jack. Thank you." Sabi ko. Alam ko na ang details ng lugar na pagmi-mitingan namin. Doon 'yon sa paboritong seafood restaurant ni Sir anton. Sikat iyon at kilalang kilala ko ang may-ari kaya hindi na rin masama kung mauna ako doon.

"Thank you din, Miss Corraine. Ingat po." Magaling na sabi ni Jack bago nagpaalam sa kabilang linya.

Napailing nalang ako. Naisip ko naman na hindi na bagay sa akin na 'Miss Corraine' na tawag dahil nga may anak na ako. Pero ang katwiran nila, hindi naman daw kasi ako mukhang may anak at hindi pa naman ako lumalampas sa kalendaryo kaya pwede pa. Minsan tuloy napagkakamalan akong dalaga dahil halos lahat ganoon ang tawag sa akin.

Kaagad akong nakadating sa restaurant. Mabilis akong nag-park at inabot muna ang bag sa likod bago ako bumaba.

Sarado pa ang restaurant at tanging mga staff lang ang nakikita ko. Kilala nila ako kaya agad akong nakapasok.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Good morning po." Sabay nilang bati. Maayos na ang mga table at handa na silang magbukas.

Mamaya pang 8am magbubukas ang restaurant kaya meron pa silang mga 15 minutes para mag-ready na rin. Ako naman ay isang oras pang mag-aantay kay Sir anton. Hindi naman 'yon problema dahil pwede akong tumambay dito kahit gaano pa katagal.

"Saan ang boss niyong pangit?" Pabirong tanong ko.

Natawa ang nasa cashier at ilang nakarinig. "Nasa kitchen, Miss Corraine." Sagot nong isa. Nginuso pa ang nakasaradong pinto ng kusina nila.

Ngumisi lang ako at tumango. Walang katok katok akong pumasok sa loob ng kusina. Sabay sabay na lumingon sa akin ang mga kitchen staff maliban sa amo nilang kunware masungit.

Binati ko rin ang mga masisipag niyang kitchen staff. Binaba ko muna ang bag ko sa gilid kung saan hindi makakasagabal sa kanila atsaka ako kumuha ng apron at hairnet sa lalagyan. Nagtali na rin muna ako ng buhok dahil baka may makatakas at mapunta sa pagkain. Isa ito sa mahigpit niyang rules dito sa kitchen. Mini-maintain kasi ang linis at presentableng putahe nila. Sumusunod ako sa mga rules niya dahil seryoso talaga siya pagdating sa mga ganitong bagay. Kapag sumuway ako ay malilintikan talaga ako kay Jared.

Oo si Jared ang may-ari nito. Pampalipas oras niya lang ang modeling pero ubod na talaga ito ng yaman, medyo gago nga lang. medyo lang naman.

"Hello, Jerk.." Halos pabulong kong bati sa kaniya. Baka kasi marinig ng staff niya at ma-tsismis pa akong inaapi ang mabait at gwapo kunong boss nila. Eww!

"What are you doing here, bitch?" Aniya habang abala sa paghihiwa ng kung anong Isda. Eksperto nitong tinatanggal ang mga tinik ng hindi nadudurog ang isda. "Nagpa-reserve si Anton pero mamaya pa 'yon. Bakit ang aga mo?" Tanong niya.

Napairap ako. "Pinauna niya ako dito, eh. Paki mo ba? Jerk ka talaga kahit kailan."

Tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. "Bitch ka pa rin naman kaya patas lang tayo." Aniya.

Kinibot-kibot ko lang ang labi ko na parang ginagaya siya. Nasabi ko sa inyo na Gago 'to? At sa sobrang gago niya hindi ko na alam kung paano ko siya naging kaibigan.

"By the way, georgia text me last night." Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Abala pa rin siya sa ginagawa. "Nasa bahay mo daw ang asawa mo? Are you okay?" Seryosong tanong niya.

Ang baklang 'yon talaga! "Hindi ko na siya asawa." Asik ko. "And of course, I'm fine! Nakapag-move on na ako, remember?" Really, Corraine?

"You move on but still sound bitter? I don't think so." Pamimilit niya.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now