"K-Kasi..." Sumulyap siya sa loob. "M-May mga bisita k-ka.." Utal niyang sagot.

"Wala akong inimbitahan, georgia." Sabi ko na lalong ikinaputla niya.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Bakit ba balisang balisa ka diyan? Sinong bisita ba 'yan?" Bahagya ko siyang tinulak para makapasok.

"Corraine–"

Ako naman ang namutla nang makita ang mga bisitang tinutukoy niya. Napatiim bagang ako at nanginginig ang mga kamay na tinapunan sila ng tingin.

"A-Asawa ko!" Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin. Hindi agad ako nakagalaw. "Ang t-tagal ko kayong h-hinanap..." Nanginig ang boses niya.

Tiningnan ko ang mga kasama niya. Ang parents niya at si patrick. Parehas na nakikiusap ang mga mata nito.

Bumaling ako taong tinawag akong 'asawa'. Malakas ko itong tinulak.

"Georgia." Mariing tawag ko sa kaibigan. "Hindi ba't sinabihan na kita na ayaw ko nang mga hayop dito sa bahay ko?" Nangingitngit sa galit kong tanong.

"K-Kasi.." hindi na niya natuloy ang paliwanag nang mag-salita si Patrick.

"Kami ang nagpumilit na pumasok dito. Ako rin ang nagsama sa kanila dito." Paliwanag nito.

"Bakit? Humingi ka ba ng permiso ko? Tinanong mo ba muna ako kung gusto kong makita ulit iyang pagmumukha ninyo?!" Mariing singhal ko.

"A-Asawa ko—"

"Shut up!" Putol ko sa sasabihin niya. Daniel Vito Laxamana, hanggang ngayon sagad sa buto pa rin ang galit ko sa inyo lalo na sa'yo. "Huwag na huwag mo akong matawag tawag na asawa, dahil nasusuka ako!" Dinuro ko siya. "At tigilan mo iyang pag-asta mo na parang walang nangyari. Umalis kayo rito sa pamamahay ko!"

"Corraine..." Bumaling ako sa magulang niya na malaki ang kasalanan sa akin. "N-Nandito kami para humingin ng t-tawad..." Sabi ng mama niya.

Nangilid ang mga luha ko sa sobrang galit. "Hindi ko kailangan ang sorry ninyo. Kaya makakaalis na kayo." Tiim bagang kong singhal.

Umatras ako nang akma na namang lalapit sa akin si Daniel. Bumakas ang pait at sakit sa mukha nito. Napahawak ito sa ulo at yumuko. "B-Bakit ka galit sa akin? H-Hindi ko m-maalala..."

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan siyang nahihirapan. Mabilis ko naman itong pinunasan nang muli siyang mag-angat ng tingin sa akin.

"W-Wala akong ibang maalala b-bukod sa 'yo...ang t-tagal kitang hinanap..." Sinubukan niya ulit na lumapit. Hindi na ako nakaatras kaya muli niya akong nahuli at niyakap.

Namuo muli ang mga luha ko at tuloy tuloy itong pumatak. Nanghihina ko siyang tinulak pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang yakap sa akin.

"K-Kung may nagawa m-man ako noon para m-magalit ka sa akin ng g-ganito..." Nabasag ang boses niya. "P-Patawarin mo s-sana ako.."

Humikbi ako. Kahit maalala mo pa lahat ng ginawa mo sa akin at humingi ka ng tawad, hinding hindi pa rin kita mapapatawad. Naibaon ko na rin sa lupa ang galit ko sa'yo.

"U-Umalis na kayo..." Hikbi ko at mas malakas siyang tinulak. "B-Bitawan mo ako! Ayoko ng m-makita kahit sino sa p-pamilya ninyo!"

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now