Nang hindi sinagot ni georgia. Tinxt ko na lamang si karen para sabihing padating na ako para sunduin sila. 11 to 1 pm ang klase ni Maxine. Saktong sakto sa schedule.

Luckily, hindi ako naipit sa traffic. 12:50 nasa parking lot na ako ng school. Nag-antay lang ako sa kotse at kinain ang vegetable sandwich na ginawa ni georgia kaninang umaga.

12:58 nakita ko nang naglalakad sila Maxine papunta sa akin. Ang cute cute niya sa suot na uniform. Lumabas ako ng kotse at nilahad ang dalawang kamay sa kaniya.

Nagliwanag ang mukha niya nang makita ako. "Momma!" Tili niya at tumakbo palapit sa akin.

Natawa ako at niyakap siya. "How's school?" Malambing kong tanong.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Very good daw po ako sabi ni teacher. Binigyan niya nga ako ng maraming stars, eh. Look momma.." Masaya niyang pinakita ang dalawang kamay niya na may mga stars.

"Wow, very good talaga ang baby ko." Niyakap ko siya ulit.

Nilingon ko si karen na tapos nang mailagay sa likod ang mga gamit nila. "Nakainom na siya ng gamot?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango ito at ngumiti. "Yes po." Aniya.

Muli akong bumaling kay Maxine. "Uwi na tayo." Ngiti ko. Hinawakan ko siya sa kamay atsaka iginiya sa front seat, sa tabi ko. Maayos ko siyang pinaupo atsaka sinuotan ng seatbelt.

Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako bumalik sa driver seat. Nasa likod naman si Karen.

Habang nasa byahe ay puro kwento si Maxine. Wala talagang kapaguran 'tong batang 'to. Natatawa na lamang ako sa kaniya lalo na kapag naririnig ko ang maliit niyang tawa.

Makita ko lang ang mga ngiti niya, buong buon na ang araw ko. Siya lang naman kasi ang importante sa akin.

Nabura ang ngiti ko nang may dalawang kotse at ilang mga lalaki akong napansin nakatambay malapit sa bahay namin.

It reminds me of something.

Sarado ang gate nang dumating kami. Bumaba naman si karen para buksan 'yon. Tuloy tuloy kong pinasok ang kotse at hindi na pinansin ang mga nakita. Baka sa kapitbahay lang.

"Momma, pakikita ko lang kay ninang georgia ang mga stars ko." Sabi ni Maxine matapos hubadin ang seatbelt niya.

"Go ahead, baby." Ngiti ko.

Pinagbuksan naman siya ng pinto ni karen at inalalayang bumaba. Dinala na nito ang mga gamit nila at ang bag ko.

Bumaba naman na ako ng kotse at ako na rin ang magsasara ng gate. Muli kong sinulyapan ang mga napansin ko kanina. Nandoon pa din sila at tuwid na nakatayo. Nakasalilong naman sila. Malayo sa init ng araw.

Nagkibit balikat na lamang ako at sinara ang gate.

"Jusko, corraine! Patawarin mo ako!"

Nagulat ako nang salubungin ako ni georgia sa pinto. Namamawis ito at maputlang maputla.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Ano?" Naguguluhang tanong ko. Papasok na sana ako nang humarang siya. Kabadong kabado ang mukha niya. "Anong problema mo?" Tanong ko.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now