"Pasensiya ka na,"natataranta nitong saad at hinila ang batang babaeng nagngangalang Isha. Pinagsabihan pa niya ito.

"Pero nandito na si Kuya Blake, Mama?"tanong naman ng batang babae.

"Sorry sa anak ko, sino ang sadya niyo?"tanong ng babae, halatang kinakalma lang ang sarili.

"You don't remember me..Mama?"tanong naman ni Bluster at tinignan sa mga mata ang ina niya, mas lalo pang nanlamig ang mga kamay nito.

Unti-unti namang tumulo ang luha ng matandang babae, mukhang kanina pa niya ito pinipigilan.

"Blake, anak."umiiyak na saad nito at napaupo na lang sa may buhanginan. Agad naman na dinaluhan ito ng batang babae na lumabas kanina. Inaalo nito ang ina. Napatingin naman ako kay Bluster na siyang tila ba hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Pinisil ko ang kamay nito kaya napatingin siya sa akin. Nginuso ko ang mama niya at unti-unting binitawan ang kamay niya. Tinulak ko ito nang marahan.

Naupo naman siya sa harap ng mama niya at walang kahit ano mang salita ang lumabas sa bibig nito ngunit agad niyang niyakap ang kaniyang ina. Bumuhos lang ang luha ng babae habang sobrang higpit ng pagkakayakap sa anak na tila ito ang pinakahihintay niyang pagkakataon.

"Anak, patawarin mo si Mama.."tuloy tuloy ang paghikbi nito habang yakap ang anak.

"Patawarin mo ako kung hindi kita binalikan."paputol putol na saad nito. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Bluster ngunit alam na alam kong umiiyak na rin ito dahil sa paggalaw ng kaniyang balikat.

Matagal lang sila na nag-iiyakang dalawa, napangiti ako nang makita kong pati si Isha ay yumakap sa Mama at Kuya niya.

Nagpaliwanag ang Mama niya nang parehas na silang kumalma. Isang taon palang siya ng iwanan siya nito sa Papa niya para mag-abroad, 'yon nga lang ay nakapangasawa siya doon, kukunin niya na sana si Bluster nang umuwi sa pilipinas kaya lang ay ayaw nang ibigay ng Papa niya.

Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik pa at hinid na nahanap pa sila Bluster dahil lumipat na ng bahay.

"When I first saw you on television, alam ko na agad na ikaw 'yon, mas lalo pang nakasigurado nang banggitin nila ang pangalan mo."sabi nito na humihikbi pa rin. Hindi kasi kailanman pinalitan ni Bluster ang pangalan maski na nag-artista na ito.

"Natakot ako, anak. Natakot ako na lapitan ka na. Ang taas taas mo na, hindi ko kayang lumapit sayo para lang sabihin kung gaano kita kamahal, kung gaano ko pinagsisihan na iwanan ka, kailan man, hindu kita nakalimutan."sabi pa ng Mama niya. Ramdam ko naman na mas lalong naiyak si Bluster. Hinawakan ko ang kamay nito dahil hindi siya 'yong tipo ng tao na madaling umiyak pero alam ko na sa loob loob nito ay nanghihina na.

"Noong fanmeet mo, nandoon ako, kasama ko ang kapatid mong si Remi, ang lapit lapit mo na sa akin noon pero parang ang layo layo mo."sabi pa niya.

"I know, I saw you looking at me."sa unang pagkakataon sumagot si Bluster sa ina.

Maraming katanungan ang nabigyan ng sagot, ang puso'y nabusog ng kasagutan.

"Pumasok muna tayo sa loob, malamig dito."sabi ng Mama niya. Inalalayan naman siya ni Bluster na tumayo. Parehas na silang kumalma, ngayon lang naman napatingin sa akin ang ina nito. Agad naman akong napayuko at hindi maiwasang mapatingin sa damit, sumama pala ako dito na nakapambahay lang, bigla naman akong nahiya.

"I can just wait in your car."hindi ko maiwasang sambitin kay Bluster at hawakan ito sa laylayan ng kanyang damit.

"Ma, Aurelis po."pagpapakilala niya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

Chaotic Love (Completed)Where stories live. Discover now