"Bumaba ka daw Tyler! Masyado kang mabigat!" nagtutulakan ang iba at nagtuturuan. Sobra sobra kami at dapat nang may bumaba pero nagdudutdutan parin kami dito. Di na kami maka atras o makalabas man lang kasi halos nakabara na yung iba.

"Chum ikaw yung bumaba! Puno ka kasi ng taba eh. Ambigat mo daw." may nagsasabihan na bumaba sila. Ang sikip na! Para akong mapipisa!!

"Kung ikaw kaya bumaba Jasmine? Di ako mataba!! Muscles toh! Muscles!!!" sigaw pabalik nung Chum. Waaahhh nasusuffocate na ako. Huhuhuhu Di ako matangkad gaya ng iba at least nakalabas mga ulo nila! Di gaya sa'ming pandak na ni ulo ay di man lang lumabas at makahinga!!!

"Ano ba?!! Naiipit na kami dito! Lumabas na kasi kayo!" Naiinis na sigaw ni Hera. Ang sakit naman nila sa ulo. Idagdag mo pa na patuloy pa rin ang pagtunog ng warning ng elevator.

"Parang awa niyo na!! Napipisa na ako dito at naiipit!! I'm so suffocated!!!" malakas na atungal ng isang babaeng halos kapareho ko ng sitwasyon. Pareho kaming natatakpan at hindi makahinga. Pandak kami kaya halos matakpan na pati ulo namin..

"Lumabas na kayo. Malapit niyo nang mapatay si Stella!" seryosong sabi nung lalaki. Wala na!!! Di ko sila makita! Natatakpan na din ako!

Halos mapahinga pa ako ng maluwag nung magkaroon kami ng space. Mukhang pinag hihila sila palabas ng iba nilang kasama. Ang kukulit!

Marahan ko pang hinaplos yung balikat ko na halos masubsob na sa pader ng elevator. Para kaming sardinas kaninang nagsisiksikan!!!

"Ayos ka lang?" nabigla ako nang may humagod sa balikat ko. Lalaki ito na kasama din nila Hera. Di ko pa kasi alam pangalan nila eh. I also doubt if i can really remember their names. Ang dami namin to the point na mahirap tandaan.

"Yeah. Naipit lang ako." ang tangi kong sagot. Tumango lang siya at lumabas na ng elevator. Halos sampu nalang kaming nandito at puro babae.

"Mag-hagdan nalang kayo." masungit na utos pa ni Hera. Sabagay. Malaki man ang elevator pero sobrang dami namin.

"Seryoso ka ba?" parang di pa makapaniwala ang iba. I understand them. Sobrang laki ng hotel tapos maghahagdan lang sila? Ayos sana kung pababa pero pataas kaya sobrang nakakahingal...

"Oo.. May angal ka? Kung ayaw niyo, edi maghintay kayo na bumaba ang elevator at per batch kayo aakyat!" iritang sabi niya. Since madami ang lumabas ay sobrang lumuwag ang elevator. This is not an elevator na parang four corners lang. Malawak siya actually at pwede kumasya ang at least 15-18 na tao pero depende nga lang kung gaano sila kabigat.

"Sabi ko nga wala! Ikaw naman Hera ang high blood!!" Di ko maintindihan.. Takot ba siya kay Hera? Hmm..

Napahinga nalang ako nang malalim. May limang floors ang hotel. Malawak at malaki ito. Sa first floor ay lobby saka reception. May public cr din at ang kitchen area. There is also like a office. Management office and cameras ata.

2nd floor is all beddings and materials nila sa hotel.. Doon din ang cleaning materials saka lockers ata ng mga nagtatrabaho... Halos hallway lang siya na straight sa hagdan. Yun lang naman ang visible kasi may mga doors na locked at kailangan ng susi na pang staff lang. Doon din matatagpuan ang kitchen area and dining hall ng mga hoteliers.

3rd and 4th are just rooms and with cr.. May deluxe, family style, single ganun... May iba ngang special eh kasi may kasama pang tv sets pero mahal.

Sa 5th floor, kung nasaan kami ay isang malaking penthouse na sakop ang buong floor kaya naman ay malaki talaga. Para siyang big Family style penthouse na kompleto lahat.

Malaking living room na may tv at mga sofa na may iba't ibang style. Sobrang laki din ng Dining room at kitchen counter. Mahabang mesa na para bang royal family na mesa pero mas simple lang ang design. Kompleto rin naman ang mga gamit duon.

Zombie Outbreak: Rise of the UndeadDove le storie prendono vita. Scoprilo ora