Chapter 19: Uncontrollable

ابدأ من البداية
                                    

"I like you... to be my next victim."

Ang linyang 'yan ang punot dulo kung ba't nagugulohan ako ngayon. Napakuyom naman ako ng mahigpit at pilit na pinipigilan ang sariling umiyak. Kaya pala this days ay pinapaikot niya ako. Pinaparamdam niyang mahal niya ako.

Great! Muntik na akong mahulog. Or should I say, nagsisimula na pala akong mahulog.

"Thank you Topher." sabi ko at tiningnan siyang hinihintay ang sagot ko.

"Thank you for telling me the truth. Don't worry hindi niya ako masasaktan dahil hindi ako mahuhulog sa patibong niya." I confidently stated and smiled at him.

It's okay. Matagal ko na rin namang nararamdaman na pinaglalaroan niya ako. Although nakuha niya nga ako. Lintek Alexandra!

Pinakitaan ka lang ng maganda, inalagaan ka lang, pinakilig ka lang. Nahulog ka naman. Hindi na nga matalino, pati ba naman sa pag-ibig bobo?

Buti na lang at nakakuha na ako ng impormasyon tungkol sakanila. Hindi na ako mag-aalala kung uuwi ako kila Daddy na walang dalang impormasyon. It's a win-win situation. Pinaglaroan ako ni Kiero at ginamit ko naman siya para makuha ang impormasyon na gusto ko. Napalapit ako sakanila ng walang ginagawa.

Napatingin naman ako kay Topher na nasa harap ko. Alam kong mabait kang tao pero alam ko ring sa likod ng kabaitan na 'yan ay kasali ka sa mga masasamang gawain sa loob ng underground society. If nakilala lang kita sa ibang pagkakataon you could be my closest friend. Pero hindi eh.

"Ano ng gagawin mo?" tanong sa akin ni Topher pero nagkibit-balikat lamang ako sa kaniya.

"Lalayuan ko siya."

Naglalakad na ako ngayon patungong dorm. Nagpa iwan si Topher sa cafeteria dahil may gagawin pa daw siya. Hindi na ako nagpumilit pang gamutin siya dahil wala rin naman ako sa mood na gamutin siya. Sa lahat ng nalaman ko?

Topher just prove to me na lahat ng naiisip ko tungkol kay Kiero ay totoo. Na pinaglalaroan niya lang ako. Pero... kasali ba sa laro ni Kiero ang nangyari kanina?

Umiyak siya't lumuhod sa harapan ko. Na tila ba ayaw niya akong mawala.

Pero tama nga sila. Hindi porke iniyakan ka ay mahal ka na. Ang iba diyan nag papanggap lang para mahulog ka sa patibong nila.

Ngayong gabi ay aalis na ako sa university. Hihintayin kong makatulog na ang lahat ng tao bago ako lalabas. Magpa-plano rin ako kung saan ako dadaan lalo na't may maraming guards na nakabantay sa labas ng tarangkahan pag gabi.

Ngumuso naman ako sa mga naiisip ko. Paano kung hindi ako makalabas? Sa malalim na pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nandito na pala ako sa loob ng dorm.

Mabilis kong tinahak ang hagdan papunta sa kwarto ko ng makita 'di kalayuan ang naka bukas kong kwarto. Nanlaki bigla ang aking mga mata. Isinarado ko iyon ng maiigi kanina ah!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa kwarto ko at natigilan ng makita si Kiero na... nakahalandusay sa sahig. May dugo rin ang mga kamao at mukha niya. Anong nangyari?

Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Topher kanina. Sila ba ang may gawa sa kaniya nito? Pero ba't parang sobra naman yata.

"Kiero." tawag ko sa pangalan niya at nilapitan siya. Akala ko ay kung sino ng pumasok sa kwarto ko.

Nandito paman din ang flash drive na pinaka iingatan ko.

Tiningnan ko si Kiero at nakita ang mukha niyang ang daming pasa. Kaya dali-dali akong pumunta sa cr at kinuha ang first-aid kit na nasa ibabaw ng cabinet.

Kumuha na rin ako ng towel at maligamgam na tubig. Ng mahanda ko na ang lahat ng gagamitin, pilit kong pinapaupo ng maayos si Kiero sa sahig. Ng sa gayoy magamot ko siya ng maayos.

"Kiero, umupo ka ng maayos." utos ko sa kaniya at tinulongan siyang gumalaw.

Narinig niya naman yata ako dahil gumalaw siya ng dahan-dahan kaya agad ko naman siyang tinulongan.

"Ano ba kasing nangyari?" mahina kong tanong sa kaniya.

Hindi naman ako umaasang sagutin niya ang tanong ko dahil alam kong nahihirapan siya. Napatigil naman ako sa paggalaw ng hinawakan niya ang kamay ko.

"H'wag mo a–akong iwan A–Alexandra. H–Hindi ko kaya. Hindi naman kita kayang l–lokohin. Hindi." putol-putol na pagkakasabi sa akin ni Kiero.

Naramdaman ko naman agad ang pagsisisi sa boses niya. I sighed in confusion. Maniniwala na naman ba ako? Hinawakan ko nalamang ang pisngi niyang dumudugo.

"Sshh, h'wag ka ng magsalita. Gagamutin kita. Dito lang ako." sabi ko at marahan na ipinikit ang mga mata ko.

Tama ba ang desisyon ko? Kanina ko lang sinabi kay Topher na hindi na ako papaloko. Tiningnan ko naman si Kiero na ngayoy nakapikit pa rin.

Kahit ngayon lang pagbibigyan ko na muna ang sarili ko. Gagamutin ko lang siya at aalis na rin mamaya.

I can't afford to see him hurting like this.

Nasasaktan din ako. Bumitiw ako sa pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at sinimulan na siyang linisan.

Kinuha ko ang towel at binasa ng maligamgam na tubig. Pinunasan ko ng dahan-dahan ang mukha niya at ngayon nakikita ko na ng maayos kung saan siya sobrang napuruhan.

Galing sa noo ang mga dugong umaagos sa mukha niya. Mayroon ding maraming sugat ang kanyang pisngi lalo na ang kanyang labi. Bakit parang pinagtulongan siya?

O baka hinayaan niya lang ang sarili niyang bugbogin ng ganito.

Natapos ko siyang linisan at gamutin. Nilagyan ko na rin ng benda ang mga kamay niya. Ngayon ay maayos na ang pagmumukha niya 'di gaya kanina.

Napakagat naman ako sa labi ko ng masulyapan ng maayos ang mukha niya.

Napalunok din ako bigla ng dumako ang mga mata ko sa labi niya. Oh gosh! Tumigil ka Alexandra! Itigil mo na 'yang kahibangan mo.

Agad ko namang naalala ang una at ikalawang pagkakataon na hinalikan niya ako. Ng maalala ko kung paano niya ako hinalikan ay bigla na lamang uminit ang pisngi ko.

"This is stupid." I groaned at pilit na inaalis ang mga alaalang sumasagabal sa isipan ko.

Tatayo na sana ako ng bigla akong hinawakan ni Kiero sa kamay. Napapitlag ako bigla at nabitawan ang kamay niya.

"Ginulat mo naman ako!" I said hysterically.

Napangiti naman siya sinabi ko.

"You healed me." sabi niya at pilit na inaabot ang kamay ko kaya ako na mismo ang humawak sa kamay niya.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko at umupo sa sahig para magkaharap kami.
Umayos nadin siya ng pagkakaupo pero dahan-dahan lang siya kung gumalaw.

"I'm sorry." wika ni Kiero ng makaayos na siya sa pagkaka upo at iniwas ang tingin sa akin.

"Para saan?" malamig na tanong ko sa kaniya. Alam ko na kung saan 'to papunta ang usapan na 'to.

"I'm sorry. Sorry kung plinano kung paglaroan ka, na biktimahin ka. Pero Alexandra nong sinabi kong mahal kita hindi na 'yon kasali sa laro. Mahal talaga kita. Minahal na kita." sabi niya at tinitigan ako ng mabuti.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay tila ba kinilabutan ako. Na parang may gustong kumawala sa katawan ko. Bigla namang uminit ang mukha ko ng makitang nakatitig pa rin siya sa akin ng matagal.

"Bigyan mo ako ng pagkakataong baguhin ang sarili ko Alexandra. I will prove to you na hindi ako nagsisinungaling. Na mahal talaga kita. Alam kong sinabi na nila Topher sa'yo ang lahat ng plano ko tungkol sa'yo pero matagal ko na 'yong kinalimutan. Sa bawat hakbang kong paikutin ka sa mga kamay ko ay hindi ko na namalayang ako na pala ang umiikot sa mga kamay mo. Just please. Give me one more chance to love you." mahaba niyang litanya dahilan upang mapatahimik ako.

Tila ba maraming paru-paru ang nagsiliparan sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Huminga naman siya ng malalim bago muling nagsalita.


"Hayaan mo ring protektahan kita sa lahat ng taong gusto kang saktan. Ipinapangako ko, gagawin ko lahat para sa'yo."

The Gangster's Victim حيث تعيش القصص. اكتشف الآن