"Mama!" Kumaway ako kay Kyara. "Come here!" Sigaw niya. Ngumiti ako at tumango.

Tinanggal ko sa pagkakabuhol ang roba ko at tuluyan ko nang tinggal ang roba showing my blue bikini.

Kahit hindi ko tignan kung sino ang nakatingin sa akin ngayon ay kilalang kilala ko na.

I am just so lucky that I maintained my sexy body kahit na nanganak na ako ng kambal. May mga kaunting maliliit na stretch marks nga lang, pero I'm still proud of it dahil sa mga marks na 'yon naaalala ko kung gaano ako katapang nang pinagbubuntis ko ang mga kambal. Nang dahil sa mga marks na 'yon ay nagkaroon ako ng dalawang napakagandang anghel.

I smiled at the man staring at me. Tapos lumapit na sa kanila para makisali.

Agad kong naramdaman ang katamtamang lamig ng tubig. Hanggang bewang ang lalim kaya nakasalbabida pa ang mga kambal.

"Attack!" Sigaw ni Zy tapos ayon pinagtulungan nila akong sabuyan ng tubig.

"Hey!" Tili ko. Tapos sinabuyan ko rin sila pabalik na ikinahalakhak naman nung dalawa.

Napunta kami sa hanggang dibdib ang lalim ng tubig. Nakahawak na rin ako sa salbabida ni Akira na donut para alalayan siyang hindi mahulog sa pool.

Ang lalim pala ng pool na ito, nako the twins are not allowed to come here hanggat wala silang kasamang maliligo.

Napaigtad ako when someone encircled his arm on my waist. Sinabuyan ko nga siya ng tubig. He laughed.

"Huwag mong hayaan si Akira mapunta sa kung saan. Malalim ang pool Zy!" Pinandilatan ko siya ng mata. Hinayaan niya kasi si Akira na pinagsasagwan ang kamay habang nasa salbabida niya pa ring swan. Palayo na siya sa kinalalagyan namin.

"Mama let go. Punta rin ako kay Akira," sabi naman nung isa. Hawak ko kasi ang salbabida niya kaya hindi siya makaalis.

"No," sabi ko. Sumimangot naman si Kyara.

"Zyrone si Akira." Pero imbes na sagutin niya ako, tinanggal niya nalang yung kamay kong nakahawak sa salbabida ni Kyara.

"Hoy!" Suway ko.

"Don't worry cookie, they're safe." Hinampas ko siya sa balikat niya.

"Anong safe? Hindi pa nila abot ang tubig, what if mahulog sila sa salbabida aber?" Tangka na sana akong puntahan yung dalawa kaso mas hinila niya pa ako papalapit sa kanya.

"I doubt that,"

"Zyrone naman eh."

"Legs nila ang nakalabas sa butas ng salbabida nila okay? And if they fall, I'm just here," paliwanag niya.

"Sure ka diyan ha, nako sinasabi ko sayo," banta ko.

He chuckled and then he quickly kissed me on my lips. Hinampas ko ulit siya sa braso.

"May mga bata." I warned.

"And so?" He asked. Hinampas ko ulit siya at sinabuyan ng tubig. Nabitawan niya naman ako.

"Chansing ka ha," he said. "You can just ask me kung gusto mong hawakan ang buong katawan ko cookie, it's all yours. You know?"

"Heh! Tumigil ka nga." Naglakad na ako sa pool para lapitan ang mga kambal, nanghaharot si Zyrone eh.

I mean it's okay na harutin niya ako as long as the kids were not around.

Pero hinila na naman niya ako at inilapit sa kanya.

"Ikaw ata ang chansing Mr. Olivier?" I asked.

"You can say that Mrs. Olivier." He smiled at me. "Now that I saw you like this, I just want to rip the remaining cloth covering your body and--"

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now