Chapter 46

29.6K 786 21
                                    

"H-huh? I mean it's good, for the twins," I said.

Naghagikhikan naman ang kambal. Na parang nararamdaman din nila ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Hay nako.

Lumapit na rin sila Mama at Papa.

"Anak, mauna na kami? Bukas babalik nalang kami dito para sunduin kayo." Nang dahil sa sinabi ni Mama ay hindi ako nakapagsalita agad.

"T-teka, Ma!" Huwag niyo naman po akong iwan dito kasama si Zy baka kainin ako nito ng buhay dahil may galit siya sa akin!

"Zyrone said he'll take care of you three," kumindat pa siya tapos lumakad na sila ni papa at wala na akong nagawa.

"What's with the face Mama?" Kyara asked.

"Ah, nothing baby." I said and smiled.

So kaming apat nalang ang matitira dito sa kwartong ito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"Mama kiss?" Kyara asked. Lalo akong napangiti when she said that. Oh yeah I guess that's what I need right now. Their little kisses.

At tulad nga ng inaasahan ko pinugpog nila ako pareho ng halik.

Habang si Zyrone naman ay pumunta doon sa table at may kinukuha na hindi ko alam. Tapos pagbalik ay may inabot siya sa akin na tatlong pirasong gamot at isang basong tubig.

"Time for your meds," agad ko namang inabot ito at ininom.

Sweet.

"Thanks." I said. 

Tapos may kumatok sa pinto at bumukas iyon at pumasok si Dr. Sam.

"Doc. Sam!" Kyara waved her hand.

"Hi."

Kahit ako ay napangiti na rin dahil sa magaganda niyang ngiti. Tinignan niya kaming apat at mas lalo siyang napangiti.

"Perfect family!" She said. Teka alam niya na? Tapos teka hindi ba girlfriend siya ni Zy or asawa? Oh no. Pero kasi Kho pa rin ang apelido niya.

"Napakaganda niyong tignan. I haven't even imagine na mangyayari ito. Aish, kinikilig ako," she said again. Pero naguhuluhan ako, kinikilig siya para sa amin? Walang halong ka-plastikan ang inaasal niya so ibig sabihin walang namamagitan sa kanila ni Zyrone?

"He's a big brother to me, don't worry." And then doon na nasagot lahat ng katanungan ko na ikinahinga ko ng maluwag. Salamat naman.

"Kyara, last meds!" Sabi niya. Kinuha naman siya sa akin ni Zyrone. Tapos heto na naman ang mabilis na tibok ng puso ko when our face were just inches apart. I even felt his warm breath on the side of my neck. Tapos ang napakabango niyang katawan ay tila ba nakapagpagising ng ilang milyong paru-paro sa aking tiyan. Damn.

"Mamimiss kita Doc. Sam," my daughter said.

"You can go here baby if your Daddy will let you, right Zy?"

"Ah yes, of course." Sagot naman ni Zyrone.

Pagkatapos niyang i-check ulit si Kyara ay hinila siya ni Zyrone palabas. I don't know why. Baka may pag-uusapan sila?

"I'm sleepy," sambit ni Akira.

"I am too," sabi naman ni Kyara.

Kahit ako ay inantok, hindi ko alam kung epekto ba ito ng gamot.

"Okay, let's go to sleep." Sabi ko at lumipat kami sa kama. I let them sleep there habang ako ay nasa sofa. Malaki naman itong sofa kaya dito nalang ako.

"Don't move too much, you're not well yet," said by the man na hindi ko man lang napansin na nakapasok na siya ulit dito.

"I'm fine," huminga ako ng malalim. "I'm just...sleepy. Inayos ko lang 'to, dito nalang ako matutulog the twins were sleeping there," nginuso ko yung kama.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now