Chapter 39

27.9K 782 89
                                    

Marami pa akong gustong tanungin pero napatigil ako sa pagtatype nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang building na may limang palapag.

It looks abandoned from the outside dahil sa kupas at nilulumot ng pintura pero there are lights from the inside.

Dito ba nila dinala ang anak ko? Sa lugar na liblib walang halos na ibang building or bahay man bukod sa building na nasa harap namin. Oh god. Ngayon ko lang rin napansin na napapalibutan ito ng maraming puno. My attention was on the topic that I and Zyrone were talking about through text sa buong byahe kaya wala akong kamalay-malay na dinala kami ng sasakyan niya sa lugar na ito.

Yes at first, when he sent me the address ay wala talaga akong idea kung saan ko iyon matatagpuan. Mabuti nalang at kasama ko si Zy.

Nagvibrate ulit ang phone ko at binasa ko ang text ni Zyrone.

Zyrone:
Don't forget what I've said, sundin mo kung ano ang sasabihin ko. No more second thoughts. No more backing out. Take care, wife.

Pagkataas ko palang ng mukha ko para tignan siya ay doon niya ako hinila sa batok para halikan sa labi.

I was so shocked kaya hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. That was fast pero naghuhuramentado na ang puso ko. Ano ang ibig sabihin non? Why did he kiss me?

Bumalik ako sa reyalidad when he got off from the car at binuksan ang pinto sa side ko. I couldn't help but to blush. Damn it. I shook my head para makapag-focus sa kaisa-isang rason kung bakit kami nandito ngayon.

Hindi ko man alam ang plano ni Zyrone sa mga oras na ito o kung meron ba siyang plano ay bahala na. He said that I should trust him. Kung hindi ko man nagawa noon ay ngayon ako babawi.

Hindi ko man lang nasabi ang plano ko. Pero bahala na. I'll do what I think is right. Walang mamamatay sa kanilang dalawa sa gabing ito at maililigtas namin ang anak ko at mahuhuli na ang hayop na may gawa ng lahat ng ito.

Hinawakan niya ang siko ko habang naglalakad kami papasok sa building.

Agad akong nagtype sa cellphone ko at bago ko pa isend sa kidnapper at ipaalam na nandito na kami sa lugar na sinabi niya ay tumawag siya. Kasabay din non ay ang paglabas ng tatlong armadong lalaki na malalaki ang katawan.

"H-hello." Sabi ko. Napatingin sa akin si Zyrone at kunot noo siya.

"Magaling, magaling. Kyana sumama kayo sa mga lalaking nasa harap niyo." And after he said that ay pinatay na niya ang tawag.

Lumapit sa amin ang mga lalaking may malalaking baril tapos nilayo naman ako ni Zyrone at nilagay sa likuran niya.

"He wants us to go with them," I said in a low voice. Hindi ko alam kung anong plano. Nasabi ko naman na kay Zyrone na hindi ko gagawin yung sinasabi ng kidnapper na makuha ang anak ko, pero wala naman siyang sinabi doon. Ang gusto niya lang ay magtiwala ako sa kanya.

Tumango ito sa akin. Napakadilim and dinaanan namin kaya napakapit ako ng mahigpit kay Zyrone. Who knows kung may multo dito na lumitaw bigla.

I slapped myself in mind. Mas dapat kong katakutan ang mga taong kasama namin ngayon. What if bigla nalang nila kaming pagbabarilin dito?

"I got you," bulong ni Zyrone.

Nakahinga nalang ako ng maluwag nang nakakita ako ng liwanag sa dulo ng hallway na dinaanan namin.

This building in the inside wasn't that old. Pero yung ambiance sobrang bigat sa pakiramdam. Nakakatakot.

Nakatayo lang kami dito sa malawak na kwarto. Nasa sulok ng silid ang mga bantay.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now