Chapter 11

32.3K 899 61
                                    

"Nagkita k-kami..."

Tumingin ako kay Amira ngayon na naka-nganga. Pagkauwi niya sa bahay nila kanina ay hinanap niya ako para kausapin. Hindi muna ako umuwi ng bahay namin gaya ng gusto niya.

She wants to talk about what happened to me doon sa Paris. Dahil alam kong nahalata niyang wala ako sa sarili pagkauwi ko kaninang umaga, yes it might be because of the shock dahil sa terrorist attack pero she knows more than that. Kilalang kilala niya ako at ganoon din ako sa kanya.

"Dios mio! Did he hurt you? Anong sabi niya sayo? Alam niya na bang may anak kayo?" Sunod-sunod niyang tanong. Nasa kwarto niya ako ngayon and the kids were sleeping sa guest room.

Umiling ako.

Kinuwento ko ang lahat ng nangyari.

"Ang kapal naman talaga ng mukha niya. Wow siya pa may ganang magalit o magplanong saktan ka? Ulit?" Napahawak siya sa noo. "At wala siyang karapatang pagsalitaan ka ng ganon when in the very first start he tricked you. He lied and cheated kaya mo siya iniwan and not because of their goddamn money!"

Tumango ako. Maybe because that was what his Dad told him. Dahil bago ako umalis binigyan niya ako ng cheke na nagkakahalaga ng malaking pera. Hindi ko iyon tinanggap pero nagpumilit siya and I really didn't use that money dahil bago pa man ako makalabas ng sasakyan ay pinunit ko iyon. I don't need their money!

"I'm scared Amira. Hindi ko alam kung may alam na siya tungkol sa mga bata at iyon ang gagawin niyang dahas para saktan ako, pwedeng-pwede niyang ilayo sila sa akin at... at hindi ko iyon kakayanin." Humagulhol na ako. Agad naman siyang lumapit sa akin para yakapin.

"Kyana hindi mangyayari 'yon okay? Hindi niya makukuha ang mga bata. Don't worry we'll help you. Mag file siya ng case sige kahit umabot ito sa korte hinding-hindi niya makukuha ang mga bata. Lalaban tayo Kyana. Sabihin nating may karapatan siyang makilala ang mga anak niya but if he's just gonna use the kids to hurt you mas mabuti nang hindi siya makilala ng mga anak mo! They don't deserve a father like him."

"Natatakot ako," bulong ko.

"I know but please always remember that we're here. Tutulungan ka namin ni Daddy."

"Salamat." Niyakap niya ulit ako.

"Everything will be okay Kyana." Tumango tango lang ako. Having her by my side is really a big help.

"Paano na pala ang cooking competition? Ano ang mangyayari?" Pag-iiba ko ng topic. Ngayon ko nalang ulit naisip ang competition dahil masyado akong occupied sa pagkikita namin ni Zyrone.

"Hindi na itutuloy dahil nga sa nangyari. Huwag mo nalang isipin iyon."

Huminga ako ng malalim.

"Kharlo Kho was there too." As expected nanlaki ang mga mata niya.

"As in the owner of Ambrosia and Nectar?" Tumango ako.

"Wow parang first time siyang umattend sa mga ganyan. Well how does he look like?" I smiled.

"Gwapo, matangkad, hot and sexy?" Tapos tumawa ako ng mahina. Mas mabuti nalang sigurong hindi ko muna isipin si Zyrone. He will just always ruin my mind.

I just really hope hindi siya umuwi ng Pilipinas.

"He looks like that even in his old age?" I chuckled. Old age? Kharlo is just 28 years old.

"Of course not, he's still young. Just three years older than you."

"I... I thought magka-age sila ni Dad!" Hay nako sa sobrang busy niya ni wala na rin siyang time para mag google kahit man lang kaunting detalye sa chef na hinahangaan niya. Yes hindi ganon kadami ang info na malalaman sa internet dahil nga napaka-pribadong tao ni Kharlo but meron naman kung ilang taon na siya at saan siya pinanganak. I've searched about him too before dahil na rin kay Amira. She just reads the books that Kharlo wrote. Na-hook siya doon and sinunod niya lahat ang nakasulat sa libro para maging as successful as Kharlo and she did.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now