Chapter 49

33.1K 838 48
                                    

"Hey there," tawag ko sa mga anak ko na sinalubong naman ako ng yakap.

Tinanguan at ngumiti naman ako sa mga kasambahay na tumulong sa kanila para makababa, tapos umalis na rin sila.

"How's your sleep?" Bumaling ako sa mga anak ko and I kissed their heads. Matatamis lang na ngiti ang isinagot nila sa akin.

"Where's Daddy, Mama?" Tanong ni Akira.

"I'm here." Tsaka lang lumbas si Zyrone sa kusina at naglalakad na patungo sa amin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil halata na namang wala sa mood.

Hindi ba siya makapaghintay? Pfft.

Lumapit siya sa dalawa para kargahin sila pareho. Bumulong pa siya sa akin ng, "You're all mine later."

Tapos iniwan na nila ako papuntang kitchen to eat their lunch. Sadyang kanina nung after kong nagluto ng lunch ay dumeretso na akong magbake ng cookies para sa kanya.

Yes may cook siyang ni-hire pero gusto ko kapag sa kitchen ako nalang ang magluluto personally.

"Daddy, pwedeng mag-swimming tayo later?" Tanong ni Kyara.

"Sure baby," sagot niya sa anak ko.

"Yehey!" Sigaw ng dalawa. Napailing nalang ako. Lahat kasi ng gusto ng kambal ay binibigay niya. Kahit yung aso na gustong gusto nila dati pa ay binilhan sila ni Zy, hindi lang isa kundi lima at iba't ibang breed.

Mae-spoiled lalo ang mga anak ko niyan eh. Spoiled na nga kay Amira at sa Lolo't Lola nila, dumagdag pa itong si Zyrone.

Bumabawi nga talaga siya sa mga ito. Ni hindi na nga siya bumalik ng France o kahit man lang pumunta sa kompanya para magtrabaho dahil ayaw niyang iwan ang mga kambal. Madalas I'll just find him working sa study room ng mansion pag gabi, kapag tulog na ang mga bata, kaharap ang laptop at may ka-video call, si Hugo o kaya naman ay si Ivy. He chose to work at home dahil ayaw niyang iwan ang mga kambal.

Kaya nga kahit nasa iisang kwarto kami ay walang nangyayari dahil minsan nakakatulog na siya sa study room at kung matutulog naman siya sa kwarto ay tulog na ako, nararamdaman ko lang na tumatabi siya sa akin dahil sa pag-uga ng kama. Hindi ko naman siya iniistorbo pa sa trabaho niya dahil takot ako noong mas magalit pa siya sa akin.

Nagsimula kaming apat na kumain after that ay binihisan ko na ang kambal. Nakasuot sila ngayon ng purple and pink na bikinis. Ang cute nga nila eh. At syempre ako rin nagbikini ng kulay dark blue tapos pinatungan ko muna ito ng puting roba.

Sabay-sabay kaming lumabas nung kambal sa kwarto at naghihintay na sa amin si Zyrone sa sala.

Napatingin siya sa amin habang pababa ng hagdan. Hawak ko naman sa kamay ang dalawang kambal. Lumapit sa amin si Zy hindi pa man kami nakababa ng tuluyan at binuhat niya ulit yung dalawa tapos dumeretso na kami sa pool. The dogs wete playing in the garden just beside the pool.

Mayroon siyang malaking pool sa likod ng mansion niya. And I'm telling you, napaka-ganda ng view nito.

Nagsimula na silang magtampisaw sa tubig, naka salbabidang swan at donut yung kambal samantalang todo bantay pa rin si Zy. Ako naman ay nasa sun lounge lang watching them.

Pinapanood ko lang muna silang maglaro sa tubig.

Sobrang saya talaga ng nararamdaman ko. Posible palang makaramdam ng ganitong kasiyahan ano?

Yung akala kong hindi na mangayayari ang mabuo ulit ang pamilya ay ito na ngayon sa harap ko.

Looking at them, they are so happy pero mas dobleng saya ang nararamdaman ko.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now