"Okay." he nodded and I waved goodbye at him before I start to walk away. Nang medyo makalayo na ako ay nilingon ko siya at nakita ko siyang sinalubong ng mga kaklase niya.

"Sav!" lumingon ako sa sumigaw at nakitang si Johan ito. Napangiti naman ako at niyakap niya ako bigla.

"Masyado kang tinatago ni Salem sa amin. Hindi ka na pumupunta sa bahay nila ah."

"Nasa bahay kami lagi. Nanganak na si Kiana diba. So, yun nawili kaming dalawa kakabantay dun sa bata." sabi ko at tumango naman siya.

"Anong feeling ng senior na?" he wiggled his eyebrows at me.

"Masaya syempre. Nag-text na ba sayo si Irish?" he shook his head at tumigil kami sandali kasi nasa kabila ang building niya.

"Una na ako ah. See you mamayang lunch. Namiss ko pagkain dito." he waved at me and I waved back. Tinap ko na ang ID ko bago ako pumasok at nag-elevator paakyat.

"Hi, Sav!" napalingon ako sa bumati sa akin at nakita si Imee.

"Hello." nahihiyang sambit ko.

"Magkablock ata tayo?" she asks and I shrugged.

"Hindi ko alam eh. Pero sana." nginitian ko siya and she returned the gesture. Hindi ko alam paano talaga aakto sa harapan ni Imee. Ang awkward kasi sa feeling atsaka hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

Nang tumigil ang elevator sa floor ng classroom namin ay nauna akong bumaba. Pumasok ako sa classroom at lahat ng kaklase ko ay natigilan. Nakita ko ang iba kong kaklase dati pero ang iba ay hindi ko na kaklase. Alam kong alam nila ang nangyari sa akin.

"Hi, Sav!" bati ni Joanna sa akin. Naging kaklase ko siya noong 2nd year kami. Kinawayan ko siya at nginitian. Umupo ako sa bakanteng upuan sa bandang likuran at hinintay si Irish. Pumasok na ang kaibigan ni Imee na si Victoria. Nagtagpo ang mata namin at kinawayan niya ako. Kasunod niya ang taong hinihintay ko.

"Namiss kitang bruha ka." sabi nito ng makaupo na sa tabi ko. "Kumusta ang buhay asawa?" she asks habang naglalabas ng gamit mula sa bag niya.

"Okay lang. Lagi kaming na kina Mommy kasi nanganak na nga si Kiana."

"You mean, hindi ka pa nadidiligan?"

"Ang ingay mo. Wala sa plano ko iyon. Okay. Tigilan mo ko."

"Pero paano natitiis ni Salem ang libido?"

"Gago ka. Ang halay ng utak mo." sabi ko at inirapan siya. She chuckled at how I reacted. Hindi na niya ako pinansin dahil pumasok na ang prof namin.

Ilang oras ang lumipas at lunch na namin. Hindi naman masyadong naglesson ang mga teacher ngayon kasi kakapasok pa lang ngunit halos lahat ng topic ng teacher ay ako dahil nag-iba nga ang apelyido ko at nakitsismis sa buhay ko bilang Montenegro. Kaya kahit ayaw ko ay kailangan kong ilahad kung okay lang ba ako at ano ang pakiramdam ko.

"Hinihintay tayo sa baba nila Johan."

"Tara na. Nagugutom na ako." tiningnan niya ako at tiningnan ko siya pabalik.

"Hindi kayo magsasabay ni Salem?"

"Hindi ko alam sa kanya. Wala naman siyang sinabi." sabi ko at tumango naman siya. Bumaba na kami at nandon nga sina Johan. Kasama ni Johan si Brielle at si Kian na kinakawayan ang nga fan girls niya.

"Napakaflirt nitong lalaking to." narinig kong bulong ni Irish.

"Dali, mga gaga. Nagugutom na ako." sabi ni Brielle at umiling lang ako. Niyakap ko siya at ganon rin ang ginawa ni Irish. Kian smiled at me and I smiled back.

Destined (Montenegro Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz