Chapter 15: The Devils Game

Start from the beginning
                                    

Nakita ko namang parang kinabahan silang lima. Mga babae. Sinulyapan naman ako ng isang babae at agad na napayuko ng nagtagpo ang mga paningin namin.

Nagsimulang maglakad si Kiero at nilagpasan ang mga babae kaya sumunod naman kami.

Well, it's not necessary to fight lalo naman kung walang rason para mag aksaya ng lakas. Depende na lang kung nasa sa kanila ang clues or susi hindi ba?

Wait...

Mga matatalino sila! Ofcourse, paniguradong may nakuha na sila. Lalo na't naramdaman kong kinakabahan sila ng makita kami.

Agad akong napatigil at tumalikod. Tiningnan silang nagmamadaling lumakad. Sinuri ko ang isang babae at nagtaka ng makita ang pulang tela na nakaipit sa kaliwang bulsa ng pantalon niya.

Pulang tela? Anong ibig sabihin niyan?

"Xandra, halikana!" tawag sa akin ni Topher kaya nagmamadali na rin akong sundan sila.

Baka clues iyon. Baka nahanap nila ang pulang tela dito sa loob ng maze kasi bakit naman siya maglalagay ng tela sa bulsa niya hindi ba?

Napalinga linga naman ako sa paligid ng may mapansing kakaiba. May nakita akong iilang stick sa ibabaw ng mga puno.

Stick? Pulang tela?

Anong ibig nitong ipahiwatig?

Napasapo naman ako sa noo at napailing.

"Come on Xandra think! Agent ka pa naman at simpleng laro hindi mo kaya." bulong ko at ginulo ang buhok ko.

Napatigil naman kami sa paglalakad ng may humarang sa daan namin.
Malalaki ang mga katawan. Pormado ang mga muscles nila. TVL department 'to panigurado.

"Well well well." ngisi ng lalaking nasa gitna sa amin.

Parang handa na silang upakan kami. Napalunok naman ako ng makita ang iba't-ibang weapons nila. Mga patalim ang mga dala nila.

Ofcourse, they are an assassin. Mas gamay nila ang mga matutulis na bagay lalo na ang katana.

"Xandra, dyan ka lang. Hindi mo kailangang lumaban." wika ni Topher, pinandilatan naman ni Kiero si Topher dahilan upang mapabuntong hininga si Leo at Alex.

"Not now Kiero." Matigas na iling ni Leo sa kaniya.

Lumayo naman ako sa kanila at tiningnan silang handa ng makipaglaban. Lumapit ang lalaki kina Kiero at agad na nagsilapitan na rin ang iba.

Sinuntok ni Topher sa sikmura ang lalaking dala-dala ang dagger at tinuhod sa sikmura. Nakita ko naman kung paano barilin ng silencer ni Leo at Alex ang tatlong lalaki. Naipatumba naman agad ni Kiero ang lalaking nasa gitna kanina, lider nila ito panigurado.

Ng makita nila ang mga baril na dala ni Leo at Alex ay agad na nanlaki ang mga mata ng mga lalaki.

"Hindi pwedeng magdala ng baril dito!" singhal ng mga lalaki kaya napataas naman ang isa kong kilay.

Napatawa naman sila Alex. "Sa inyo hindi pwede, sa amin pwedeng-pwede."

Agad silang napasinghap at pilit na tumakbo papalayo sa amin. Oh well! Sino ba ang hindi matatakot sa baril? Isang gatilyo lang ng baril patungo sakanila ay patay na agad sila.

Namangha naman ako ng makitang ni hindi man lang sila pinagpapawisan. Alam na alam talaga nila kung paano makipaglaban.

Lalapitan ko na sana sila ng may biglang pumasok sa isipan ko. Stick at pulang tela. Ibig sabihin nyan ay flag! Mayroong flag!
Inilibot ko naman ang paningin ko ng may mahagilap akong pulang flag na nakasabit sa puno 'di kalayuan. Maliit ito, sa sobrang liit ay parang hindi mo na ito mapapansin.

The Gangster's Victim Where stories live. Discover now