"ang MANYAK MO!!!!!"

"HAHAHAHA! pasok ka na dali.." itinulak niya ako papasok sa CR!

"walang towel! wala akong damit"

"maligo ka jan, ako na bahala.. yayakapin kita ng katawan ko para matuyo ka at magsilbing tuwalya mo! hahaha"

"shut the f*ck up! manyak!" sinara ko ng padabog yung pintuan ng banyo!

***

"hoyy Denni--Deniella! dalian mo! magsasara na yung mall sa kabagalan mo!"

"wait!"

"kanina ka pa wait ng wait, mga anung oras kaya matatapos yang paggayak mo?"

"che! ewan ko sa'yo. manyak!"

"psh! ge antayin kita sa baba bilisan mo ah.."

ilang sandali pa ay natapos na rin ako sa paggayak, binilisan ko na nga kahit na kanina pa ako nababadtrip nung lalaking may kapansanan na 'to..

"hoy! anung petsa na Deniella!!! bilisan mo!!!"

bwiset siya! atat na atat umalis. kanina pa ako minamadali, tapos ngayon sigawan naman ang gusto niya? jusko! paano ba naman kasi ako mabilis matatapos nito eh habang naliligo ako, nagbibihis ako, at nag-aayos ako, eh inaasar at binubwiset niya ako. hmp!

tinignan ko muli ang mukha ko sa salamin sa kwarto ni Gabriel saka ako nagmadaling pumunta sa may pintuan ng kwarto niya at balak ko ng tumakbo mabilis pababa dahil kanina pa bulyaw ng bulyaw yung lalaking panora na yun! 

pagbukas ko ng pinto.. 'TSUP'

O___________O

pareho kaming nagulat. pareho kaming natahimik..

"sh*t! sorry Deniella!" napatalikod ako sa kanya at napahawak sa labi ko. pareho naming hindi ineexpect. pero di ba nasa baba na siya kanina? bakit napunta siya sa tapat ng pintuan? bakit di ko kagad siya nakita? 

bakit parang may nararamdaman akong aftershock? para kasing nakuryente yung buong katawan ko nung aksidenteng naglapat yung labi namin eh. 

"sige, antayin na lang kita sa baba.." narinig ko yung yabag niya pababa ng hagdanan.

'Joshua, aksidente lang yun. wag kang magagalit. hindi ko ginusto na maglapat yung labi namin.. hon, sorry! wag kang mag-alala, ikaw pa rin. hindi magbabago yun..' sabi ko sa sarili ko. feeling ko kasi parang pinagtaksilan ko na din yung pagmamahal ko kay Joshua.

I missed him, especially his kiss.

ayokong mag-antay pa si Gabriel sa ibaba kaya bumaba na din ako kalaunan. hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. pareho pa rin kasi kaming tahimik at walang kibo sa isa't isa. as in sobrang AWKWARD ng atmosphere. sumakay kami ng taxi na parehong tahimik at hindi nagkikibuan. hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at kung ano ang gagawin namin kaya nanatili lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makababa kami sa mall..

"ang layo mo, tara nga dito.." hinawakan niya yung wrist ko saka niya ako hinaltak papunta sa tabi niya..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon