Chapter 40

6.2K 199 29
                                    

Queen's PoV

Kanina pa ako bored na bored dito sa loob ng student council office, kanina pa kasi sila nag me-meeting patungkol sa darating na foundation day ng school.

And I don't even know why I'm here ? Hindi naman ako student council officer, so bakit kailangan pa ng presensya ko dito di ba ?

Haisst ! Miss na miss ko na tuloy ang girlfriend ko. . Simula pa kasi kaninang umaga hindi pa kami nagkikita, at ngayon mag aalas singko na . . Argh ! I hate this.

"What do you think Queen ?" bigla na lang may nagsalita.

"Huh ?" napatingin ako sa kanila, na ngayon ay nasa akin na pala lahat ng atensyon nila.

Nakatingin po silang lahat sa akin.

"Ano nga ulit yon ?" tanong ko.

"Ang sabi ko, anong masasabi mo sa lahat ng napag usapan natin." saad ni Kristen ang student council president ng school.

Napag usapan natin ? Tch ! Baka napag usapan nyo !

Napatingin ako dito. . Isa si Kristen sa iilang mga studyanting hindi natatakot sa akin, mas nauuna kasi sakin sya ng isang taon, tapos sobrang seryoso pa nito sa pag aaral.

Napatitig din ako sa mukha nito. . Maganda ito, sexy, morena, matalino, yon bang lahat nang katangiang hinahanap ng isang lalaki, or babae, nasa kanya na lahat. I wonder kong bakit hindi ko sya nagustuhan.

"Shit ! Kaibigan. . Sa pag kakaalam ko, Kay Sammy ka lang  nagkaganyan. . Buang ayy!"

Hindi ko tuloy mapigilang matawa. .

Gulat at pagkamangha ang nakikita ko sa mga mukha nilang lahat ngayon, Ay. . OA lang ? Ngayon pa sila nakakita ng dyosang tumatawa ? Tch !

"Tch ! Wag nyo nga akong tingnan ng ganyan. . Haisst. . Gawin nyo na nga lang kong ano ang gusto nyong gawin."

"Pero kailangan namin ng approval mo Miss Dela Merced." saad ni Kristen.

"Haisst. . Okay na sa akin kong ano yong mga plano nyo, may tiwala ako sayo. . Okay." nginitian ko sya.

Nakita ko naman kong paano ito napatanga sa harapan ko.

"First time mo kasi nginitian Bess ."

Agad naman akong napatayo at nagpaalam sa kanilang lahat. "Gotta go guys. . Kayo ng bahala sa lahat ha. . Bye." magiliw kong saad sa lahat.

Kinawayan ko na muna sila bago ako lumabas ng office.

Tatawa tawa naman akong naglalakad patungo sa parking lot. . Ang epic naman kasi ng mga mukha nilang lahat ehh. . Tch ! First ko nga ata silang nangitian kaya ganon nalang ang reaksyon nila.

Noon kasi, alam kong sobrang bitchy ng pag uugali ko, hindi ako ngumingiti sa lahat at palaging naka poker face lang ako. . Pero ngayon, nagagawa ko ng ngitian sila, nagagawa ko ng tumawa, at sumaya. . And I  know, it's all because of Samantha. . Ano kayang gagawin ko kapag nawala sya sakin ? Haisst ! Ano ba tong mga iniisip ko, matawagan ko na nga lang yong girlfriend ko..

Ilang ring pa ang dumaan bago nito sinagot.

"Hello."

"Hey. . Where are you ?" pinaandar ko na ang kotse.

"Bahay. Ikaw ?"

"Papunta pa sa bahay mo." nakangiting sagot ko.

"Huh ? Pupunta ka dito ?"

"Oo. . Bakit bawal ba ?"

"Hindi naman. . Pero di ba nagkita pa tayo kahapon."

In Love With The Queen (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara