Chapter 43

5.3K 178 19
                                    

Samantha's PoV

"Bessy dito." napatingin agad ako kay Abbe.

Nasa gym kasi kami ngayon, dahil ngayong araw na ito ang opening ng foundation day celebration ng school. And it takes four days para matapos ito.

Ibat ibang activities daw ang ginagawa ng lahat. Sports events, singing and dance contest, at marami pang iba.

And I'm sure nagtatanong kayo kong anong events ang sinalihan ko ? Syempre wala. . Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganyan eh, Kaya sina Abbe at Dann, naki join narin sa akin, support nalang kami kina Jacob at David.

Si Queen ? Abay ewan ko kong anong sinalihan ng isang yon. . Simula kahapon hindi na kami nakapag usap eh, at naiintindihan ko naman yon, kasi nga isa rin sya sa naging abala sa event nato.

"Kumusta Sammy dear ?" nakangiting tanong ni Dann.

"Ayos lang, as usual ganda pa rin." nginitian ko rin sya.

Sabay na nagtawanan naman ang dalawa.

"Anong feeling na alam na ng mortal na kaagaw mong si Jordan ang relasyon nyo ni Queen ?" si Dann.

"Syempre masaya. . At least ngayon, alam na nya kong saan sya lulugar di ba ?" tinaasan ko pa sya ng kilay.

"Ay taray mo gurl, ganda ka teh ?" si Abbe.

"Ganda nga ako bakla. . Kaya nga nahuhumaling yong Isa sa akin di ba ?" sagot ko.

Nagkatinginan pa kaming tatlo bago sabay na nagtawanan.

Natahimik lang kami ng nagsimula na ang program. . Tumagal lang naman ito ng halos isang oras, Kaya pagkatapos non ay nag punta agad kami sa Basketball gym ng school, maglalaro kasi agad ngayon sina David at Jacob. . At bilang mga supportive na kaibigan nagpunta kaagad kami don.

Pagpasok namin ay halos punuan na, mabuti nalang nakakita agad ng bakanting upuan si Bakla, malapit pa sa bench nina David.

"Actually mga bakla, reserve na tong upuan nato para sa atin, courtesy of Papa David and Papa Jacob."

Napatango tango nalang ako sa narinig.

Nag wa-warm up palang naman sila, at bigla nalang nag init ang ulo ko ng makita ko si Jordan, mabuti nalang talaga kalaban sya nina David at Jacob. . Tch !

At mabuti nalang talaga wala dito ang reyna. .

"Sammy dear nag text si Remojiin sa akin. . Hindi ka daw ma contact ? Kanina kapa daw nya tinatawagan." si Dann.

Dali Dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa bag.

Shit ! Naka off nga. . Lowbatt ata ? Nakalimutan kong i-charge kagabi.

"Pahiram muna ng phone mo Dann. . Tawagan ko lang sya, lowbatt kasi yong phone ko eh."

Agad namang binigay nito sa akin ang phone nya.

Dalawang ring lang ang dumaan, at sinagot agad nito ang tawag.

"Fuck it Dannica ! Where is she ?"

Batay sa boses nito. . Alam kong bad trip na sya.

Napalunok muna ako ng ilang beses bago sumagot dito.

"A-ako to ?" medyo nakangiwi ko pang saad.

"Samantha Marie !" Ramdam na ramdam ko ang pagiging cold ng boses nito kahit na nasa kabilang linya lang sya.

"O-o ?"

"Where the hell are you ? At bakit naka off yang phone mo ? Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sayo ?" alam kong pinipilit lang nitong wag akong sigawan.

In Love With The Queen (Completed)Where stories live. Discover now