Chapter 11

8.9K 261 15
                                    

Queen's PoV

5 am pa lang ng umaga ay gising na ako, hindi Rin naman ako masyadong nakatulog kagabi dahil nga kay Rivera.

"Fuck ! Si Rivera na naman Queen ? Aarrghh !" frustrated na angal ko sa sarili. "I need a distraction." padabog akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo upang maligo, sandali lang naman yon at natapos agad ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dannica.

"You ready ?" tanong ko dito, umoo agad ito.

Pupunta kasi kami ngayong dalawa ni Dannica sa tagaytay, weekend naman ngayon, balik din naman agad kami sa linggo ng hapon. Tsaka birthday ngayon ni Sofia ayaw na ayaw kong makihalobilo sa mga katulad niya.

Ilang taon ko na ba tong ginagawa ? Simula ng mawala sakin si Dada, simula non ni isang birthday party niya ay hindi ko na dinaluhan. Galit parin talaga ako sa kanya eh, hanggang ngayon.

Dali Dali akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa garahe kong saan nandoon ang isa pang kotse ko, nakita ko agad si Dannica sa labas, hininto ko ang sasakyan at lumabas, binigay ko sa kanya ang susi ng kotse.

"Ikaw ang mag drive, matutulog ako." pumasok agad ako sa front seat.

"Remojiin naman,ako dapat ang matutulog eh !" padabog itong umupo sa driver sit.

Sinamaan ko sya ng tingin."Oo na, ako na, ako naman palagi eh !"reklamo nito, inistart na nito ang kotse at pinaandar iyon.

"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi?" tanong nito.

Pinikit ko na ang mga mata ko. "Just having a random thoughts."sagot ko.

"Ay grabe namang random thoughts yan hindi ka talaga pinatulog?"

Tch ! Dannica being Dannica again! Arghh !

"Bakit hindi ka na lang mag concentrate sa pag da-drive dyan Dan."

"Curious lang naman ako bess. Ano o Sino ba talaga yang iniisip mo hah?!" kahit hindi ko sya tingnan, nasisiguro kong nakangisi ito ngayon sakin.

Hindi ko na lang sya sinagot para hindi na ulit ito magtanong, nag tulog-tulogan na lang ako. Dumaan ang ilang sandali pero hindi pa rin ako nakatulog.

Shit ! And this is all because of that fucking Rivera !.

Hindi ko kasi alam kong bakit bigla na lang itong natahimik pagkatpos ko syang sabihan na hindi kami magkaibigan, na hindi naman talaga. Tinawag ko pa nga sya para sana magpasalamat sa paghatid pero hindi naman ito huminto at deri-deritsong umalis.

And why am I feeling guilty right now ?Wala naman akong ginawang masama sa kanya ahh !

Ilang araw ko na nga syang hindi pinagti-tripan, pinatigil ko na rin sa mga alagad ko ang pang bu-bully sa kanya. At sa pagkakaalam ko maayos kami pagkatapos nya akong tulungan.

"And why is that Queen ? Asan na Yong sinasabi mong humanda sya sa mga gagawin mo sa kanya ? Tch ! May pa welcome to my hell ka pang nalalaman e ilang araw mo pa nga syang pinagti-tripan,suko kana agad ? Ni hindi mo pa nga yon napaiyak eh ! Booooo. . . Weak !"

"Oh shut up !" naibulalas ko na lang bigla.

"Uy ano na namang ginawa ko ! Tang ina Queen nagda-drive lang ako dito ni hindi---------

"Shhhh. . Tahimik Dannica. Just drive !" putol ko sa mga sasabihin pa nito. Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

Tang ina naman kasi! Bakit puro si Rivera na lang ang laman ng isipan ko. Shit! Dapat kamuhian ko sya. Kasi sya lang ang natatanging nilalang na nagagawang sagut-sagutin ako, hindi natatakot at nagagawa akong titigan sa mga Mata ng hindi nasisindak.

In Love With The Queen (Completed)Where stories live. Discover now