Chapter 36

5.8K 179 30
                                    

Queen's PoV

"Do you know Samantha's mother ?" Basta ko na lang tanong sa nanay ko, na ngayon ay nakaupo sa hapagkainan habang kumakain ng breakfast.

Sa tingin ko kasi kotse nya talaga yong nakita ko eh, Kaya pala pamilyar sa akin.

"Kaw pala Queen . . Upo ka muna anak." nakangiting saad nito.

Tinitigan ko muna sya ng maigi bago umupo. . Dalawang upuan mula sa kanya.

"Kain ka." nakikita ko sa mga mata nya ang kasiyahan habang nakatingin sa akin.

Napa buntong hininga na lang ako bago kumuha ng pagkain. .

Ilang sandali pa ay tahimik lang kaming kumakain, at alam kong kanina pa nya ako pinagmamasdan, Kaya tinanong ko nalang ulit sya.

"Kilala mo ba yong Mama ni Samantha ?" casual na tanong ko dito.

Tila nagdadalawang isip pa ito, ngunit ilang sandali pa ay sumagot din ito.

"Bakit mo naman natanong ?" malumanay na tanong din nito.

Tinitigan ko sya sa mga mata. . "Nakita ko kasi yong kotse mo sa tapat ng bahay nina Samantha."

Tumikhim muna ito bago sumagot. . "Yes kilala ko yong Mama ni Sammy, magkaibigan kami." nakangiting sagot nito.

Wait . . What ? So kilala na nito si Sammy kahit noon pa ? Pero bakit sabi noon sa akin ni Sammy, kakakilala lang nilang dalawa nong dumalaw sya sa akin nong may lagnat ako?.

"Si Samantha kilala mo na rin kahit noon pa ?"

"Oo naman . . Matagal ko nang kilala si Sammy. . Natutuwa nga ako na naging magkaibigan kayong dalawa eh."

Di ko mapigilang mapa kunot noo. ."Madalas ba syang pumunta dito ?"

"Minsan lang . . Kapag iniimbitahan ko lang sila dito."

Bakit ni isang beses hindi ko sya o sila nakita ? Tch ! Oo nga pala . . Hindi naman ako naglalagi dito kapag may okasyon eh.

Pero bakit ? Bakit nagsinungaling sa akin si Samantha ? Anong dahilan nya ?

Nang matapos na akong kumain ay tumayo na ako at umalis na doon.

"Saan ka pupunta anak ?"

"Kina Dannica lang." sagot ko dito.

Natigilan pa ako ng ilang sigundo. . Kong noon kasi hindi ko sya sinasagot kapag nagtatanong sya, ngayon Bigla na lang yon lumabas sa bibig ko. . Napailing nalang ako bago tuluyang nagpunta kina Dann.











Pagpasok ko sa bahay nina Dann ay dumeritso agad ako sa kwarto nito. . Walang katok-katok na basta lang akong pumasok sa loob. .

"Ay putang ina !" malutong mura ni Dann, habang yakap yakap nito ang laptop.

Umupo agad ako sa kama nito. . "Nanonood ka na naman ng porn no ?" nakangising tanong ko dito.

"Ay ang bastos mo naman kaibigan . . Anong tingin mo sa akin malibog ?" nakanguso pa ito, habang mahigpit pa rin ang yakap nito sa laptop.

"Patingin nga." bahagya akong lumapit dito.

Agad agad naman itong umalis sa kama at lumayo sa akin. . "Wag ka nga kaibigan. . Hindi mo ba alam yong salitang privacy ?" nakasimangot na ito.

"Naks naman . .Alam mo pala yon ? Tch ! Porn talaga yan eh." humiga na ako sa kama.

"Haisst . . Porn na kong porn. ." inoff na nito ang laptop at padabog na tumabi sa akin. "Ano palang ginagawa mo dito kaibigan ?"

In Love With The Queen (Completed)Where stories live. Discover now