Chapter 7

9.1K 259 8
                                    

Samantha's POV

"Sam anak, birthday bukas ng Tita Pea mo, pinapapunta nya tayo."sabi ni mama.

Pagkarinig ko sa pangalan ni Tita Pea ay naisip ko agad ang bruha. Saan kaya nagsususuot ang bruhang yon kapag birthday ni Tita ? Kasi halos taon-taon naman kami pumupunta Doon sa bahay nila kapag birthday ni Tita pero kahit ni isang pagkakataon ay hindi ko sya nakita doon.

"Opo Ma, alis na po ako ." hinalikan ko sya sa pisngi.

"Ingat ."

Tinanguan ko lang sya at dumiretso na sa motor ko. Halos twenty minutes lang naman ang drive kaya nakarating na agad ako sa school.

"Saaaammmy !" nakita ko si abbe na lakad takbong papalapit sa akin.

Ano na naman kayang nangyari sa baklang to ?

Tinaasan ko sya ng kilay . "Katapusan na ba ng Mundo Abbe ? Kong makasigaw ka sa pangalan ko ah !". Saad ko sa kanya ng tuluyan na syang makalapit sa akin.

"Talagang matatapos na ang Mundo ko Sammy kapag hindi ko makitang maglaro ngayon si Papa David ko ! Kaya let's go na sa gym Bess !" hinawakan nya ang kanang kamay ko at hinila na lang ako basta basta.

"Teka nga Abbelardo !" binawi ko ang kamay ko. "May klase ako eh !" huminto naman sya sa paglalakad.

"Wala si Mr. Cruz Sammy ." hinawakan niya ulit ako at hinila .

"Wait ka nga bakla !" sigaw ko dito.

"Sammy alam kong bakla ako, pero wag mo namang ipagsigawan, naloloka ang beauty ko bess ." hinawi pa nito ang imaginary hair nito.

Natawa ako . "Ano ba kasi ang meron Abbe at kong makahila ka sa akin wagas ."

"Bessy mamaya na ako magpapaliwanag ha, ang importante makaabot tayo sa laro ni Papa David ko okay ? So let's go ?"

Tinanguan ko lang sya at lumakad na kami patungong gym, na kahit nasa labas palang ay dinig na dinig na ang sigawan. Pagkapasok namin ay hinila agad ako ni Abbe don sa malapit sa bench ng team ng school.

"Waaahhh! Go Papa David ko !" sigaw agad ni abbe.

Natawa talaga ako kasi nga sa kanya na napunta ang atensyon ng ibang nanonood, sa lakas ba namang tumili  ng bakla .

"Totohanan ba to ?"pasigaw kong tanong Kay abbe, sa lakas kasi ng sigawan ng mga studyante e hindi na talaga kami magkarinigan.

"Tune up game lang Bess !"

Sinamaan ko sya ng tingin. He literally drag me here. Tas malalaman ko tune up game lang pala ?. Sarap sabunutan ng bakla .

"Saavedra for three points !"

Mas lalong umingay at nagsigawan ang mga tao sa loob kasi nga naka shoot ng tres si David Saavedra. Sa totoo lang hindi ko pa nakikita yang David Saavedra na yan na kinababaliwan ni Abbe. Natatawa ako kasi nga almost a month na akong nag aaral dito pero hindi ko pa sya nakikita in person. Kasi nga puro's Queen ka lang ehh. Ukupadong-ukupado bess .

"Hindi kaya !"saad ko bigla. . Napatingin ako kay Abbe, mabuti na lang busy sa pag che-cheer ang isa .

Arrghh ! Pati ba naman dito Sammy ?.

And speaking of the Queen. Namataan ko sya don sa may harapan na tila ba bored na bored sa pinapanood, katabi nya si Danica. Bahagya akong natawa, kasi nga ang cute nyang tingnan eh, bored na bored na si Ate .

In Love With The Queen (Completed)Where stories live. Discover now