Chapter 14 part 2

Bắt đầu từ đầu
                                    

“ Ang babaeing kinalolokohan mo?” napapailing na sabi ni Divina.

“I’m sure this time and maybe I love her.”

“May be? Oh my God! You have to be sure with your feelings Vincent. Magpinsan nga kayo ni Dennis.” Panenermon nito sa binata.

 

“Tita, I’m still confuse.” Palakad lakad si Vincent habang nagsasalita.

“What about Mia?” biglang naalalang itanong ni Divina kilala nito ang humor girlfriend ng pamangkin.

“She knows where to stand and we had an agreement before we started our relationship.”  Paliwanag ni Vincent.

“I don’t get it. May naririnig akong bulung bulungan from Mia’s parents that you’re going to propose to her next month. Is it true?” naguguluhang tanong ni Divina. May mga tawag siyang natanggap mula sa mga kaibigan na sinasabing masuwerte daw si Mia dahil si Vincent ang mapapangasawa.

Naningkit ang mga mata ni Vincent sa sinabi ng tiyahin. Hindi niya alam na may ganung klaseng tsismis na pala ang kumakalat. Masyado siyang nagging busy sa pagbabantay kay Jesica nitong mga nakaraang linggo. “That’s not true, wala akong plano na pakasalan siya at kung may pakakasalan man akong babae I’d rather choose Jesica.”  

 

“Who’s this Jesica? Kung kani-kaninong babae ka na lang nalilink. Ayusin nga ninyong magpinsan ang buhay ninyo.” Patuloy na sermon nito.

 

“Do you know the Tenorio family? the owner of Mid Valley Shopping Mall..”

“Hwag mong sabihin na anak yan ni Alejandro Tenorio?” nanlalaking mga matang tanong niya dito.

“Yes, he’s her father. Kung ang iniisip ninyo ang issue tungkol sa panloloko nito sa kanyang asawa, I don’t care about that.” Pinangunahan na ni Vincent ang tiyahin dahil alam niyang ito na ang susunod na sasabihin sa kanya.

 

“It’s not about that, it is about his daughter. Hindi mo ba alam na ang anak ni Alejandro at Lourdes ay may anak? Are you willing to father a child which is not yours?” Nanantiyang tanong ni Divina sa pamangkin pero kung siya ang tatanungin ay hindi issue sa kanya kung may anak man sa ibang lalaki ang nagugustuhan ng pamangkin ang tanging gusto lamang niya ay masiguro na nararamdaman nito.

Naumid ang dila ni Vincent hindi niya alam kung paano mag-rereact sa nalaman tungkol kay Jesica. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ng tiyahin.

“Wala ka ngang alam and based on your reaction I can tell that you don’t like the idea that you’ll be a instant father.” Umiiling na wika ni Divina.

 

“Tita, hindi ko alam ang tungkol sa anak ni Jesica. Nasabi niya sa akin na may boyfriend siya and she’s engaged may be he’s the father of her child.” Nanghihinang napaupo si Vincent sa pang-isahang sofa, pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina dahil sa nalamang balita.  

“I don’t know her masyadong private ang buhay ng asawa at anak ni Alejandro. Actually, if we have gatherings his mistress is acting as the real wife, akala mo kung sino.” Nakaismid na kwento ni Divina.

“Do you know the real wife?” Vincent is referring to Jesica’s mother.

 

“I saw her once but I didn’t have chance to meet her, hindi kasi mahilig sa social events si Lourdes kahit galing sa mayamang pamilya mas gusto niya ang simpleng buhay. What’s your decision now? Are you going to pursue her?” usisa ni Divina.

 

“I don’t know tita, naguguluhan ako ngayon.”  Pag-amin ni Vincent sa totoong nararamdaman.

“I’ll expect you tomorrow night; we’ll have dinner with Emer at pagbutihan mo ang pag-arte.” Pag-iiba ng ginang sa usapan.

Napatango na lang si Vincent bilang pagsang-ayon sa plano ng tiyahin. Sa ngayon ay gusto niyang makausap si Jesica para malaman ang katotohanan.

_______________________

If I Could Turn Back The Time (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ