"Okay baka gusto mong ikaw naman ang subuan, sabihin mo na." It's Amira again and she winked habang tumayo na agad sa kinauupuan niya dahil alam niyang makukurot ko siya sa singit.

"Babies, if you want cookies just tell me okay. I brought some fo--" Hindi pa tapos si Amira sa sasabihin pero nagsigawan ang kambal. Hays, kapag cookies talaga ang usapan..

"Yehey cookies! Want, want!!!"

Pero syempre nagsitinginan din silang dalawa sa akin para sa aking approval.

Hindi ko rin alam eh kung pwede kay Kyara. I smiled.

"Ask your Daddy," sabi ko. Tapos sabay silang tumingin sa Daddy nila. Doctor kasi kaya alam niya kung pwede ba kay Kyara kaya humihingi din ako ng approval niya.

"Go on. You can have some," he said. Nag yehey ulit silang dalawa. Tapos nakita kong napapailing nalang si Zy habang nay ngiti sa mga labi. Narealize niya siguro na parehas sila mga kambal ng paborito.

Nilapit naman ni Amira sa table yung box ng cookies. Tapos as expected yung kambal ang nauna.

"Hay nako itong dalawa talaga, basta cookies hindi pinapalagpas," sabi ni Mama. Yeah lalo na kapag bake ni Amira.

May pinagmanahan eh.

"For you all," Amira said. Nagpasalamat naman sila Mama at Papa pati na rin ang nga kambal na dala-dalawa ang kinuha.

"Daddy you want?" Akira asked. Habang may inaabot na chocolate chip cookie kay Zyrone.

"Daddy you want?" si Kyara naman ngayon habang inaabot ang chocolate cookie.

Napataas ang kilay ko. I guess mas paborito nilang dalawa ang Daddy kesa sa akin kasi hindi man lang nila ako tanungin kung gusto ko rin. I pouted.

Inabot niya ng sabay ang bigay ng kambal. "Thanks," he said. Humagikhik naman ang dalawa.

"Chef's cookies are the best talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Akira.

"I'm so flattered, thank you." Sagot naman ni Amira. Nagsi-ngitian naman ang kambal at thumbs up.

I continued to eat.

"Amira's cookies are their favorite, hindi sila kumakain ng ibang cookies kahit na bake pa 'yan ng Mama nila." Pagku-kwento ni Mama na halata namang close na rin sila ni Zyrone. Hays buti pa sila, eh ako kailan kaya kami magiging close ulit?

Nag-usap lang sila habang tinapos ko naman ang pagkain ko.

Hindi na rin nagtagal si Amira at nagpaalam na siya dahil sa trabaho niya. Mas lalo siguro naging busy ang babaeng iyon dahil sa pagkawala ni Beyb at heto ako nasa ospital pa rin, ilang linggo na rin akong wala sa trabaho.

Napasimangot tuloy ako. Hindi bale nalang aayusin ko muna ang buhay ko tapos babalik ako sa trabaho. I'm sure she'll understand. Isang week pang leave and I'll be back. Kausapin ko nalang si Amira about doon kapag dumalaw siya ulit.

"Mama?" Lumapit sa akin si Akira at umupo siya para tumabi sa inuupuan kong sofa.

"Yes baby?" I smiled. I comb her hair using my fingers.

"You want?" She asked habang inabot sa akin yung cookie na kinakain niya. I smiled again and took a bite of it.

"Brush your teeth after eating okay?" Paalala ko. Tumango-tango siya. Tapos niyakap niya ako.

"Are you okay?" Tanong ko.

"You're sick so I'm giving you a hug," she answered. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Ang sweet mo talaga. Just like that cookie, alam mo ba 'yon?" I tickeled her.

"Mama thank you," bigla niyang sabi.

"For what Akira?"

"Because Daddy is here na," I smiled. Kyara said that too.

"Are you happy?" Tinanong ko pa rin kahit halata naman ang sagot.

"Very much! Kasi hindi ka na iiyak. Tapos hindi na kami aasarin ng bad kids sa school," sumimangot siya. "Ayaw ko rin maging Daddy si tito Beyb, bad siya." Nagulat ako sa huling sinabi niya.

I kissed her forehead.

"Ssshhh he won't take you away from us again. Ano man ang sinabi ni Tito Beyb, hindi mangyayari yon okay?"

"Mama akala ko mabait po siya." May halong lungkot at takot sa boses ni Akira.

"I thought so too baby," bulong ko. "Don't think about him na. Hindi na natin siya makikita." I said.

"Sabi niya po siya na magiging Daddy namin, pero ayaw ko po." I held her face.

"But your Daddy is here, so don't worry na baby. Daddy won't leave you again."

She smiled.

"I know, because he told me he's staying here with us. Tapos pupunta tayo sa Disneyland. Yey!" Bumalik na ulit siya sa pagiging cheerful.

"Talaga? Sinabi ni Daddy 'yon?" Tumango-tango siya.

"Kasi po sabi ko, huwag na siya umalis kasi iiyak ka ulit. Tapos kami rin." I bit my lip. She said that?

"Bakit naman ako iiyak?" Pang-uusisa ko.

"Mama you don't have to keep it anymore. I know. Kyara and I, know," kumunot ang noo ko. Saglit akong tumingin kay Kyara na karga ni Zyrone na kinakausap naman sila Mama.

"What do you know?" I asked.

"Kasi po umiiyak ka kapag gabi. Akala po namin miss na miss mo rin si Daddy that's why you're crying. Hindi pa po kami tulog non, well we are just pretending. Hehe." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Oh no. So they really know.

Minsan kasi hindi ko rin talaga mapigilang mangulila sa kanya. Kaya minsan pag-uwi ko sa bahay, umiiyak ako sa harap ng mga anak kong akala ko ay tulog na. Oh these kids!

"Kayo talaga. Pero don't tell your Daddy about that."

"I'm sorry. I already told him."

"Akira!" Sigaw ko tapos kiniliti ko siya. Para tuloy akong inaasar ng anak ko.

"Mama t-tama na po!" I stopped tickling her. "Sinabi naman po ni Daddy hindi na siya aalis para hindi ka na umiyak."

"She's right."

Mas lalo atang namula ang pisngi ko nang marinig ko ang boses ni Zy na nasa likuran ko lang.

Nalaman niya nang dahil sa anak kong madaldal.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now