Chapter Ten - Sharie

698 27 0
                                    

4 days since me and Renzo are partners. Nasanay na akong kasama ang kutong lupa. Halos ma perfect na nga naming ang sayaw eh, ikaw ba naman araw2x magsasayaw ng ganyan… kahit sa gym, sa soccer field, sa library..kung saan maisipan ni Renzo.

“ labas tayo mamaya!”  muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Nasa cafeteria kami nag la-lunch. Kahit sa lunch kasama ko siya. Kahit si Jannah nasanay na rin ata sa presence ng impakto. Nagbabangayan na nga sila eh. Kasam rin pala naming si aldren dahil ka tropa siya ni Renzo sa basketball.

“tayong lahat?”

“you and me”      

*ubo..*ubo.. inabutan agad ako ni Jannah ng tubig.

“ayuko nga!” bulyaw ko agad sa kanya ng maka bawi ako.

“AT BAKIT?” lumaki pa ang butas ng ilong niya sa sigaw nay un. Binato ko sa mukha niya ang table napkin.

“kasi…kasi.. ah basta ayaw kong sumama sayo gets?”

“bakit nga?”

“ba’t ba ang kulit mo ha?”

‘siguro crush mo na ako noh?.. haha aminin” biglang nag panic ang isip ko. Pati dila ko nawala at.

“do you like me sharie?”

BLAAGG.. may nahulog na tray ng pagkain. Oh!.. that sound save me. Napatingin ako sa pinagmulan ng ingay. Makahiya?.. I saw him kneeling at the floor habang pinupulot lahat ang pagkaing natapon.

4 days ko na rin siyang di pinapansin. Just like before.. bumalik kami sa normal.. stmate sa class, nagkaka salubong sa hallway, sa library, sabay naglalakad pauwi. Just really like before. Yun naman ang gusto niya diba? Pero…. Na mimiss ko minsan ang kulitin siya. Duh! Ba’t pa kasi ako nag ka chance na maistorbo ang damo.. ayan tuloy naloloka ako minsan sa pag iisip sa kanya. Walang modo talaga!

“kahit kailan distorbo!” maktol pa ni Renzo. Nagka tinginan kami ni Jannah. Isa pa tong babaeng to eh… Kinikilig kay aldren. Abah! Di na mapag hiwalay ang dalawa, kulang nalang isama ni Jannah si aldren sa kubeta. Asusus! Nagiging nega na naman ang beauty ko.

“sharie yung..”

RIINNGGGGG… oh my geh! Once again.. save by the bell. Nagtatakbo agad ako palabas ng cafeteria. Iniwan ko na si Jannah at ang nagsisigaw na si Renzo zulueta.

Takte! Kinabahan ako dun ah. Kasi naman this past few days napapansin ko na natutuwa na ako sa mga kawalang hiyaan ng kutong lupa. At di ko gusto yun ok!. Nasasanay na ako sa presence niya at pati narin sa paghawak niya sa baywang ko, which is si makahiya lang dapat ang humahawak nito at saka….. wait.. what did I just say? Pano nasama si makahiya sa usapan? Gosh! Erase2x.. ayaw ko nang maalala ang mga moment ko sa damo kasi nag-iiba na naman ang mga ini isip ko. Ang lakas maka bad vibes nag damong yun!

Dediritso na sana ako sa locker room para kunin ang book ko sa English ng mapansin kong may naka sunod sakin. Di ko na kailangan lumingon dahil sa bagal ng tunog ng bawat hakbang niya, alam ko na kung sino yun. At dahil sa iniiwasan kong mapadikit sa kanya  na kaming dalawa lang dahil sa baka di ko mapigilan ang bibig ko at makagat ko siya..hehe joke lang. ah basta yun an yun! Nilampasan ko na lang ang locker room at patakbong tinungo ang room namin.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Where stories live. Discover now