Chapter Sixty One- Sharie

356 17 0
                                    


Ilang araw na rin ang nakalipas nung huli ko siyang Makita. After kasi nung incident sa university ay hindi na siya bumalik pa dito sa company. Hindi rin ako ginugulo ni sir Charles. Galit na galit nga pala si Renzo nung nalaman niya ang ginawa si Drake sakin. He is very furious at pinuntahan pa talaga ako sa condo. Nag imbestiga rin siya about kay Justin Saavedra pero yun pa rin ang mga impormasyong nakuha niya.





Trisha on the other hand wanted to meet him pero hindi pumayag si Renzo kaya minsan nandito silang mag-asawa to have an appointment with Justin pero hindi sila pinapansin. Nalaman rin naming na Mr. Miguel Salazar is the only brother of miss Rebecca Saavedra. They are half siblings' kaya magkaiba ng apelido. Pero hanggang duon lang ang alam namin at hanggang ngayon ay hindi parin namin alam kung paanong napabalitang patay na ang nag-iisang anak ni Miguel Salazar at kung paano napunta sa pangangalaga ni miss Rebecca ang pasaway na pamangkin.




" DID I TELL YOU TO DO THAT HUH? DID I?" nagkatinginan kami ni Jannah sa malakas na sigaw na nanggaling sa office ng CEO. Kinabahan ako bigla dahil boses ni makahiya ang naririnig ko. Nandito siya! At kahit hindi ko man aminin masaya akong nandito siya.





" WHAT? DAMN IT! YOU'RE ALL STUPID USELESS CREATURE! YOU'RE FIRED!"




Seconds pass ay tumatakbong umiiyak si mam Santos galing sa office. Agad siyang dinaluhan ni mam Maricar at pinaupo.





" what happen?"




" sabi niya. . kunin ko yung file ng accounting projects so I handled him the document. .. nagkamali lang ako ng bigay instead of the blue folder ay yung green envelope ang nabigay ko. Huhuhu... dahil sa taranta ko. Hindi ko naman alam na. . . sisigaw agad siya. Am I being fired mam Maricar?" humihikbing paliwag ni mam Santos. Umiling namn ng ilang ulit si mam Maricar.




" don't worry! He has no right at all. Kakausapin ko lang si miss Rebecca. Go with you work. Ako ng bahala!"




Napabuntong hininga ako. Ano na naman kayang problema niya? Nagkunwari akong may ipapa zerox kaya lumabas ako ng office. Buti nalang at pinatawag si Jannah kaya nakalusot ako sa kanya. When I'm about to take a look at CEO's office ay nakita ko si Sir Charles sa labas at ngumingising mag-isa. Bipolar talaga ang isang to. Minsan masungit pero madalas parang adik.




" hey miss Flores, you're here! Kanina ka pa niya hinihintay." He whispered right through my eras kaya itutulak ko sana siya nang walang pasabing hinatak niya ako at pinapasok sa office ni makahiya, I mean ni sir Justin.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Where stories live. Discover now