Chapter Fifty-One - Sharie

431 20 0
                                    


Naririnig ko na ang mahinang paghinga niya sa may balikat ko. Tulog na tulog na siya samantalang ako ang dami pang pumapasok sa utak ko. Ewan ko ba sa damong 'to. Ginawa ko na lahat ng pwede kong gawin para saktan siya.

Hinawakan ko ang kamay niyang may sugat. Napanguso ako. Bakit ba ang tanga-tanga niya sa maraming bagay? Ano sa tingin niya bibigay ulit ako dahil dumanak na naman ang dugo niya? tsk!


Of course, I'm being trying hard here. Kaya lang hindi ko lang talaga nalalabanan yung sarili kong bumigay sa bawat halik at hawak niya. Gaya kanina, hindi ko matiis marinig lahat ng paliwanag niya kasi ako yung nasasaktan para sa kanya. Ako yung mas nahihirapan kapag umiiyak siya. Kaya ito yakap-yakap na naman niya ako dahil ako ang nag kusa. Nyeta! Pag siya ang kasama ko sobrang naglalandi ang mga hormones ko. I know he's not that so special to me anymore pero hindi ko lang talaga alam bakit nagkaka ganito ako pagdating sa kanya. Renzo is sweet, much sweeter. Pero never kaming humantong sa ganito. Argh! Nakaka inis na talaga!



Now, I'm permitting him to sleep next to me just because I think I owe him one. Para mag sorry sa mga naging sugat niya ngayong araw. Yun lang! bukas maghahanda na talaga ako para labanan ulit kung ano na namang kabalastugan ang gagawin ng damo sakin. But right now, iisipin ko na lang munang okay ang lahat kahit sa loob-loob ko umaasa ako na sana bukas wala na ako dito, na wala na siya sa tabi ko.


*******

Nagising ako sa mabangong amoy ng tocino. Hmmm.. na miss ko yun ah. Bumangon ako and I was surprise na wala na siya sa tabi ko. Eehhh... pakialam ko ba? Chee!

Pagdating ko sa kusina naging iba yung amoy, parang sunog? Kumaripas ako ng takbo only to found myself coughing with black smoke at amoy na amoy ang nasusunog na ulam.


"shit! A...aww.." nataranta ako ng Makita ko si Drake na pilit kinukuha ang kawaling pinaglutuan.


"damn! Hooh... shu..shu.." nalaglag ang hawak niya. Dali-dali akong lumapit at tinulak siya dahil wala siyang pot holder sa kamay. Aish! He is really incapable of doing anything!


"ano bang ginagawa mo ha?" singhal ko sa kanya. Nagbalot ako ng basahan at nilagay ang kawali sa sink. Hmp. Sunog na sunog ang ulam.


" nasan ba sila yaya? Balak mo bang sunugin ang bahay ha?"


"she's at the market. Kaya ko. . "


"kaya? Tingnan mo nga oh, makakain ba yan? Hay naku! Wag na kasing mag pa empress hindi naman kaya."


"baka kasi nagugutom ka na." nakayuko siya sa harap ko.


"kaya kong kumain kahit ano at kung hindi mo kayang magluto sana maghintay ka. Tingnan mo nga napaso ka na, may sugat ka pa nga oh. Ba't ba ang tanga-tanga mo ha?"


"sorry." Nasabi nalang niya saka siya umupo. Nabigla rin ako sa sinabi ko pero kasi nakaka inis na. Ang dami niyang gustong patunayan eh diba nga wala siyang kwenta.


"naman oh! Ano bang dapat kong gawin sayo?" tahimik lang siyang naka upo na kinakalikot ang kamay na may bandage. Medyo madumi din yung mukha niya at sabog ang buhok. Shems! Magkaka high blood ata ako pag nakasama ko ang damong to sa isang bahay.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Where stories live. Discover now