Chapter Three - Sharie

863 36 0
                                    



Uwian na pero pina una ko na lang si Jannah dahil may kakausapin pa ako. Guest who? Well, ang nag-iisang damo sa buhay ko. Sinadya ko talagang bagalan yung pagliligpit ko. Kasi naman itong si tukmol parang di man lang gumagalaw. Ah! Alam ko na! Pinakahuli nga pala siya kung lumabas, alam nyo na mahiyain daw siya at dahil sa beauty with brains ako, lumabas  na lang ako ng room.



Wala pang 5 minutes.....


"Hallooowwww...!"  ala Chichay pa ang ginawa ko.  Nanlaki naman ang mata niya. Lumingon-lingon pa siya  if ever may tao sa paligid. Asusus! Baka siguro pag chismisan na si silent boy may kausap na. Ang lawak- lawak ng ngiti ko sa kanya pero sa loob-loob ko sinasakal ko na siya.



"Ahmm... kasi.."   fudge! Bakit bigla ata akong kinabahan dito. Siguro kasi kaming dalawa nalang ang nandito at saka di ko talaga gusto makasama ang isang to. Ang cold ng paligid. Takte! Pinagpapawisan pa ako.




"ano kasi...."     bigla siyang tumalikod. Abah! Di pa nga ako tapos magsalita ayun tinalikuran na ako. Ang kapal talaga nito kahit kalian.



"Hoy makahiya!" sigaw ko. Tumigil naman siya pero di man lang lumingon. "Ano...ahm.. Sali tayo sa social dance ah." mabilis kong sabi. Pero muntik na akong mapatalon sa saya nang mabagal siyang lumingon sakin. Automatic naman akong napangiti sa kanya. Nakaharap nga siya pero naka takip naman ang kalahati ng mukha niya. Patakbo akong lumapit sa kanya. Nagkatitigan pa kaming dalawa pero mas nagdiwang ang sahig dahil yumuko agad siya. Naman!  Umakbay ako sa kanya at ginaya ang pagyuko nya.



"Ano bang meron sa sahig? Mas maganda naman ako diyan ah. Hehe!"  bigla siyang lumingon kaya nagkatitigan ulit kaming dalawa. dug.dug..dug.  Naitulak ko tuloy siya. "Opss."   buti nalang nahila ko ulit siya kundi sungalngal siya sa pader.



"Hehe. Sorry.  Ahmm Sali tayo ah."




"NO!" ako  naman ang muntik matumba sa sinabi niya. How dare him say no to me! Eh wala kaming grade kung ganon. Kung siya ok lang pwes that's a big no no to me! Sabi ko na nga ba eh, mas gusto pa ng isang to maging props kaysa sumayaw sa maraming tao. Argh! Kaloka!



Mabagal na naman syang naglakad.



"Drake. I know you don't want this pero kasi importante to eh. Heller! Grades to, hindi lang to basta dance-dance chuchu."  pero ang tukmol tuloy-tuloy lang naglakad. "Hoy! Ganito na lang. After nito di na ulit kita kakausapin. ahmm.. back to normal tayo, walang pansinan ganun. Diba yun naman ang gusto mo?"   napahinto na siya.  Hinanda ko na ang abot langit na killer smile ko, pinaka sweet at pinaka malaking smile ko sa buong buhay ko.

   


Parang slow motion yung paglingon niya.  Nakatakip man ang kalahati ng mukha niya nakita ko pa ring tumaas ang dalawang kilay nya kasabay ng pagtango . Waahh! Tumakbo ako palapit sa kanya. Wide arms wide open pa.



"Thank you!"  pero bag ng damuho ang sumalubong sa pretty fez ko. Ouch! Ang sakit ah! Sisikmuraan ko na talaga siya pero bigla na syang tumakbo. "Aba! Ang walang hiya! Tinakasan pa ako."   maktol ko na lang pero okay lang. Mission accomplish naman. Bwahahah!




Naglalakad na ako sa labas ng school nang mapansin kong nakasunod na siya sa'kin. Yup guys! I'm not assuming pero I know deep of my hypothalamus kung sino yang nakasunod.  Duh! Si Boy-Makahiya lang naman. Why? Well, for almost a year or may I say 1 and a half year since na encounter ko ang damong yan, every day, I mean every morning pag pasok ko and every uwian sa hapon kasabay ko yan. Walking distance lang kasi ang village namin.



Ewan ko sa damong yan, simula nung Makita ko sya until today of course walang piktos na di kami nag sasabay sa pag-uwi. Minsan nga na try kong sumakay ng tricycle at abah! Nagka sabay parin kami. Naglalakad nga lang sya habang si manong driver eh mas mabagal pa sa pagong ang pag-andar. Kaya ang ending sabay parin kami but in a different way.



Pero ganyan naman palagi ang scene, nasa likuran ko lang siya. I think 2-3 meters away pero ni minsan wala kaming conversation. Kahit hi, hello, hey, wazzup bro wala! as in WALA! This past few days lang naman yung mga unexpected moments between us. And I think masusundan pa kasi nga partner kami sa social dance. Duh! Daming pakulo ng school. Imagine almost a month pa lang nagsisimula ang class pero may dance chu-chu na sila. Di pa kasali dyan ang Christmas ball, valentines ball at graduation ball. Gosh! Maha-haggard ang beauty ko nito ah.



Opps.  Nasa bahay na pala ako. Nakita ko pa siyang dumaan sa likod ko. Apat na bahay lang kasi ang layo sa kanila.



"Haalllooowwwww...! I'm home."  trip ko na talagang sumigaw kahit pa alam kong walang tao dito. Alam niyo na, respect those unseen creatures. Ngee! Kumuha ako ng tubig sa fridge ng Makita ko ang sticky note.



"Sha..overtime kami ng dad mo.may food sa oven be safe..love you "



K. That was my mom, workaholic just like my dad. At dahil sa ako ang kaisa-isang tagapagmana, I mean anak, boring ang life ko except kung kinakawawa ako ng mga tipaklong. Which is hindi nila knows coz you know I'm a tough girl with kind heart. Simple yet pretty. Tiningnan ko ang oven, ayos my pizza. Swak na ako dito at uubusin ko to lahat. Dali-dali na akong umakyat saka nagbihis. Balak ko kasing sa sala kumain while watching movies.



6:30 ready na lahat. Cd check, pillows check, popcorn check, ako check na check. Hihiga na sana ako ng may nag bato ng bintana. "Hala!" tiningnan ko ang labas. Tahimik naman. Nakita ko pa nga si manong guard.




POK.  .napatalon ako sa gulat. Nyemas! Sinong pontio pilato ang sisira ng gabi ko? Padabog akong lumabas. Sakto may dumaan. "Huli ka balbon"  kumuha ako ng bato at walang pag-aalinlangan na binato yon.  Sapul sa ulo. Pero nanlaki ang mata ko ng napa upo siya sa semento. But my eyes got bigger ng mapalapit ako.




"Ma....makahiya?"



SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя