Chapter Forty- Three - Drake

401 16 0
                                    



Aaminin ko mahina ako. I was a coward, a jerk. Ni hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko kaya paano ko maipag-tatanggol ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko? Natatakot ako. Natatakot akong mawala siya pero mas natatakot akong Makita siyang nahihirapan dahil sakin.


Pumayag ako sa arrange marriage just because of her. Because of Angella. Okay na sana ang lahat eh, handa na sana akong ipagmayabang sa lahat na akin siya. Pero. . .  dad said to stay away from her or else mawawala lahat ng meron sila. First, I don't get it, but as the things come from what my father's business, it came out that I was destined to marry someone else.


Lumayas ako sa bahay ng sabihin ni dad yun. Gusto kong mag makaawa pero nauunahan ako ng takot. Sinubukan kong puntahan si Angella pero nahihiya ako. Alam kong umiiyak siya at panigurado pag nakita ko siya iiyak lang din ako.


Pero nakita ako ni dad sa may likod- bahay dahil wala naman akong ibang mapuntahan. Ilang beses kong sinubukang tumakas lalo pa't nakikita ko si Angella na pabalik-balik sa labas ng bahay.



Hanggang sa may pinakilala si dad sakin. I admit she is really pretty pero natatakot ako sa kanya. Hindi ko gusto yung tingin niya saka hindi ako sanay na may ibang babaeng lalapit at tatabi sakin. Pero nginingitian ko siya kasi kinukurot niya ako, madalas sinasabunutan niya ang buhok ko. Minsan rin tinatapakan niya ang paa ko. She's totally a witch! Ayuko sa kanya, hindi ko siya gusto at namimiss ko na si Angella.



" mind this son! Pag nahuli kitang nakikipag-usap dun sa babaeng yun, I will make her life a living hell. May mga plano ako sayo at yun ang sundin mo. May mga mata ako sa university at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa kanya pag sinuway mo ang utos ko!"



Pa ulit-ulit ko yung ni re-replay sa utak ko para pag nandyan si Angella ay napipigil ko ang sarili kong lapitan siya. Tiniis kong Makita siyang umiiyak at humihikbi. Tiniis kong kamuhian niya ako araw-araw. Tiniis kong masaktan sa tuwing magkasama sila ni Renzo. Tiniis ko lahat dahil mas hindi ko kayang Makita siyang nagdurusa kasama ng pamilya niya.


Alam kong ilang ulit niya akong gustong lapitan pero mas pinili kong layuan siya. At sa bawat hikbing pinapakawalan niya dahil sakin, nadudurog ang puso ko.


"  heh! You're ready?"     tinapunan ko lang ng tingin si Tiffany saka yumuko ulit. Nandito kami sa hotel at naghahanda para sa engagement party mamaya. Gusto kong tumakas. Gusto kong puntahan si Angella. Hanggang ngayon kasi nakikita ko parin sila Renzo na magkayakap sa harap ko. Ang hirap huminga. Nahihirapan na talaga ako.


Oo, sinubukan ko sa lahat ang sa tingin kong tama. Naki pag close ako kay Tiffany kasi maldita siya pero madalas iyakin siya. Naiinis ako pag umiiyak siya kaya kahit papano pag sinasabunutan niya ako napapatawa ko siya. Kahit si Trisha, I limit my communication with her dahil yun ang gusto nila. Sumali nga rin pala ako sa dance troupe dahil nagwawala si Tif pag di ako sumasayaw sa tuwing gusto niyang mag clubbing at sumayaw sa dance floor.


" Drake, you okay?"   Tiffany hold my face at sapilitan akong pinaharap sa kanya. Pinikit ko nalang ang mata ko para di ko siya Makita.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Where stories live. Discover now