Chapter One - Sharie

1.8K 54 3
                                    


"Hi miss bampirang naglalaway, may biktima  ka na? Hahaha?"  napahinto ako sa paglalakad. Sinamaan ko pa ng tingin ang mga mukhang tipaklong. Akala mo kung sinong magaganda! Sungal-ngalin ko yang mga retokadang nguso nyo sa pader eh!


Heller! 1 week na po ang nakalipas simula nung huling dive ko sa semento perohanggang ngayon hot topic at aba trending parin. Duh! Kaya di umaasenso ang Pilipinas eh. Ang tagal maka get over ng mga tao! Isang malaking CHEE!



"Oh what are you looking at?" sigaw pa ng isang tarsier. Lumapit pa talaga sakin. Naku! Ito talagang si Trisha oh, super insecure sa vampire looks ko. Nagdala pa talaga ng mga alipores  nya. Taas noo naman daw akong nakatingin sa kanila. Kunwari I'm not scared at all. Kunwari lang ah kasi naman ang sakit kayang manampal ng tipaklong na yan. Hobby na atang gawing slapping bag ang mukha ko.



"You staring us?" Naka pamaywang pa siya. Ako? Lunok laway, chin up, stomach in, breast out....



PAK!



Natulala ako. Ang sakit promise! I swear gusto kong gumanti pero sabi ni mama I'm a good girl. Tsk! Ubos na naman ice cubes ni miss nurse for sure.


"Ops! Sorry my bad. May sasabihin ka?"  maarting English nya pa na sinipat-sipat ang namulang kamay dahil sa pagsampal niya sakin. Sabay pa silang tumawa at....nabaliw (da end).



Tumalikod na lang ako. Pero dahil sa mahaba ang buhok ko ay natamaan silang tatlo sa bilis ng sway ko.



"You b*tch!" sabay hatak ni Trisha sa buhok ko. Napa upo ako sa gulat. Pero tumayo naman ako agad.



"How dare you!" sigaw niya. Oh my gulay! Trending na naman ang beauty ko dahil sa dami ng audience sa live show ko. Sisikat na naman ako nito.



"S-so..sorry.." I swear wala sa plano ko ang mautal pero my mouth has it's own way para mag mukha akong loser!




"Ano? Iiyak kana? Kakagatin mo na kami?"  Naku! Sharie mag hunos-dili ka. Kung pwede lang talaga for sure nagkakape na ako ngayon sa lamay nila.



"Want to bite us loser? "  nabaling ang atensyon ko sa isang alipores ni Trisha na mukhang kabayo sa haba ng mukha. Abah! How dare you called me loser? Ako lang dapat tumawag ng ganyan sa sarili ko noh! Kapal!




"Kung mangangagat lang din ako mamimili na lang ako ng iba dyan."  akmang susugurin nya ako pero I raise my hand, sign na manahimik sya. At aba uto-uto tumigil ang bruha. "Alam mo kung bakit? Kasi baka masuka lng ako sa tapang ng chemical na enenject nyo dyan sa balat nyo. Kala nyo ba kinaganda nyo yang kulay nyo! Yuck! Nagmukha lang naman kayong bulok na puto sa sobrang puti! Chee!" I sway my hair again. Di na nila ako nahatak dahil ang bilis ng takbo ko.

SI BOY- MAKAHIYA (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon