Kabanata 30

1K 64 12
                                    

Kabanata 30

After One Year...

NAPANGITI si Kitkat habang nakatingin kay Ares. Pagkatapos ng iba't ibang tests and laboratories, masisimulan na rin ang heart transplant niya. Kinakabahan siya sa totoo lamang dahil alam niyang fifty-fifty ang transplant. She might not even make it in the end.

Pero nagpapakatatag siya. Dahil alam niyang may mga naghihintay sa kanya. Alam niyang may mga malulungkot kapag nawala siya. Iyon ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para lumaban sa loob ng isang taon, 'yong mga taong nagmamahal sa kanya.

Kasama na doon 'yong lalaking nasa Pilipinas. Si Milo. Alam niyang malulungkot ito kapag nawala siya kaya gagawin niya ang lahat para gumaling, para mabalikan ito.

"You can do this, Kitkat. Nandito lang ako, kami, para sa 'yo," ani Ares at pinisil ang kanyang kamay.

Ngumiti siya bagaman hirap na rin siyang gawin iyon. Ginugupo na siya ng sakit niya. Ang dating kulay niya ay nawala. Tila naging kulay papel na siya. Humpak na rin ang kanyang pisngi at nangangalumata na. Dahil ito sa sakit niya. Tila nga ba naging buto't balat na rin siya ngayon.

"I know," halos pabulong na aniya sa kaibigan. Ares has been there for her since day one. Ito ang itinalaga ni Milo na magbantay sa kanya since ayaw niyang bantayan siya ni Milo. Pero may pakiramdam siyang nandiyan lamang ang lalaki sa tabi-tabi since day one.

"Fight, okay? Don't give up."

Lumalabo na ang paningin niya dahil sa luha. Idagdag pa ang anesthesia at sedative na itinurok sa kanya ng doktor.

"If I d-don't make it, tell Milo that I love him, okay? That I tried everything to be with him again. T-tell him how much I love him. I l-love him so m-much."

"Damn it, malalagpasan mo 'to, Kitkat! You have to tell that to me after this operation, okay? Got that?! I fucking love you, goddammit!"

Siguro ay tinablan na siya ng anesthesia dahil nagha-hallucinate na siya. Para kasing naririnig niya ang tinig ni Milo sa tabi niya. Pero imposible iyon dahil nasa Pilipinas ang lalaki.

May naramdaman siyang humalik sa noo niya. "Fight for me, Miss. You can do this. I'll be waiting for you. I love you so much."

"I l-love you, too," walang lakas at wala sa huwisyong aniya.

"The operation will start in a minute or two."

Then everything became black from that point.

His Beautiful Distraction (Beautiful Trilogy #1) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon