Kabanata 22

913 71 30
                                    

Kabanata 22

BUMALOT ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila Kitkat at Milo pagkatapos niyang ibahagi sa huli ang tungkol sa sakit niya. Hindi kumibo si Milo. Tiningnan niya ang lalaki. His face was void of any emotions.

"You're going to take the operation, right?" basag ni Milo sa katahimikan.

"Yes."

Napahinga ito nang maluwang. "That's good to hear. So good."

Namuo ang luha sa kanyang mga mata nang makita ang relief sa mukha ni Milo. Sa loob ng ilang taong paggala-gala niya sa mundo, pakiramdam niya sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagawa siyang magandang desisyon.

Noong pumasok si Milo sa silid niya kanina, ang mabigat niyang pakiramdam ay gumaan bigla. Tila ba nanumbalik ang lakas niya na hinihigop ng kanyang sakit. He became her strength without him knowing. Wala itong kamalay-malay na ito ang nagsisilbing buhay niya ngayon.

Ang maramdamang pinapahalagahan siya nito ay sapat na para gumaan ang pakiramdam niya. Subalit hindi niya mapigilang maghangad nang mas malalim pa. Hindi ba puwedeng mahalin din siya nito kagaya ng pagmamahal niya dito? Pero alam niyang sobra-sobra na iyon. Imposible sigurong mahalin siya nito. Sino ba siya? Si Kitkat lamang siya. Maraming mas magagandang babae ang nagkakagusto dito, iyong mga babaeng walang excess baggage sa dibdib.

Ramdam niya ang pamumuo ng luha sa mata.

Napahinga siya nang malalim upang pigilan ang pagpatakan ng luha sa magkabila niyang pisngi. Kung iiyak man siya, hindi sa harapan ni Milo. "May pasok ka pa, 'di ba? You can now go."

"Ah, may sasabihin pa ako, Kitkat."

"Okay."

Huminga ito nang malalim. Ramdam niya ang paghaplos nito sa kamay niyang hawak-hawak nito. Nanayo ang balahibo niya sa batok dahil sa simpleng aksyong iyon.

"I love you."

Hati ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon nang marinig ang winika nito. God, she wanted to believe what he had said—that he loved her, too. But the doubts inside her heart were killing her. Hindi niya maiwasang isipin na baka naaawa lamang ito sa kanya. Maybe, he also read the last wish that she had written on her notepad. No, hindi siya nito mahal. He just wanted to fulfill all the wishes she wrote on her notepad.

Akmang uupo siya subalit hindi siya hinayaan ni Milo. Nanatili siyang nakahiga. Iniangat niya ang libreng kamay at ibinaling ang mukha ni Milo sa kanya. Ngumiti siya subalit alam niyang may halong kapaitan ang ngiti niya.

"It wasn't love, Milo. It's pity. Superhero complex lang 'yan na akala mo love na. Don't pity me just because I'm alone and I'm weak. I don't need it. You love Gail."

May dumaan na galit at hindi pagkapaniwala sa mata nito. "Listen here, Kitkat de Leon. Mukhang hindi mo ako naiintindihan. I know what I'm feeling and it's far from pity damn it! Superhero complex? I don't want to be a fucking superhero, thank you very much."

"Imposible! Nilapitan mo lang naman ako dahil sa listahan ko sa notepad, right? Nakipaglapit ka lang sa akin para makalimutan si Gail! At siguro kaya mo lang sinasabi na mahal ako ay dahil nakalagay 'yon sa notepad ko, na naghahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin!"

"No, no, yes, and no! Posibleng mahalin kita. Nilapitan kita dahil may kung anong humahatak sa akin na lapitan ka. At oo, nakipaglapit ako sa 'yo para kalimutan si Gail. At nagawa ko 'yon dahil din sa 'yo. Noong minahal ko si Gail, akala ko hindi na darating ang araw na mabubura ang pagmamahal na 'yon sa puso ko."

Parang gusto na niyang sumigaw ng "time-out" dahil sa huling winika ni Milo. Pero masokista siya, eh. Pinakinggan niya ang susunod nitong sasabihin kahit na ba maghahatid lamang iyon ng karagdagang sakit sa puso niya.

His Beautiful Distraction (Beautiful Trilogy #1) (Published under PHR)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant