Kabanata 29

931 66 6
                                    

Kabanata 29

NAMUO ang luha sa mga mata ni Kitkat habang nakatingin kay Milo. Kasalukuyan silang nasa airport. Ngayon ang araw nang pagpunta niya sa states upang magpagamot. Hanggang ngayon ay tutol si Milo sa hindi niya pagpayag na sumama ito subalit matigas ang loob niya. Hindi niya gustong makulong ito sa tabi niya sa loob ng dalawang taon.

Naalala niya ang naging pag-uusap nila noon ni Milo, noong araw na nagkaayos sila at luminaw ang lahat sa pagitan nila...

"I'M SO sorry—"

Ipinatong niya ang kamay na walang dextrose sa labi nito. "Wala kang dapat ihingi ng tawad, Milo. Ako ang may kasalanan sa pag-a-assume ng iba."

Napabuga ito ng hangin. "Kahit na. Pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat. If only..."

"If only what? Wala. Kasalanan ko kung bakit ako nandito. Wala kang kasalanan, okay? So stop feeling so guilty. Ako ang dapat humingi ng tawad. Sorry for assuming the worst of you. Nadala lang ako ng takot ko. Sorry."

Ito naman ang nagpatong ng daliri nito sa labi niya kung kaya't napahinto siya sa pagsasalita. "Wala ka rin dapat ihingi ng tawad. Nasaktan ka kasi kaya mo naisip 'yon."

Namuo ang luha sa mata niya. "I don't hate you, Milo. Not then, not now."

"Thank God! I thought you hated me for real then."

"Hinding-hindi kita kamumuhian, Milo. Mahal na mahal kita, eh."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Mahal din kita. Kahit kailan, huwag mong iisipin na lokohan ang nararamdaman ko para sa 'yo. Mahal kita, walang biro, walang halong panloloko."

"I know that now."

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nanatili silang nakatitig sa isa't isa. Tila ba pinagsasawa nila ang mata sa pagmememorya ng mukha ng bawat isa.

"Can you tell me what will happen now?"

Ipinaliwanag niya dito ang napag-usapan nila ni Doc Aro. Nakita niya ang pagdaan ng takot sa mata nito.

"Nothing bad will happen to me, promise."

"I'll go with you."

Ngumiti siya. "Nope. You're staying here."

Napatayo ito sa gulat. Napapitlag pa nga siya dahil sa pagtumba ng silyang kinauupuan nito. "What the hell?!"

Napabuga siya ng hangin. "I'm going there alone and you're going to stay here with my dad."

"No way in hell!"

"Milo..."

"No, Kitkat! Hindi ako papayag na habang lumalaban ka para sa buhay mo ay nandito ako at hindi ka kasama. Hindi ko makakaya 'yon!"

Ginagap niya ang kamay nito at pinisil iyon. "I want to do this on my own, Milo. Kung paiiralin ko ang selfish side ko, gugustuhin kong mag-stay ka sa tabi ko sa states hanggang sa gumaling ako. Pero ayokong maging selfish. Isa pa, ayokong putulin ang buhay mo dito sa Pilipinas."

"Be selfish then!"

"Please, Milo. Do this for me. I need to do this."

"Why?" puno ng hinanakit na anito sa kanya.

"For my own sake. Nakatatak sa isip ko noon na lalaban ako para sa ibang tao. Ngayon, gusto kong lumaban para sa sarili ko. Magagawa ko 'yon kung mag-isa ako."

Hindi kumibo si Milo at nanatiling nakatingin sa kanya. Then, "Is that what you need to do?"

Ngumiti siya. "Yes."

"I still don't like it but, fine! Bibisitahin na lang kita."

"No! Bawal 'yan. Chatting and calling lang ang puwede."

"What? Chatting? What the fuck, Kitkat?!"

Napabungisngis siya. His reaction was so damn funny.

"I STILL don't like this. This is bullshit! Why don't you let me go with you, Kitkat? It's fucking crazy! You're fighting for your life and where will I be? Here in the fucking Philippines tanning my gorgeous body? Hell, no!"

Napabungisngis siya nang magbalik sa kasalukuyan ang pansin niya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ni Milo at magaan itong hinalikan sa labi. "Ilang beses na ba natin 'tong napag-usapan? It's not that I don't want you there. Ayoko lang putulin 'yong buhay mo dito, Milo. It's not that we're not seeing each other anymore. Puwede tayong mag-chat. Nandiyan ang Skype."

It was not that she didn't want him on her side when she was fighting for her life. It was just that she realized that she needed to grow a backbone. Hindi na maaari 'yong palagian na lamang siyang aasa sa iba. Eventhough he might not be there for her on her operation, she knew he would be praying for her safety here in the Philippines.

Hindi naman sa distansya o sa presensya iyan, hindi ba? Kundi sa pananalig at pagmamahalan ninyo. Kaya makakaya niya ito kahit nandito si Milo sa Pilipinas. Dahil alam niyang may babalikan siya.

"Tapos ano? Yayakapin ko 'yong monitor?" Ngumiwi ito.

Napatawa siya. Tila ba ang lakas-lakas niya pero sa totoo lamang ay hinang-hina na siya. "It's okay. Two years lang 'to."

Napabuga ito ng hangin at masuyo siyang tiningnan. Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. Idinampi nito ang noo nito sa noo niya at marahang hinalikan ang ituktok ng kanyang ilong. "You'll be back, right?"

"Right."

"I still don't like this but fine. I'll be waiting here on this spot two years from now. You better be fucking here or else..."

"I promise I'll be here."

Tiningnan siya ni Milo na tila ba ito na ang huling pagkakataon na magkikita sila. Tila ba minememorya nito ang kanyang mukha. Ganoon din ang ginawa niya sa lalaki. Kabisado na niya ang bawat anggulo, bawat nunal at bawat linya sa mukha nito subalit hindi siya magsasawang pagmasdan ito.

Dahan-dahan nitong hinaplos ang ibaba niyang labi. Inipit nito sa likod ng kanyang tainga ang buhok na tumatabing sa kanyang mukha at magaang hinaplos ang kanyang pisngi.

Unti-unting bumaba ang mukha nito at sinakop ang kanyang labi. It wasn't the kiss he used to give her. This was a kiss full of need and promise. Ginantihan niya ang halik nito na may kaparehong intensidad at pagmamahal.

"I'll be waiting here."

"And I'll be seeing you here."

His Beautiful Distraction (Beautiful Trilogy #1) (Published under PHR)Where stories live. Discover now