Kabanata 26

905 61 7
                                    

Kabanata 26

"PLEASE tell me where is she, Ares. Please."

Nakita ni Milo ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Ares. Ngayon tumibay ang hinala niyang alam nito kung nasaan si Kitkat. Dalawang araw na rin ang lumipas simula noong nakita siya ni Kitkat na kausap ang tatay nito. Pabalik-balik siya sa shop at bahay ni Kitkat sa loob ng dalawang araw na nagdaan, sa pagbabaka-sakaling makausap ito, subalit ni anino nito ay hindi niya makita. Tila bulang naglaho ang babae.

Natakot siya. Natakot siya na baka hindi na niya ito makita pa. Natakot siya na baka dahil sa labis nitong galit sa kanya ay hindi na ito magpakita pa sa kanya.

Paulit-ulit sa isipan niya ang puno ng hinanakit na mukha ni Kitkat habang binibigkas nito ang katagang, "I hate you." Labis siyang nasasaktan subalit gagawin niya ang lahat upang magkaayos sila. Gagawin niya ang lahat upang mapabatid sa babae na totoo ang pag-ibig na inukol niya dito. Kahit kailan ay hindi niya ito niloko.

"Wala talaga akong alam na si Tito Luis pala ang tatay niya, Ares. Damn it! Kung alam ko, eh, di sinabi ko na sa kanya. I would never ever hurt Kitkat because I love her, damn!"

Napabuga ng hangin si Ares at napahawak sa batok. "I know, okay? Kaya nga hindi kita pinipigilan sa paglapit-lapit mo n'on kay Kitkat dahil alam kong mahal mo na siya, dahil nakita ko ang sincerity mo. Pero kagustuhan niya na hindi ka muna makita, Milo."

"Is she okay then?" Nang hindi ito kumibo ay grabeng kaba ang naramdaman niya. "What happened to her?"

"Inatake siya ng sakit niya noong araw na nakita niya kayong magkausap ng tatay niya."

Tila may kamay na bakal ang humawak sa puso niya at nahirapan siyang huminga. Ang maisip na may mangyayaring masama kay Kitkat ay naghahatid ng sakit sa kanyang puso.

"Is she okay now?"

"Tatapatin kita, hindi maganda ang lagay niya. Kabi-kabila ang examinations na ginagawa sa kanya ngayon."

Napasandal siya sa dingding at padausdos na napaupo sa sahig. "I want to see her, Ares."

"Makikita mo rin siya in time, Milo."

"Fuck time."

Tumunog ang ringing alert tone ng cell phone ni Ares. Hindi niya pinansin ang pakikipag-usap nito sa cell phone nito. Ang atensyon niya ay na kay Kitkat. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makita lalo pa ngayon na may pinagdadaanan ito. Gusto niyang hawakan ang mga kamay nito at ipabatid sa babae na hindi na ito nag-iisa. Subalit nasaan ito?

"Let's go, Milo. Sasamahan kita kay Kitkat."

Gulat na napatingin siya kay Ares. Kanina ay ayaw nitong sabihin kung nasaan si Kitkat pero ngayon ay sasamahan na siya nito?

"Lumalala ang sakit niya."

Mabilis na tumayo siya at sumunod sa lalaki. Sa St. Luke's siya nito dinala. Sa ICU naka-confine si Kitkat. Mino-monitor raw kasi ang kalagayan nito dahil baka atakihin ito sa puso.

"Anong nangyari?"

"Heart failure. The last attack was the last straw. Hindi kinaya ng puso ni Kitkat ang labis na stress. Hindi na rin kinaya at hindi na sapat ang mga treatment sa sakit niya. Hindi na kakayanin ng pacemaker lamang ang sakit niya."

"What will happened then?" Hindi ito kumibo. Napasuntok siya sa pader. Balewala ang sakit na natamo ng kamao niya sa sakit na nasa puso niya. "There's no way in hell that I'll let her die, Ares! There's no fucking way that I'll let her go just that like that!"

Naramdaman niya ang paghawak nito sa balikat niya. "I know."

"What will I do then?" Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng pagkaligaw, ngayon lamang. Pumikit siya upang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha subalit may kumawala pa rin sa gilid ng mata niya.

"There's still an option. A heart transplant."

"Papaano ako makakahanap ng puso na magma-match sa kanya?"

"Nakahanap na si Dad weeks ago, noong nalaman niya ang extent ng sakit ni Kitkat. He's just waiting for Kitkat's confirmation to do the heart transplant."

"Where?"

"Abroad."

Tumikhim siya. "What's the probability..."

"I don't know."

Pumikit siya. The thought of losing her was so unbearable. Hindi niya makakayang mawala sa buhay niya si Kitkat. Pero may choice pa ba siya? Sila?

"Can I go inside?"

"I'll ask the doctor."

Lumipas ang ilang minuto at nagbalik si Milo na may dalang robe. "Suotin mo. May limang minuto ka para makasama si Kitkat."

Ngumiti siya subalit alam niyang walang buhay ang ngiti niya. "Thanks, man. I owe you one."

Pumasok na siya sa loob ng ICU. Tila nawalan ng lakas ang tuhod niya habang nakatingin sa natutulog na pigura ni Kitkat. Ang putla-putla na nito. Dalawang araw lamang silang hindi nagkita subalit tila ang laki ng ibinagsak ng katawan nito.

Was he the reason for this? Was he killing her?

Umupo siya sa silyang nasa tabi ng kama nito at maingat na hinawakan ang kamay nito. Hindi na niya napigilan ang pagpatakan ng luha sa kanyang mata.

Noon, para sa kanya ay isang kahinaan ang pag-iyak. Ngayon, wala na siyang pakialam kahit siya pa ang maging pinakamahinang lalaki sa mundo.

"I'm sorry, Kitkat. Patawarin mo ako kung wala akong magawa para sa 'yo ngayon. Pero maniwala ka na hindi kita niloko. Hindi ko alam na si Tito Luis pala ang tatay mo. Pangako, hindi ko talaga alam. Maniwala ka sana, Kitkat. At maniwala ka sana na mahal kita. Hindi kasinungalingan ang pagmamahal ko sa 'yo." Yumuko siya at magaan na hinalikan ang likod ng palad nito. "I'm sorry for causing you pain. Sana ay mapatawad mo pa ako. At sana ay paniwalaan mo na mahal kita higit pa sa kung ano sa mundo."

Naramdaman niya ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak ni Kitkat sa kamay niya. Nang mapatingin siya sa mukha nito ay nakapikit ito subalit may luha sa gilid ng mata nito.

"I love you, Kitkat. Don't give up, okay? You promised me that there will be no more giving up. Fight, Miss. Fight. Kung hindi man para sa akin, kundi para sa sarili mo. I love you so much."

Nang matapos ang five minutes na binigay sa kanya ay lumabas na siya ng ICU. Isang tao na lamang ang kailangan niyang kausapin. Si Tito Luis.

His Beautiful Distraction (Beautiful Trilogy #1) (Published under PHR)Where stories live. Discover now