Kabanata 23

853 67 19
                                    

Kabanata 23

"KAILAN ka ooperahan?"

Napatingin si Kitkat kay Milo. Nakatambay sila ngayon sa rooftop ng condo unit nito. Ngayon niya lamang nalaman na may condo unit na pala ito. Mas gusto lamang pala nito na tumuloy sa bahay ng mga Castillo kaysa dito.

Nakasampay ang braso ng lalaki sa balikat niya habang nakahilig siya sa dibdib nito. Madilim na noong mga oras na iyon. Malamig ang simoy ng hangin subalit wala siyang ginaw na nararamdaman dahil sa braso nitong nakapalibot sa kanya.

"May mga tests pang gagawin bago ako lagyan ng pacemaker. Sabi ni Doc Aro, hindi raw literal na mapapagaling ng pacemaker 'yong sakit ko. Usually, tumatagal daw 'yong pacemaker ng anim na taon or sampu. Then after that, papalitan ulit ng bago."

Huminga nang malalim si Milo at naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. "As long as hindi na lalala ang sakit mo, kahit anong operasyon pa 'yan. I just want you healthy beside me, Miss."

"Nakanang! Daming alam!"

"Ewan. Nakita nang nag-e-emote, biglang babanat ng kalokohan."

Napatawa siya. Simula noong naging magkasintahan sila ni Milo noong isang araw, tila nagkaroon ng kakaibang sigla at saya ang buhay niya. Kahit parang ang bigat-bigat ng katawan niya, isang ngiti lamang galing kay Milo ay nagiging okay siya.

"Ang daming stars," aniya habang nakatingala sa kalangitan.

"Yeah."

"Kung magkakaroon ng shooting star, anong hihilingin mo, Milo?"

"Hmm. To be the father of those cute angels who will call you mommy."

May mainit na kamay ang humaplos sa puso niya. He was talking of their future already. Kung magsalita si Milo, tila siguradong-sigurado ito na sila pa rin hanggang sa huli.

Gusto ko rin 'yon.

"Ikaw, anong hihilingin mo bukod sa maging tatay ako ng mga guwapong-guwapong mga anak mo?"

Mahinang hinampas niya ito sa tiyan. "Sira. Pero kung hihiling man ako, hihilingin kong makita ko ulit ang tatay ko. Gusto ko kasing itanong sa kanya kung bakit niya ako iniwan."

"Iniwan? I thought he's dead?"

Napahinga siya nang malalim. Kahit si Ares ay hindi alam ang kuwentong ito ng buhay niya. Siguro'y panahon na para ilabas niya ang kinikimkim niyang sama ng loob para sa tatay niya.

"Hindi siya talaga patay. Iniwan niya ako noong nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo. I was nineteen years old that time. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Isang sulat lang ang binigay niya sa akin noong umalis siya. Simpleng 'Goodbye' lamang 'yong sinabi niya sa sulat n'on. Gusto ko siyang makita para itanong kung bakit niya nagawa 'yon. Gusto kong itanong kung naging masama ba akong anak kaya niya ako iniwan. Magbabago naman ako kung gan'on, eh."

Iniharap siya ni Milo at niyakap nang buong higpit. Niyakap niya nang mahigpit ang lalaki at umiyak sa bisig nito. Ang daming tanong sa isip niya tungkol sa tatay niya, mga tanong na hindi masasagot hangga't hindi niya ito nakikita.

"Sshh. Siguro ay may mabigat na dahilan kaya niya 'yon nagawa. At darating din siguro ang araw na magkikita kayong muli."

"Masyado bang mabigat 'yon para basta-basta niya akong iwan?"

"Siguro para sa kanya, oo. May kanya-kanya tayong problemang kinakaharap. Nasa sa atin kung papaano natin iyon lalabanan. Sa kaso ng tatay mo, naisip niyang umalis. Siguro noong panahong iyon, iyon ang naisip niyang tama."

"Tama? Tama bang iwan niya akong mag-isa?"

"Hindi ko sinasabing tama ang ginawa niya. Siguro masyado lang siyang naging mahina. Pero dahil naman d'on, naging malakas ka, hindi ba?"

Umiling siya habang patuloy sa pag-iyak. "Hindi rin. Mahina ako. Alam mo bang susuko na dapat ako sa sakit ko. Kasi pakiramdam ko wala akong kuwenta. My own dad left me so I thought, what's the use of living anyway? Pero nakilala kita—"

"Sa tingin ko hindi 'yan totoo. Alam mo Kitkat, kung ayaw mo talagang magpagamot from the start, kahit nakilala mo ako, ayaw mo talaga. Siguro sa sulok ng puso mo, gusto mo rin magpagamot. Pero pilit mo 'yong kinikimkim dahil sa insecurities mo."

Hindi siya nakakibo dahil alam niyang tama ito. Hindi ba't noon pa man ay may mahinang tinig na sa sulok ng puso niya ang nagpupumilit sa kanya na lumaban siya?

"Every person deserves to live, Kitkat. Binigyan ka Niya ng pagkakataon para mabuhay, 'wag mong sayangin 'to."

Tumango siya at mahigpit na kumapit sa lalaki. Lahat ng binitawan nitong salita ay tumagos sa puso niya. Nadagdagan ang pagmamahal niya sa lalaki dahil sa ugali nitong iyon. Understanding. Naisip niyang may mas deserving pang ibang babae kay Milo bukod sa kanya. Pero alam niyang siya lamang ang makapagpapasaya dito.

"I love you," mahinang aniya sa lalaki habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito na ala Superman sa lapad.

Iniangat nito ang kanyang mukha at nginitian siya nang malapad. "Mahal din kita."

Pumikit siya ng sinakop ng labi nito ang labi niya. He nipped her bottom lip before he claimed her lips in a full kiss. Parang alak ang halik ni Milo, nakakalasing at nakakaadik.

This is life.

His Beautiful Distraction (Beautiful Trilogy #1) (Published under PHR)Where stories live. Discover now