Kabanata 7

1K 70 5
                                    

Kabanata 7

"PARA sa mga bata dito sa orphanage 'yang dala-dala mong pagkain at laruan?"

Ngumiti nang matamis si Kitkat sa tanong na iyon ni Milo. Dito sila dumiretso sa isang orphanage sa Maynila. Dala naman ni Milo ang kotse nito kung kaya't iniwan na lamang niya sa shop niya ang sarili niyang sasakyan. Sa loob ng halos isang oras na biyahe ay pulos palitan ng tanong ang ginawa nila ni Milo. Kahit papaano ay nakilala niya ng kaunti ang lalaki.

Puro mga random questions kasi ang binato nila sa isa't isa. Infairness, nakakatuwang kausap si Milo.

"I wanted to help in an orphanage since then. Pero dahil sa sakit ko, hindi puwede, eh. Pero ngayon, kahit anong mangyari, kailangang makatulong ako sa isang orphanage kahit sa simpleng paraan lamang. I know what it feels like to be abandoned by your parents. Gusto ko kahit sa simpleng paraan lamang ay makatulong ako sa kanila, sa pagbibigay ng saya sa kanila," aniya habang ang tingin ay nasa gusaling nasa harapan.

Naramdaman niya ang pagpatong ng kamay ni Milo sa ulo niya at ang bahagyang paggulo nito sa buhok niya na tila ba isa siyang batang munti. Sabagay, kung ikukumpara sa height nito ay magmumukha talaga siyang bata. Ang tangkad kasi nito! Hindi man lamang siya umabot sa balikat nito.

And it was because of this damn disease.

"Ang bait mo, 'no? Nahihiya akong tumabi sayo," tila nang-aasar na anito subalit kay suyo naman ng mukha nito.

Lumabi siya at bahagya itong pinalo sa braso. "Heh." Kung titingnan sila ngayon ay iisipin na kay tagal na nilang magkakilala dahil sa palitan nila ng asaran.

"Lika na nga," aya ni Milo saka siya hinawakan sa kamay. Inakay siya nito papasok sa loob ng orphanage. Hindi niya maiwasang mapatingin sa magkahugpong nilang kamay. Something was wrong with her. Mukhang umaatake na naman ang sakit niya dahil sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Teka, dahil ba ito sa sakit niya? O dahil sa pagkakahugpong ng kamay nila ni Milo?


"HEY, HUWAG kang malikot."

Napahinto sa paglalakad si Milo nang marinig ang tinig na iyon. Mula sa nakaawang na pinto sa isang silid ay nakita niya si Kitkat na nakaupo sa gitna ng kama. Sa magkabilang-tabi nito ay dalawang bata, isang babae at isang lalaki. Tila pinapatulog nito ang dalawang bata base sa ginagawa nito.

"Huwag kang malikot, Lian. Patulog na si Kelly, o," ani Kitkat sa batang lalaki.

"Eh Ate Kitkat, hindi po ato antok. Gusto ko yayo tayo!"

"Hindi puwede. Kailangan mong matulog para lumaki ka agad."

"Kapag ako tuyog at laki, lab mo na po ato?"

Tila may kung anong humaplos sa puso niya nang makita ang masuyong ngiti sa labi ni Kitkat habang hinahaplos nito ang buhok ni Lian. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid at sumandal sa hamba habang ang mata ay nanatiling nakatitig kay Kitkat.

Coincidence ang pagkikita nila kanina sa Spiral Café. May dadaanan siya dapat malapit sa lugar na iyon nang matanaw niya mula sa kanyang sasakyan si Kitkat na nasa loob ng café. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya upang isantabi ang lakad at nilapitan ito. He even moved his supposedly meeting just to accompany her today.

Ano ba ang mayroon kay Kitkat at nagiging ganito siya?

It must be her eyes.

"Opo. Kaya matulog ka na, okay?"

"Otey."

"Cradle snatching 'yan, Kitkat," nakangising aniya sa babae habang pinapanood ito sa ginagawa nitong pagpapatulog kay Lian at Kelly.

Kat smiled gently at him, the smile that literally took his breath away. Ngayon lamang naging ganito ang epekto sa kanya ng ngiti ng isang babae. Kahit ang ngiti ni Gail ay hindi ganito ang epekto sa kanya.

Nang marinig niya ang winika nito kanina—na gusto siya nitong tulungan upang mawala kay Gail ang kanyang pansin—ay natuwa siya. Hindi niya alam kung bakit subalit natutuwa siya sa concern na pinapakita nito sa kanya.

Pumayag siya na makasama ito ngayon hindi dahil kailangan niya ng distraction para sa feelings niya kay Gail. Okay, siguro ay parte rin iyon subalit hindi iyon ang kabuuan ng dahilan niya. Gusto niyang makasama si Kitkat. Habang kausap nga niya ito kanina, tila ba nawawala sa isipan niya na may Gail pa lang laman ang puso niya.

"Shut up, Milo. Doon ka na nga sa mga alaga mo."

Humalukipkip siya. "Sorry, Kitkat. Pero tulog nang lahat ang mga alaga ko."

Namilog ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala habang nakatingin sa kanya. "Ang bilis."

"What can I say? The kids love me."

Inirapan siya nito. "Ang yabang ng manong, o."

Mahina siyang tumawa. Kanina, habang inaasikaso ni Kitkat ang mga bata ay hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin. Palagay ang loob nito sa mga bata. Hindi niya nakitaan kahit kakaunting pagkukunwari ang mga kilos nito. The care visible in her eyes was genuine.

"You really like kids, huh?" mahinang tanong niya kay Kitkat.

Kumislap ang mga mata nito habang hinahaplos ang buhok ni Lian at Kelly. "Yup. I am an only child, you know. Wala akong naging kaibigan n'ong bata ako dahil sa a-asthma ko. So ngayong malaki na ako, gusto kong makipaglaro sa kanila kahit sandali lang. Gusto kong maramdamang maging ate sa kanila kahit sandali lang."

Mas na nakita niya ang lungkot sa mata nito kaysa narinig sa tinig nito. Nalaman niya kay Ares na wala ng pamilya si Kitkat ngayon. Both her parents died and she had no more family except from herself. Kaya nga nabuo na sa isip niya na tulungan ito na tapusin at bunuin ang mga nakasaad sa To-do list nito.

Matutulungan na niya si Kitkat, mawawala pa sa isip niya ang sakit sa kanyang puso. Makikilala pa niya ng lubusan si Kitkat. It was like hitting three birds with one freaking stone.

Two down on her To-do list. Many more to go.

His Beautiful Distraction (Beautiful Trilogy #1) (Published under PHR)Where stories live. Discover now