Chapter 10

6 0 0
                                    

Chapter 10: Awkward

Queen's POV

"Can we talk?" Nakatingin talaga siya sa mata ko habang sinasabi ang mga katagang yan.

Hindi ba siya naiilang sa ginagawa niya na yan kase ako nararamdaman ko na yung awkward feeling and hindi talaga masarap sa feeling yun, para kang nasa gitna ng isang recitation at hindi ka makasagot hayss.

Nakipagtitigan lang ako sa kanya gaya ng ginagawa niya saken. Wala akong pake kahit sobrang awkward na.

"Hindi ka pa ba tapos sa pagtitig sa mata ko?" Nakangisi niyang tanong saken.

Hakdog ka! Wag kang assuming! Tss!

"Para san ba yung pag-uusapan na yan?" Tanong ko na lang kahit nakakaasar na talaga yung prisensya niya.

"Carl." Yun lang yung sinabi niya pero nakuha niya agad ang atensiyon ko.

"Ki-Kilala mo s-siya?" Nanginginig yung boses ko habang tinatanong ko yun sa kanya. Natatakot kasi baka may malaman na naman akong bagong impormasyon about sa pagkamatay niya. O kaya naman ay natatakot din kung ano talaga ang ugnayan nitong lalaking to sa kanya.

Malakas ang kutob ko na konektado siya sa kanya kasi magkamukha talaga sila. I mean baka magkapamilya sila diba.

"Uh-huh! Let's go outside, bawal ang maingay dito." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako palabas. May ibang pakiramdam ito saken parang biglang may dumaloy na kuryente sa aking katawan.

Ewan ko din ba sa sarili ko dahil habang hila-hila niya ako ay nakatingin lang ako sa likod niya. Pinagsawalang bahala kung matakid man ako basta nakatingin lang ako sa likod niya ganon.

Tumigil na siya sa paghila saken nung makarating na kami sa open field, may mga benches naman dun na pedeng upuan ng mga students.

Medyo humihingal pa kaming dalawa dahil sa pagtakbo.

Lumipas muna ang ilang minuto bago siya magsalita.

"So you know Carl Zhyren Valdez?" Nagulat na naman ako dahil sa sinabi niya.

So kilala niya talaga si Carl.

"You know him so well ah."

"Why not, I'm his twin brother." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

"S-Seriously?" Gulat kong tanong. Tumango lamang siya bilang sagot.

"Di pa ba halata sa itsura pa lang?" Natatawa nitong tanong sakin.

"Hindi ko lang inexpect na may kakambal pala siya, wala din naman siyang nababanggit about sayo." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"So close kayo sa isa't isa?" Mataman siyang tumingin saken. Halatang curious siya sa magiging sagot ko.

"A-ah hindi naman masyado, ah ano magkaklase kasi kami sa isang subject at naging magkaibigan kami." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Hindi na niya dapat pang malaman ang about samin ni Carl. Ayaw ko ng pag-usapan yun. Nabubuhay sa loob ko yung sakit na kinakalimutan ko sa loob halos ng isang taon.

Mukhang wala din naman siyang alam sa kung ano ang buhay ng kakambal niya kaya siya ganito makapag tanong.

Yes siguro nga ay mas mabuting ganito na lang. Ako na lang yung nakakaalam para wala ng gulo. Baka kasi ako pa yung mapag bintangan niya sa mangyari ng gabing yun. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit sa loob ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Secret [ON GOING]Where stories live. Discover now