Chapter 6

31 4 0
                                    

Chapter 6: Mysterious guy

Queen's POV

Nagising ako ng tunog ng alarm clock. It's 7:00 am at may class ako ng 8:30.

Tumayo na ako para pumunta sa banyo para maghanda na sa pagpasok pero napadaan ako sa study table ko. Nakapatong dun ang isang picture frame, ako yun at si kuya nung nasa isang fast food kami nung second year pa ako.

Ang saya namin doon, kahit di namin kasama si Mom and Dad. Pakiramdam ko si Kuya King na lang ang pamilya ko. Siya ang araw-araw kong nakakasama, siya ang nasasabihan ko ng lahat ng problema ko at higit sa lahat supported siya sa lahat ng gusto ko, basta yung hindi sa ikakapahamak ko. Kaya mahal na mahal ko si kuya, hinding hindi ko siya ipagpapalit.

Hayysstt masyado na akong madrama.

Napatingin din ako sa salamin na katapat lang ng study table ko. Nakita ko yung itsura ko.

Yung kulot kong buhok. Napatingin ulit ako dun sa picture frame. Straight pa yung buhok ko dun. Nakita ko din yung napaka inosente ko na muka. Di na ako yung dating Queen Angela na mabait at mahinhin.

I changed for a reason.

Nagbago ako ng dahil sayo.

Ayaw ko na maulit ulit yung pangyayari na yun. Masyadong masakit at baka di ko na kayanin pa pag naulit yun ulit lalo na sa panahon ngayon na marami akong iniisip.

Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Isinuot ang maluwag kong uniform na pinasadya ko pa. Hindi ako sanay sa ganitong pananamit pero kailangan kong sanayin ang sarili ko kasi parang matatagalan pa.

Agad akong bumaba para mag almusal. Naabutan ko si kuya na kumakain na. Nasa tabi din niya ang mga maids na pinagsisilbihan siya. Nasa may pintuan naman ang napakadami naming bodyguards.

Haysst napakadami nila, nakakairita na nga din eh lagi na lng may nakasunod sayo. Pero okay na din yun para ligtas kami. Ayaw ko na maulit yung nangyari nung isang gabi.

Naalala ko na itanong kay kuya yung tungkol sa nangyari ng gabi na yun. Hindi na kasi niya nabanggit yun sakin. Ngayon ko na lang din itatanong sa kanya.

Umupo na ako sa harap ni kuya. Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula na. Habang kumakain, naisipan ko na simulan na tanongin si kuya. Sana naman sagutin niya ako, halata kasi na seryoso na naman siya sa kung anong iniisip niya.

"Ah kuya, about sa nangyari nung isang gabi. Ano ba talaga nangyari dun sa lalaki?", tanong ko. Napatingin na sakin si kuya ng dahil sa tanong ko.

"Lalaki? Anong lalaki? Queen ah may nanliligaw na ba sayo?", nakangising tanong nito sakin.

"Kuya naman eh, about dun sa pumasok sa bahay natin.", kanot noo kong tanong. "Nu ba naman yan kuya."

"Hahaha masyado kang seryoso. Wala na natalo na ng mga tauhan natin yung lalaki. Wag mo na masyadong isipin yun, takot na lang nun sa kagwapuhan ko kapag bumalik pa siya hahahaha!", tawa siya ng tawa na akala mo wala ng bukas.

Ganyan talaga si kuya pag kakatira lang. Hahahaha charot. Ewan ko nga ba diyan kay kuya kung bakit minsan ganyan ang ugali niya. Isip bata. ^_^

"Hay nako naman kuya eh. Ewan ko sayo makaalis na nga lang.", tumayo na ako at kinuha na ang bag ko para umalis.

"Yah! San ka pupunta? Bawal talikuran ang gwapong tulad ko!", sigaw niya sakin bago ako makalabas ng pintuan.

"Papasok na lang ako kuya, kaysa madala ako sa kahanginan mo! Hahaha!^_^" sabi ko at tumakbo na sa service ko. Baka kasi habulin pa ako. Lagot ako dun. Hahaha.^_^

Nakadating na ako sa kanto papasok sa school ko. Hanggang doon na lang ako kasi baka may makahalata at masundan pa ako paguwi ko. Mabuti na ang maingat.

Ayaw pa nga ako payagan ng mga bodguards ko na maglakad ng mag-isa kaya yun hinahayaan ko na lang na nakasunod sakin pero malayo para di din halata. Hindi rin sila naka uniform kasi pinagbawalan ko, masyado na kasing common maiba naman hahaha.

Pagpasok ko ng school di ko na lang pinansin ang mga nakatingin at nagdiretso na lang sa room ko.

Sakto naman na pagkaupo ko sa upuan ko, ay ang pagdating ng adviser namin sa English. First subject ko sa araw na to. Iba iba kasi ang schedule ko kada araw. Kaya minsan naguguluhan ako.

Nagdi discuss lang siya sa unahan pero di ako nakikinig, may iniisip kasi ako.

Iniisip ko yung mangyayari at kahihinatnan ng ginagawa ko. Magiging maayos nga kaya ang lahat? Sana naman. Kasi ayaw ko na may mangyayari na masama at may madadamay ng dahil sakin.

Lumipas ang dalawa pang subject at recess na.

Lumabas na ako at pumunta ng cafeteria. Bumili na lang ako ng isang sandwich at juice at umalis na. Ayaw ko kasi dun. Masyadong maraming mapanuring mata na nakatingin sayo.

Pumunta na lang ako sa open field kung saan may nagpra practice ng soccer. Malapit na nga pala ang competition para sa game na yan kaya practice sila ng practice.

Pinili ko na umupo sa damuhan malayo sa kanila baka kasi matamaan ako ng bola. Doon na din ako kumain habang nanonood sa kanila.

Habang kumakain may naramdaman ako na parang may nakatingin sakin.

Lumingon ako sa likod ko at may nakita ako na lalaki na naka soccer uniform. Matangkad siya at matangos ang ilong, maputi din siya. Nakatingin lang kami sa isa't isa ng ngumiti siya sakin at bigla na lang umalis.

Nagtaka ako sa inasal niya. Tumayo ako para habulin siya pero nabigo ako, wala na agad siya.

Saan naman kaya siya nagpunta? At bakit ganun siya? Ang weird niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang inasal niya sakin.

Nakatingin lang ako sa daan kung saan pumunta yung lalaki nang tumunog na ang bell.

Time na at kailangan ko ng pumunta sa next class ko. Pero bago ako pumunta sa room ko dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung libro ko para sa next class ko.

Pagdating ko sa harap ng locker ko may nakakapit na sticky note dun.

"Magiingat ka."

Yan yung nakasulat dun.

Lumingon pa ako sa paligid, nagbabakasakaling nandun yung naglagay nun pero wala ng masyadong tao dahil na rin sa time na.

Wala din namang name sa baba o kahit palatandaan o code name nung naglagay nito.

Naalala ko na kailangan ko ng pumunta sa next class ko kaya nagmadali na ako na kunin yung libro ko. Sinipit ko na lang muna yung note sa libro ko at tumakbo na papunta sa room ko.

Swerte ko kasi wala pa si miss, male late daw.

Umupo na ako sa seat ko at tiningnan ang note na nakuha ko sa locker ko.

"Sino naman kaya ang maglalagay nito dun?", tanong ko sa sarili ko.

Naisip ko yung weird na lalaki na nakita ko sa open field kanina.

Posible kayang siya ang naglagay nito?

Pero bakit? Anong rason niya? At sino ba siya?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Please read my story.^_^

Vote and comment lang kung may suggestions kayo. ^_^

Ms. Queenie👑

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Thank you sa lahat ng readers. Sana support pa din tayo mga guys HAHAHA. Stay lang ah kahit ngayon ko lang ulet to binalik dito sa wattpad. Pipilitin ko na talaga matapos pero syempre wait muna tayo HAHAHA. So yun have a good day to all of you! Mwah! Iloveyou all!💜

A Secret [ON GOING]Where stories live. Discover now