Chapter 8

7 0 0
                                    

Chapter 8: Is it just a Coincidence?

Prince Cedric's POV

Papasok na ako ngayon sa second subject bago mag lunch.

Hayss ngayon na lang ulit ako papasok sa klase.

Kung hindi lang naman dahil kelangan kong bantayan si Angela.

Masyado kasi akong nagfo focus sa soccer team. Kakatamad din naman mag-aral e.

Pagpasok ko naghanap agad ako ng bakanteng upuan, sakto naman sa tabing upuan yun ni Angela.

Lamapit na ako doon, kasalukuyan naman siyang nakatingin sa labas ng bintana mukang may malalim na iniisip.

Pinagtataka ko lang kung bakit wala man lang nakikipag-usap sa kanya dito.

Hayss bahala na, tuluyan na akong lumapit sa kanya.

"Ahm hi? Pwede ba akong umupo dito sa tabi mo? Wala na kasing bakanteng upuan e?", tanong ko kay Angela.

Lumingon ito sakin.

Nakakapagtaka lang ang itsura nito.

Nakatitig lang ito sakin at halatang gulat na gulat.

Anong nangyayari?

"C--Carl?", gulat na gulat at napatayong tanong nito?

Nagulat din ako.

Kilala niya ang kambal ko?

Oo tama, kakambal ko si Carl at ang pinagtataka ko ay kung bakit siya kilala ni Angela?

Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-iisip ng makita ko siyang tumakbo palabas ng room.

Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko na imiiyak siya.

I see it. There are tears in her eyes when she go out.

Anong nangyayari?

Hindi ko alam kung anong nangyari saken pero sinundan ko siya.

I did my best para mahanap siya pero hindi ko talaga siya makita.

Saan siya nagpunta?

Gusto ko siyang makita at maka-usap.

Nasan ka na Angela?

I need to know how do you know my twin brother.

Kaninang kanina pa akong paikot-ikot dito sa loob ng campus pero di ko na talaga makita si Angela.

Siguro lumabas na siya ng campus at pumunta sa kung saan.

Hanggang ngayon talaga nagtataka at naguguluhan pa din ako sa naging reaksiyon niya.

Bakit ganun na lang ang gulat niya ng makita ako?

Bakit siya umiiyak?

At bakit siya nagtatakbo na lang ng walang paalam?

Anong koneksiyon niya sa kakambal ko?

Sumuko na ako sa paghahanap at napagpasyahan na pumunta na lamang sa kampo.

Wala na ulit akong ganang umattend ng klase kasi wala naman dun si Angela.

Wala naman siya dun para bantayan ko.

~At Clan de Cargo Camp

Nahiga na lang ako sa sofa.

Napagod ako sa kakahanap kay Angela kanina.

A Secret [ON GOING]Where stories live. Discover now