Chapter 3

33 5 2
                                    

Chapter 3: Danger

Queen's POV

Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit pero may mali. Hindi ko alam kung ano pero basta may mali. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, pero parang... may masamang mangyayari. Iba kasi talaga ang pakiramdam ko.

Bahagya ko na lang ipinilig ang ulo ko dahil sa naisip.

Mabilis na akong bumangon. Naramdaman ko pa na kumirot ang anit ko, marahil siguro dahil na din sa sabunot sakin ng bruhang Elize.

Naligo na ako at nagbihis na. Nang matapos ay bumaba na din agad at mag aalmusal. Naabutan ko pa si Kuya King na kumakain at seryosong seryoso ang muka. Halatang may malalim na iniisip.

Napangisi na lang ako sa naisip. Bahagya akong pumunta sa likuran ni kuya. Gugulatin ko na sana ito pero bigla itong nagsalita.

"Wag mo nang tangkain pa, kapatid", sabi nito.

Sa halip na ito ang magulat, ako pa ang nagulat. Pano ba naman, nakahanda na ako pero nahuli pala.

"Akala mo ata, maiisahan mo ako ano?", nakangisi na ito sa kanya at humarap.

"Hay nako naman kasi kuya", medyo natawa na lang ako sa nangyari. "Pano ba naman kasi, akala mo pinagsakluban ng langit at lupa ang muka mo dyan", pabiro kong sabi.

Muling sumeryoso ang muka niya. "May iniisip lang ako tungkol sa office", sabi nito.

"Bakit? May nangyari ba?", Tanong ko.

"Wala naman. Wag mo na lang intindihin.", sagot nito. "Nga pala, dadating na sina mom and dad mamaya.", dagdag pa nito na nakapag pakunot ng noo ko.

"Oh really?", ang tanging naisagot ko na lang.

Last month pa kasi ang last na nakita namin sina mom and dad. Ngayon pa talaga. Kaya naman pala, pakiramdam ko may masamang mangyayari.

Napabuntong hininga na lang si kuya. "Please Queen, treat mom and dad in a good way. Kahit ngayon lang.", isang buntong hininga na lang din ang pinakawalan ko sa narinig kay kuya.

Tuwi kasing dumadating sina mom and dad. Hindi ko sila pinapansin. Lagi lang akong nasa kwarto ko at nagbabasa. Hindi ako lumalabas liban na lang kung pupunta sa school o kaya naman ay kukuha ng pagkain. Hindi din talaga ako nasabay sa pagkain nila. Alam kong bastos pero di ko kaya.

"I'll try", yun na lang ang naisagot ko at nagpaalam na kay kuya na aalis na.

Nagpahatid na ako kay manong hanggang gate ng university at naglakad na ng nakatungo. Alam ko kasing pinagtitinginan na naman ako, lalo na at sariwa pa ang naganap kahapon kung saan kulang na lang bunutin ng bruhang Elize na yon ang lahat ng buhok ko.

Napangiwi na lang ako sa naisip. Naiimagine ko kasi yung itsura ko nung time na yun. Siguro muka ako nung dugyot na walang kalaban laban. Pero sa ngayon kaya ko pang kontrolin to.

This is not the right time.

Pumasok na ako sa first subject ko, which is Mathematics. Ang favorite subject ko. Ginaganahan ako sa tuwing nagso solve ng mga problems.

Oo alam ko na iba talaga ako sa lahat. Pano ba naman hindi maiiba, eh halos lahat ng classmates ko kulang na lang patayin yung teacher. Sa teacher nila binubunton galit nila, pero kung may buhay lang daw talaga ang math, matagal na itong patay dahil sa dami ng haters nito.

Natawa na lang ako habang iniisip ang mga muka ng kaklase ko habang nagso solve ng problems na sisiw lang sa akin.

Lumipas pa ang ilang subjects at lunch time na. Lumingon muna ako sa paligid bago tuluyang lumabas. Baka kasi nanjan na naman ang bruhang Elize. Mahirap na.

A Secret [ON GOING]Where stories live. Discover now