Chapter 2

38 4 2
                                    

A/N: May napadagdag na character sa story.
Nasa baba yung picture...

Chapter 2: Joy

Queen's POV

Natapos na ang lahat ng klase ko ngayong umaga. Papunta na sana ako sa canteen ng may humarang sakin.

"Oh, look who's here.", gaya ng inaasahan ang bruhang Yanah na naman. "Napaka kapal naman talaga ng muka mo eh no?!", maarte na sabi nito.

"Elize, please ayaw ko ng away.", kunwaring sabi ko sa kanya. Akmang aalis na sana ako pero hindi nagpatinag ang bruha. Hinila pa talaga ako.

Nako wag talaga ako susubukan nito kung ayaw niya makita ang hinahanap niya. Pasalamat siya at hindi pa ngayon ang oras. Maghintay ka lang. Dahil pag dumating ang oras na yon. Di mo aakalain.

"Ha! Talaga lang ah. Ayaw mo ng gulo? Pwes gusto ko!", pagkasabi niya nun, bigla na lang niya ako sinabunutan.

Hindi ako naganti nun, hintayin lang niya.

Tiniis ko ang sakit ng anit ko, kahit pakiramdam ko nahiwalay na ang anit ko sa ulo ko. Pakiramdam ko nga ay may dugo na eh. Bwisit talaga tong bruhang to! Ugh!

Hindi pa ngayon...

~~~

King's POV

Nasa office ko ako ngayon dito sa school. May tinatapos lang ako, at aalis na din pagkatapos. Hindi alam ni Queen na pumunta ako dito. Kadalasan talaga kasi, tuwing may emergency na meeting or may tatapusin lang ako pumupunta dito. Lagi lang ako nasa company namin.

Abala pa ako sa laptop ko ng pumasok si Joy ang secretary ko. Nagtataka ako na tumingin sa kanya kasi halatang hingal na hingal siya base na din sa pawis na nasa noo na niya.

"King, may kailangan kang malaman!", halos pumiyok na ito sa pagsasalita dahil na din sa paghahabol ng hininga.

"What's that?", medyo kinakabahan ko na tanong.

"Si Queen!", Pagkasabi niya nun agad na akong lumabas ng office ko at tumakbo papunta sa college campus.

Ramdam kong nasunod sakin si Joy pero wala na akong paki alam. Ang alam ko lang ngayon ay ang iligtas ang kapatid ko.

May kutob kasi ako na pinag iinitan na naman ni Yanah si Queen.

I really know Yanah, she can do whatever she wants.

Pagdating ko dun, maraming ibang tao ang nakukumpulan sa hallway. Halatang may nangyayari na away.

Agad kong hinawi ang ang mga tao para makarating ako sa gitna. Hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Yanah sinasabunutan ang kapatid ko. Halatang nasasaktan na siya pero di pa din siya nalaban.

Kainis!! Hindi ka parin talaga lumaban. Ugh!!

Agad kong hinila si Yanah palayo kay Queen para hindi na niya ito masabunutan. Nagulat siya, halatang hindi na naman niya inaasahan na makikita niya ako.

"King? Ano ginagawa mo dito?", gulat na gulat na naman na tanong niya.

Hindi ko siya inintindi. Pumunta ako kay Queen na wala ng malay ngayon, ng dahil na din siguro sa lakas ng sabunot sa kanya ni Yanah.

Galit kong tiningnan si Yanah. "Pag may nangyari na hindi maganda sa kanya. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo.", galit na sabi ko kay Yanah bago ko tuluyang buhatin si Queen at itakbo sa clinic.

A Secret [ON GOING]Where stories live. Discover now