Chapter 1

50 6 0
                                    

Chapter 1: Queen Angela

Mahirap mag panggap...

Mahirap mag pakitang tao...

Pero mas mahirap ang mag sinungaling...

Lalo na sa taong alam mong pangkakatiwalaan ka....

Sa taong akala ay alam nya ang lahat ng tungkol sayo...

Sa taong ang turing sayo ay mundo...

Sa taong mahal mo....

At mahal ka...

Pano ko nga ba sasabihin???

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Queen's POV

Mabilis akong nag ayos ng aking sarili para makapasok na sa school.

Gusto pa sana akong ihatid ni Kuya King kaso ayaw ko kasi baka may makahalata.

Humarap muna ako sa salamin at inayos ang aking malaking salamin.

Inayos ang aking kulot na buhok.

At isanabit na ang aking back pack.

Pagkarating sa school. As usual, lahat sila panigbubulungan ako.

Lagi naman nasa akin ang atensyon ng lahat.

Papasok na sana ako sa room para hindi na pagbulungan ng lahat kaso may humila sa buhok ko. Muntik pa akong mapairit sa bigla at sakit.

"Ang lakas naman talaga ng loob mo na magpakita pa sa school ng boyfriend ko!", Yanah, the queen among the queen in this school.

Napasinghap na lang ako ng hangin sa sinabi nya. Pinipigilan ang sarili ko na sapakin sya.

"A-Ano bang sinasabi mo, Yanah?", kunwaring nautal na tanong ko.

"Wag mo nga akong tawaging Yanah! Ayaw ko na tinatawag ako ng pangalan na yan! That's Elize! Understand?" sigaw niya saken.

Tumango na lang ako.

"And by the way, are you asking me that damn question? Tanga ka ba o talagang hindi mo lang alam?!", Pinanliitan pa nya ako ng tingin.

"Inagaw mo lang naman ang boyfriend ko!", galit na dagdag pa nya.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo", konti na lang talaga masasapak ko na to.

"Wow ah, ang galing mo naman talaga mag panggap! Ehh ano to?!", sabi nya sabay pakita ng phone nya na may picture namin ni Kuya King sa isang sikat ng restaurant.

Medyo nagulat pa ako ng makita ko yung picture. Hindi ko alam kung saan nya yun nakuha... Medyo nakatalikod ako dun tapos nakaharap naman si kuya.

Kaya kong lusutan to.

"At paano ka naman nakakasiguro na siya nga yan?", magsasalita na sana ako ng dumating si Kuya King, ang owner ng school.

As usual nagulat lahat, pati ako syempre. Minsan lang kasi sya pumunta dito. Lagi lang syang nasa company.

"L-Love, anong g-ginagawa mo d-dito?" gulat na tanong ni Yanah este Elize.

"Pwede ba? Wag mo akong tawaging LOVE kasi hindi na tayo! At tinatanong mo kung ano ginagawa ko dito?" natatawa pa na tanong ni kuya.
"School ko ata to?", sarkastikong sagot nito.

A Secret [ON GOING]Where stories live. Discover now