"Hay, mabuti nalang at nakita kita pamangkin. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, alam kong nasabi na ng kuya mo kung anong meron," nakukuha ko na, mukhang gusto niyang ako na muna ang bahala sa mga bisita naming kagaya ng sinabi ni kuya kanina. "Parating na kasi dito ang Royal Family at hindi ko naman kayang pagsabayin ang pag-aasikaso sa mga bisita. Ikaw na munang bahala sa kanila, ha? Mukhang mababait naman sila e, kaya mo na yan 'nak." sabay yakap sakin at bumalik sa mga bisita. Nagpaalam ito at sa nakikita ko ay wala namang problema sa dalawa.
So weird, yung dalawang lahing may malaking hidwaan ay naguusap ng ganito. Nakakatuwa!
Pagkaalis ni tita ay siya namang paglapit ng dalawa sakin.
"Ikaw ba ang mag-aasikaso sa amin?" nakangiting bungad sakin ng pamilyar na lalaki. Nanlaki pa ang mga mata ko at parang natulala sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"A-alex?!" tumango-tango ito at mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.
Siya nga!
"I-ibig sabihin... i-isa kang d-dark elven?" muli itong tumango-tango sakin sabay biglang akbay niya.
The heck?! Kaya naman pala mahaba ang tenga niya. Bakit hindi ko naisip yon nong una pa lang?
Napabitaw ako dito mula sa pagkakaabay at tinapunan siya ng hindi makapaniwalang tingin. Like ohmy!
"Grabe ka sa discrimination sa lahi ko ah. Nakakagulat ba makakita ng kagaya ko?" Kunwaring malungkot na saad niya.
"I-I didn't mean that, it was just... I can't... Wosh!" pinagpapawisan ako!
"Okay I get it, nakukuha ko naman ang gusto mong sabihin. Yeah you're right, it was unusual to see and talk with dark elvens especially in a territory of vampires. But rest assured, we're not here for trouble." ngumiti ito ng malapad na nangungumbinsi.
Medyo nakakahiya naman sa part ko. Napakaracist ko lang.
Wala naman talagang dapat ikatakot sa kanila, pare-pareho lang kaming darkborns at kung tutuusin mas malaki pa ang naging ambag ng dark elvens sa huling digmaan kumpara sa aking lahi. Pero nakakakaba lang kasi na biglang may napadpad dito na dark elven sa lupain ng mga kaaway nila and the realization that I already encountered and talked to one of them from the past few days sends shivers to me. Though hindi ako napapaka-racist dito ha.
"S-sorry, hindi lang kasi ako makapaniwala na may dark elven dito sa St. Helen, gayong balwarte ito ng mga bampira." natawa ito sa sinabi ko.
"As we've expected. You see we are guests here, inimbita kami ng Count para dumalo sa kaarawan niya to settle our differences and misunderstandings with them."
Ohhh so politaka ang dahilan ng pagpunta nila dito. Pero bakit sa St. Helen at hindi na lang sa Candover? Eh hindi naman ang mga Earlins ang magdi-desiyon sa mga ganyang bagay and besides madami pa diyan ang mas mataas kesa sa Earlins.
Tila nabasa naman niya ang nasa isip ko nang muli itong magsalita, "Hindi lang ang Count ang nag-imbita samin dito. Maging ang mga Duchannes ay binigyan kami ng paanyaya." I get it, kaya naman pala. Sabagay, isa itong magandang oportunidad para ayusin kung ano man ang hidwaan sa kanilang mga lahi. Nakaka-excite tuloy bigla ang mga kaganapan sa kaarawan ni tito.
Ang dami ko pang mga naging tanong sa lalaki habang nililibot ko sila ng gwardiya niya sa kastilyo. "Uhmm if you don't mind me asking, gwardiya mo talaga siya? " sabay nguso sa nasa likuran naming sundalo. Natawa na naman siya, "parang ganon na nga."
"That makes you a royal blood then?" tanong ko na sinagot naman niya ng isang pag-iling.
"I'm a general in the making, ang royal blood ay yung kasama kong babae kanina." I looked at him with amusement.
"Gaya ng sabi ko, nandito kami to settle our misunderstanding with the vampire race and perhaps with your race as well. And to do that, we need a royal blood from our kind as an envoy and someone like me." muling dugtong nito.
I see, so kaya rin pala nakita ko siya sa bayan? Nakakatuwa naman na nagkaroon pa ata ako ng kaibagang general elven ng wala sa oras. Pero may isang bagay na nakakalito.
" Diba nabanggit mo noon na taga Zjahir ka? Paanong nangyari naman na isa ka palang dark elven? Tapos akala ko ba bawal ang pagsusuot ng puting damit sa inyong mga dark elven?" napakamot ito ng ulo at pagak ang tawang nilikha.
"Medyo mahabang kwento pero taga Zjahir talaga ako. I was born and raised in that country, but I'm hundred percent pure dark elven. My parents clan were exiled from Elvour and seek refuge in that so called wasteland. In order to gain back my clan's honor, I decided to enter the royal force of Elvour and look! I'm about to be one of the generals of the royal forces." Taas noo nito sabay cross arms na talagang makikitaan mo ng pagmamalaki sa sarili.
"At anong klaseng kwento naman yang bawal magsuot ng puting damit ang mga dark elven? Bibihira lang may magsuot ng ganoong kulay pero hindi siya ipinagbabawal." Natatawang paliwanag niya.
I guess maling-mali ako ng paniniwala sa lahi nila, mukhang mabubuti naman pala sila at walang pinagkaiba sa aking lahi.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 7
Start from the beginning
