Weird.
Gaya ng sabi niya ay umakyat ako sa kwartong tinutuluyan ni kuya Julius. Tatlong katok lang bago ko narinig ang boses nito kaya pumasok na ako.
Nakatalikod ito sakin at nagsusuot ng armor. What for?
"Teka kuya, anong meron at sinusuot mo yang uniporme mo?" ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako sinagot dala ng pagiging abala sa pagsusuot ng baluti.
Nung natapos ito ay humarap siya sakin, "Napaaga ang dating ng high rulers." sabay suot sa isang helmet.
"A-anong ibig sabihin non? Tsaka bakit mo daw ako pinapatawag, kuya?" hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa sinabi nito o ano, eh paano ba naman pati siya tensyonado. Ano bang nangyayari?!
"They were ambushed in their way here by unknown persons," napasinghap ako sa gulat sa sinabi ni kuya.
Like wtf?!
"Bilang isang miyembro ng Royal Army, kailangan kong puntahan ang Royal Family, maging sina kuya ay sasama. It is our duty as citizens of this land to protect our rulers." sabay dampot ng isang espada sa gilid. Nakatayo lang naman ako doon na hindi parin makapaniwala.
Ang lakas ng loob ng kung sino man ang mga 'yon para tambangan ang Royal Family.
"Bago kami umalis, samahan mo ang ate Meritt mo at si tita sa pagaasikaso sa mga bagong dating na bisita. They're no ordinary guests, those people are dark elvens." napanganga pa ako sa binanggit niyang lahi.
What?!
Anong ginagawa ng itim na elvens sa balwarte ng mga bampira?
Okay, mahirap nang idigest ang mga nalaman ko.
Bago pa ako makahirit muli ng tanong ay lumabas na ito ng kwarto, tanging tunog ng pintong sumarado lang ang naging tugon ng kuya ko sa akin.
Oh-my-gash!
Nong isang araw tinambangan kami ng mga puting elven, ngayon naman ang Royal Family ang tinambangan at may mga bisita pa kaming itim na elven? Seriously, what is happening? Bakit naglilipana ang lahi ng mga elvens dito sa St. Helen at magkakasunod ang ambush?
Mabilis kong hinanap si ate maging si tita sa walang hanggang kastilyo.
Ito naman ang hirap sa lugar na 'to, kapag may hinahanap ka ay aabutin ka ng siyam siyam sa paghahanap.
Nakarating ako sa malaking bulwagan sa kastilyo. Dito gaganapin ang kaarawan ni tito. Madaming narito ngayon na abala sa paghahanda, mga trolls, pixies, vampires, succubus and incubus are everywhere. May mga hawak silang mga bulaklak, mga pangdisenyo at iba pa.
Sa dulo ng mahabang hagdan ay nakita ko rin sa wakas ang mga hinahanap ko. May kausap si tita at ate na mga nakasuot ng itim na baluti.
Sila rin yung kanina ah! So ibig sabihin sila ang tinutukoy ni kuya Julius na mga bisita?
Habang papalapit ako ay sakto namang nahati sa dalawang grupo sina ate, mabilis na umalis si ate kasama 'yung babae at isang balut ng baluti na sa hula ko ay guard. Sumama naman kay tita yung matangkad na lalaki at isa pang guard na kasama nila. Saktong sakto na sa direksyon ko papunta si tita at ang dalawang bisita.
Kumunot ang noo ko nang may pamilyar na namang amoy sa paligid ang lumitaw.
Saan na naman nanggagaling 'yon?
Pagdating ni tita sa direksyon ko ay parang nabuhayan pa ang 'di mapakaling mukha niya ng makita ako. "Oh Darys, thank goodness you're here!"
Sandali lang at parang nag-excuse si tita sa dalawa at kinabig ako nito sa gilid.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 7
Start from the beginning
