I guess they are another guests of tito. Mukhang yayamanin pa ang mga ito, saang noble family kaya sila galing?
"Darys kunin mo muna si Darrel." biglang utos sakin ni kuya Julius na biglang iniwan ang nakalumpasay sa sahig na bata. Lumapit din si ate Merit sa amin nang hindi nililingon ang anak nito.
OA nila ha, anong meron?
"Ipunta mo muna siya sa taas, Darys. Sige na." marahan pa akong tinulak tulak ni ate Meritt.
Problema nila? Nangangamoy politika na naman ito kaya ganyan, ganito naman palagi kapag tungkol sa politika. Ayaw nila akong makisawsaw. Hays.
Tumalikod na ako at kinibit balikat na lang ang pangyayari. "Halika Darrel, tara maglaro." binuhat ko ang bata at pinasadahan ng tingin ang mga kapatid ko na ngayon ay kausap na ang mga di kilalang bisita. "Politika nga." I said to myself.
Dinala ko ang pamangkin ko sa likod ng kastilyo, sa isa pang malawak na hardin kasi dito lang ang may maze hardin, parang park din ito kung titignan. Mainam na dito ko dinala 'tong pamangkin ko kaysa sa itaas, walang magagawa don eh.
"Darrel how old are you na baby?" tanong ko sa bata na gusto na namang tumakbo takbo. Ang hyper niya pala, paano pa kapag lumaki pa ito?
Wala naman akong natanggap na sagot, puro "Bulfly! Bulfly!" lang ang sinasabi. Pinanood ko na lang itong tumakbo palayo at maghabol sa mga bulfy na sinasabi niya.
Ngayon ko lang napansin, wala na naman yung amoy. "So weird talaga. Bakit ako lang ang nakakaamoy non? Magpacheck up na kaya ako?"
Kailan ba ang unang beses na naamoy ko yon? Yung nasa gubat kami papunta dito? Hindi naman siya amoy light blossom gaya nang sabi ni Travis, mas amoy honey with lavender pa nga siya. Tapos naamoy ko rin siya dito sa St. Helen—pati sa Onward!
Ang weird lang talaga, anong amoy kaya yon at saan nagmumula? Pero ang malaking tanong ay bakit ako lang ang parang nakakaamoy? May sakit kaya ako? Tapos ito pa pala! Panong nangyari na nakalimutan ko na si Alex babyloves?! Parang noong nakaraang mga araw siya lang ang iniisip ko tapos ngayon nakalimutan ko na? Hindi ko na rin maalala ang mukha niya, ang natatandaan ko na lang ay ang puting buhok niya. So weird. At isa pa pala! Ang unang pag-drain ko pa lang ng life force ay yung gabing may nangyari samin ni Alex, tapos wala na. Paanong hindi parin ako nauuhaw sa life force? Ang weird na ng nangyayari sakin.
I should better consult my aunt regarding this matter. Baka may nilabag ako sa ritwal dati at ito na ang backfire.
Pero pwede rin na normal pa naman ako ano? Weird lang talaga pero normal parin naman yata. Ang hilig kong magbasa ng mga libro pero hindi ko man lang nagagawang magbasa ng tungkol sa aking lahi. Ayan tuloy, nawawala ako sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa akin.
Hays!
Dapat talaga narito si Travis para matulungan niya ako. Ayoko namang kausapin ang mga ugok kong kapatid tungkol dito, maging sina mama't papa. Mas lalo nila akong aasarin sa white elf white elf na yan.
"Darrel bitawan mo yan, madumi yan!" nilapitan ko ang bata na kung ano-anong pinagpupulot. Ang dungis na ng kamay niya, mga bata nga naman oh!
Pinagpag ko ang kamay ng bata bago ito akayin pabalik sa loob.
Pagtalikod ko pabalik sa loob ay sakto namang lumabas si ate Meritt, mukhang hinahanap kami. Lumapit siya samin at kaagad kinarga ang bata.
"Tawag ka ng kuya Julius mo." medyo hindi ito mapakali, parang tense siya na ewan.
"Ano daw ang sasabihin niya ate?" tensyonado talaga siya at halatang-halata na hindi mapakali, ang likot din ng mga mata nito. May nangyari kaya?
"Pumasok ka na lang, puntahan mo siya sa kwarto niya. May aasikasuhin kami ng ibang kuya mo." kaagad na itong umalis at naiwan naman akong naguguluhan.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 7
Start from the beginning
