"Ayos naman na ako, wala nang dapat ipagalala pa, besides naroon naman si Travis para protektahan ako noon." sinubukan kong ngumiti to lessen the tension pero wala. Mga manhid. EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT EDIT
"Isa pa yon, he was been on training the whole year pero nahirapan siyang pabagsakin ang mga puting nilalang na yon. Ibig sabihin ay mga elites ang mga nakaharap niyo. Hindi sila basta-basta, mabuti at hindi nila kayo napatay." he added. Napapabuntong hininga na lang talaga ako. Nararamdaman ko nang papunta sa sermon ito. Ano pa nga ba? As always.
"At kung hindi sana matigas ang ulo mo at kung nag-isip ka, hindi ka sana nawalan ng malay ng halos dalawang araw. Ang kulit-kulit mo talaga kahit kailan, pwede mo namang hayaan na lang tumakbo yung elven, bakit sinundan mo pa?" ayan na nga ba. Si kuya Darius na ang unang nanermon sakin, ang paghuhukom ng mga kapatid ko.
"Eh sa gusto kong subukan kung gaano na ako kalakas eh. Tsaka para sa isang beginner ay magaling ako sa part na yon. Imagine, I almost catch that damned creature kung hindi lang ako ginamitan ng kung anong salamangka or what." binatukan ako ni kuya Dillan. Sadista!
"Tignan mo ang nangyari sa katigasan ng ulo mo! Naging incubus ka lang akala mo na malakas ka? Tsaaka, almost? Seryosos? Almost?" at pinapagalitan na ako ni kuya Dillan.
Napapairap na lang ako sa mga sinasabi nila. Imbes na i-compliment nila ako sa ginawa ko, ano ba naman yung ma-appreciate nila? Hays. Ang hirap talaga kapag bunso, para kang sisiw kung ituring.
"But you know what? We're proud of you bunso, palaban ka na nga." sabay tawa nila bigla at pinaggugulo ang buhok ko.
Napangiti naman ako. Ganyan dapat! Matuto silang i-appreciate ang mga gawa ko. Kalma ako lang 'to!
"Pwede ka nang ipadala sa Candover kagaya ni Julius." at nagtawanan na naman sila. Mas gusto ko pa ang ganon, ang magsilbing Royal Army kesa nasa tabi-tabi lang na parang sisiw kung ituring.
"Ayos lang! I can manage, sa lakas kong' to?" sabay pagpapalabas ng dark matter sa kamay ko. Natawa ang dalawa at parang usok daw ang dark matter ko.
Usok?! Ipasinghot ko sa inyo yan eh!
Pagdating namin sa kastilyo ay hinanap ko kaagad si Travis sa paligid. Hindi ko na siya nakita simula kaninang umaga, nakaalis na kaya siya?
"Kung hinahanap mo yung kababata mo, hindi mo na yon makikita dito. Sigurado nakaalis na sila ni papa para magbigay ng imbitasyon sa mga matataas na pinuno." Sagot ni kuya Dillan.
Akala ko pa man makikita ko siya, balak ko sanang sumama sa pagbibigay ng imbitasyon. Balita ko kasi ipapadala nila sa Candover ang imbitasyon ng mga Duchannes, sa araw ng kaarawan na ni tito ang balik nila panigurado.
Three days from now we will be celebrating tito's birthday. Ibig sabihin, sa loob ng ilang araw na yon ay hindi ko makikita ang mokong. Hindi ko pa nga nasusulit na kasama siya, kasi naman daig pa ang babae sa pagkabadtrip, tapos labas pa nang labas. Nakakagigil siya! Parang wala rin kaming bonding sa nagyayari ngayon—wait! Nandito na naman yung kakaibang amoy.
"Kuya naamoy niyo ba yon?" nagtinginan ang dalawa.
Alin? Yung amoy ng utot ng kuya mo Darius? pagbibiro ni kuya Dillan kaya naman kaagad siyang siniko ni kuya at nagbangayan na sila.
Magsasalita pa sana ako nang magsalita muli si kuya Dillan. "Kuya may mga bisita." biglang bulong nito kay kuya Darius, nginuso ni kuya ang tinutukoy niyang mga parating na may kausap pang kawal ng kastilyo.
Napukaw ang atensyon ko sa mga parating na bisita. May apat na tao ang parating na pinangungunahan ng isang matangkad na lalaki katabi ang isang babaeng may maikling buhok. Sa likod naman nila ay dalawang taong nababalot ng baluti—dark metallic armors and helmets. The four unknown persons were also equipped with swords and bows at their backs. Hindi ko naman magawang maaninag ang mga mukha nila ng mabuti dahil medyo malayo pa sila.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 7
Start from the beginning
