Hinila ko ito palayo sa centro nang putulin ko ang titig ko dito. Ako na lang ang maglilibot sa kaniya.
Una kaming nagtungo sa food sections ng market since hindi pa ako kumakain at mukhang siya man ay 'di pa kumakain.
"Alam mo ba, pang-apat na araw ko na dito sa St. Helen pero ngayon pa lang ako nakapunta sa kainang ito." biglang basag nito sa katahimikan habang tuloy-tuloy ito sa pagkain.
Dinala ko siya dito sa paborito naming kainan ni Travis nung mga bata pa kami. It's a well-known resto around this part of the market, medyo dulo na siya ng food section kaya hindi gaanong pinupuntahan. Pero yung mga sineserve dito ay talaga namang sulit. From the seafoods of the Nemphis up to the exotic foods of the Eastern Braiad are all available here. Napakalaki din ng resto na 'to kaya kahit dagsain ito ay hindi parin magsisiksikan ang mga kumakain. They also got the nice ambiance of the Earlin castle here.
"Alam ko, kaya nga dito kita dinala. Bibihira lang ang pumupunta dito kaya alam kong hindi ka pa nakakakain dito." sagot ko naman sabay subo ng dark oyster na paborito ko.
Natapos kaming kumain nang muli itong magsalita, "Akala ko ba hindi ka tagarito? Paanong alam mong may ganitong kainan?"
'Di ko pa pala nasasabi.
"Well hindi talaga ako taga-dito, pero halos lumaki naman ako sa lugar na to. I used to live in my friend's house when I was little around this area kaya naman alam ko ang pasikot-sikot dito sa bayan at kung ano ang mga dapat puntahan dito."
"Madalas kaming kumain noon dito kaya kabisadong-kabisado ko na ang food section ng market. But anyways, halika na at baka makalimutan ko pang maghanap ng regalo." muli ko na naman itong hinila, hindi naman siya umangal kagaya kanina. Nakakapanibago lang, though pangalawang beses pa lang namin mag-meet pero nakakapanibago talaga na parang kahapon lang siya ang madaldal, tapos biglang ako na ngayon. Weird.
Habang naglalakad ay naisipan kong tanungin kung taga saan ang kasama ko para na rin maigala ko siya ng mabuti. "Taga-saan ka ba at parang bagong-bago ka lang sa St. Helen?"
Took him a little while before answering,"I was born and raised in one of this region's end, Zjahir." He answered.
Kaya pala silver ang kulay ng mata niya. Zjahir is a remote is place in the north. Para siyang wasteland ayon sa mga nabasa kong libro, people around those area make a living through hunting, fishing and fighting the harsh weather of the land. All year round ang nyebe doon kaya naman kulay pilak ang mga mata ng mga pinapanganak doon at madalas ay puti ang kanilang mga buhok. Pero ayon sa mga lumang librong nabasa ko, hindi naman talaga wasteland ang Zjahir, in fact, they produce fine and high-quality golds and jewels from their icy mountains.
"Oh I see, kaya pala kulay pilak ang mga mata mo. No wonder wala ka ding gaanong alam dito sa lungsod, pero wag kang mag-alala at lulunurin kita sa impormasyon." I chuckled while giving him a confident look. Time for lectures!
"Magsimula tayo dito sa market, nahahati ang market ng St. Helen sa apat na sections o apat na kanto." tinuro ko pa ang dulo ng nilalakaran naming food section. "Bawat kanto ay mga daan na konektado sa apat na malalaking bayan na nakapaligid sa St. Helen. Ang food section kung saan lahat ng pagkain, gamit sa kusina, mga nagbebenta ng rekados at kung ano ano pang tungkol sa pagkain at inumin ay matatagpuan dito na konektado rin sa Driad. Isang coastal city sa timog, ang Driad ang pinaka malayong bayan na konektado dito. Sa katunayan ay may tatlong bayan ka pang malalampasan bago ka makarating doon kapag tinahak mo ang food section, pero dahil isa sa bigating bayan ang Driad kaya naman sa kaniya kilalang nakakonekta ang isa sa kanto ng St. Helen. " muli kong tinuro ang dulo ng food section, tanaw pa mula rito ang napakatayog na pader palabas sa lungsod, paglagpas sa pader na yon ay isa na siyang malawak na lambak papunta sa kabilang mga bayan.
YOU ARE READING
Breaking Boundaries
FantasyA tale of two different worlds. One born with the darkest blood, One born with a glowing blood. One tradition, One mission. One abduction, One journey. One mysterious box, One golden key. Everything was already been written in books of legend...
Part 6
Start from the beginning
