---

Kinaumagahan hindi ko parin nakita si tito Timothy, iba talaga kapag isa kang Count. The life of politics, rulings, and responsibilities. Nakakaawang Travis, sa isang araw siya na ang papalit sa papa niya sa pagiging busy. For sure madalang na lang kaming magkita pag nangyari yon.

Palapit na nang palapit ang kaarawan ni tito, nagiging busy na si tita Elise. Nagkasalubong kami kaninang kakain sana ako ng breakfast kaso tapos na daw siya at may aasikasuhin para sa mga invitations sa party. Humingi siya ng paumanhin na 'di niya ako makakasabay kumain pero nakuha ko naman kung bakit. Maging si Travis, hindi ko na naman siya nakita. Mukhang badtrip parin siya for unknown reason. Isip bata na naman yung tukmol!

Pagdating ng tanghali ay mag-isa na naman ako, talagang abala ang lahat para sa kaarawan ni tito. Three days to go and the said event will be held in this castle. Kanina pa ako nakakakita ng iba't ibang mga dekorasyon na pinapasok dito sa kastilyo. May mga dumarating din na receptionists and event handlers para dito sa kaarawan ni tito, may mga napapansin din akong ibang races na narito, parang may mga napansin nga rin akong mga kawal ng ibang families na narito.

Saan na lang kaya ako pupunta?

Then someone popped up on my mind. Yung lalaki kahapon!

Mabilis pa sa alas kwatro akong nagpunta sa bayan. Maglilibot ako para makakita ng ireregalo kay tito at magpapasama ako don sa lalaki kahapon. Alam ko never trust a stranger pero as if naman mapapahamak ako.

Pagdating ko sa centro ay medyo nadismaya ako. "Masyado ba akong napaaga o scam lang talaga siya?" I sat on the same spot as yesterday scanning every people walking around.

Para akong timang na naghihintay sa kaniya. Ilang minute ring paghihintay, pero wala siya.

Nakapagdesisyon na akong umalis na lang sana nang may humarang sa akin, isang lalaking may kulay brown na buhok.

Akala ko hindi na siya darating.

I rolled my eyes,"akala ko hindi ka na darating." napangiti ito sa sinabi ko.

Pansin ko lang medyo hinihingal siya at may mangilan-ngilang butil ng pawis sa mukha niya.

Maya-maya pa ay bigla na naman akong nakaramdam ng uhaw. Mukhang hindi naman sa tubig, sumunod ay bigla ko na namang naamoy yung parang honey na ewan.

Okay, ha? Saan ba nanggagaling kasi ang amoy na iyon?

"Pasensya na, napaaga ka yata masyado." he shyly smiled. Dahil sa dakilang ma-attitude ako kuno, nilampasan ko ito ng kaunti bago nagsalita. "So saan tayo? Tanghali na oh, baka wala tayong magpuntahan niyan."

I started walking at nararamdaman ko namang sumusunod ito.

I slightly smirk for a moment before it faded after several minutes.

Parang nawala bigla sa isip ko kung anong gagawin, like hey. Dead air na, ang daldal niya kahapon tapos ngayon ang tahimik niya. Ang awkward tuloy.

We continued walking around nang sa wakas ay nagsalita na ito, "Kung gusto mo nang mapapasyalan...uhmm medyo wala pa akong gaanong alam sa lugar na 'to." napahinto ako sa sinabi niya.

Oo nga pala. Naalala ko ilang araw pa lang siya dito, mas may alam pa pala ako dito kaysa sa kanya.

I sighed in dismay.

Humarap ako sa kaniya at hinila ang kamay nito palapit sakin. Tinitigan ko ito sa mata na medyo kinailang naman niya pero hinawakan ko ito sa mukha para hindi ito makabitaw sa titig ko.

"A-anong ginaga m-mo?" he stuttered and I could feel his tension. Nakakatawa.

Just making sure na hindi ka nagsisinungaling. I added.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now