Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa nirentahang house ni Salem dito sa Japan. Hindi ko rin alam kung paano siya nakarenta ng bahay dito pero may imposible pa ba sa mga Montenegro?

The house is okay. Maliit siya compare sa bahay namin at sa bahay nila. Gusto ko 'yung ganitong mga bahay. Yung tipong mararamdaman mo yung pamilya mo kasi sobrang liit niya pero masasabi mo talagang home siya.

"Unfortunately, this house has only one bedroom." he told me at tumingin ako sa kanya.

"My parents were the one who pick this house. Kanina lang tumawag sa akin yung landlady and told me the details about the house." He explained and I nodded. May magagawa pa ba ako? Nakapagtabi naman na kami sa isang kwarto kahapon. Ano pang kinaibahan ngayon?

We walked upstaors para ilagay sa kwarto ang gamit namin. The bedroom is small as well. May king size bed na halatang kasya kami. May parang open veranda na parang tanaw mo ang kabuuan ng Japan. May malaking aparador sa kabilang sulok ng kama. Mukha siyang malaki kasi walang gamit pero maliit siya. Basta ganon.

"Unpack your things. Tapos rest if you can. Bibili lang ako ng mga groceries na kailangan natin." sabi niya sa akin matapos niyang maibaba ang mga gamit sa floor ng bedroom ang maleta namin.

"Sama ako." saad ko sa kanya at tiningnan niya lang ako maigi.

"Fine, unpack your things first."

"Sasama ko na ba yung sayo?" I asked out of the blue while wheeling my luggage towards the closet. Napatigil ako at napapikit nang marealize ko ang nasabi ko.

"I can do it. Pagbalik na lang siguro natin." he said after a moment of silence. I muttered a soft sorry at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Hindi ko naman kasi sinasadya. Alam kong asawa ko na siya at isa yun sa mga job description ko as his wife pero kasi gusto kong organize ang lahat sa cabinet. Kapag nag-iibnag bansa din kami ako lagi ang nag-aayos ng mga gamit namin sa cabinet kasi nag-eenjoy akong mag-ayos.

"Napakaboba mo naman." bulong ko sa sarili ko at tinupi ng maayos ang sweater na dala ko. Nagulat ako sa pagtunog ng phone ko. Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

(Nandyan ka na?)

"Opo, Irish. Nandito na ako." sabi ko at inipit ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko.

(So, how was your trip?)

"Ayos lang naman. Kakakain lang namin ng ramen sa isang ramen restaurant. Nandito na kami ngayon sa bahay na titirhan namin for one month at heto ako ngayon nag-aayos ng gamit ko sa cabinet dito sa kwarto namin." kwento ko at nagulat ako ng mapatili siya.

(Magkasama kayo ng kwarto?)

"Yes. What's the big deal?"

(Anong 'what's the big deal?'? Hindi mo ba alam na maraming kababalaghan ang nangyayari sa kwarto?)

"Ang halay ng utak mo." sambit ko at naparolyo ng mata. Ang taba ng utak ng babaeng to pagdating sa ganito. Wala pa namang experience pero mas daig pa si Carson sa kahalayan ng utak.

(I'm just stating a fact, Sav. Besides, mag-asawa na naman kayo. Nothing is wrong na.)

I can totally see her eyebrows moving suggestively at me. Napailing na lang ako.

"Walang mangyayaring ganon." sabi ko at natawa naman siya.

(You never know. Malamig kaya diyan.) tumawa ng nakakaloka si Irish ng sawayin ko siya.

"Alam mo ibaba ko na tong tawag. Istorbo ka. Mag-gogrocery pa kami hindi ko pa natatapos to." pagalit ko sa kanya na patuloy parin sa pagtawa.

(Update me if something happens na. I can't wait.)

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now