Chapter Thirty-six

Start from the beginning
                                    

Akala niya hindi siya nito makikita pero nagkakamali siya ng biglang lumabas si Brace sa sasakyan nito at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.

"Shealtiel, please let me talk to you." sigaw ulit nito para pagtinginan ito ng mga tao sa parking lot. Buti na lang hindi ganoon kadami ang tao nito.

Agad-agad siyang pumasok at pinaandar ang sasakyan pero bigla-bigla itong pumagitna dahilan para mapabrake siya sa walang oras.

"Bwesit!" bulong nito sabay napahampas sa manebela.

"Magpapakamatay ka ba?" inis na sigaw nito sa lalaki na nasa gitna pa rin sa dinadaanan ng sasakyan niya.

"Let me talk to you, please!" pagmamakaawa nito.

"Sinabi ko na sa'yo na wala na tayong dapat pag-usapan pa. Please lang Brace." sagot niya dito. "Gabi na kaya please lang hayaan mo na akong umuwi. Pagod na ako."

"Hindi ako aalis dito kung hindi mo ako kakausapin."

"Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na wala na tayong dapat pang pag-usapan."

"Mayroon. I want to talk about Andrei." agad na nanlamig si Shealtiel ng mabanggit nito ang pangalan ng anak niya.

Hindi siya makasagot agad.dahil sa kaba na nararamdaman niya at ang mga posibleng mangyari na pumapasok sa utak niya.

Habang maraming bumabagabag sa isip niya hindi niya namalayan na naipatakbo niya ang sasakyan dahilan para mabundol niya ang lalaki sa gitna.

"Brace!" napasigaw siya at nagising sa malalim na pag-iisip at agad na nabalutan ng pag-alala. Agad siyang bumaba sa kotse at saka pinuntahan si Brace na dumadaing sa sakit habang pilit na umupo sa pagkakatihaya.

Agad niyang pinuntahan ito at pilit na tinutulungang tumayo.

"Okay ka lang? Ikaw kasi eh. Ang kulit-kulit mo." nag-alalang sabi nito pero tinitignan lang siya ni Brace.

Walang tigil ang pag pangaral si Shealtiel kay Brace. Habang walang tigil naman ang pagtingin niya nito sa babae.

Napaisip niya na namiss niya ang pag-alala nito sa kanya. Ang pag-aalaga nito.

"I miss this." bulong ni Brace dahilan para mapatigil si Shealtiel sa pagsasalita at tinignan niya ito sa mga mata. Hanggang do'n lang ang ginawad ni Shealtiel. Kinakabahan siya sa mga salitang lumabas sa bibig ni Brace.

"Tumayo kana, dadalhin na kita sa hospital." Nang mataohan siya ay tinulungan niya itong tumayo papunta sa sasakyan para maipacheck agad ito.

Napangiti naman si Brace ng sekreto. He has made his plan.

Nang makarating na sila sa ospital agad naman siyang inaasikaso ng mga nurses at doctors.

"Mrs. Okay na po ang asawa niyo. Buti at naidala niyo po siya agad dito pero kailangan pero kailangan niya pong operahan 'yong tuhod niya na nafracture. Mayroong isang maliit na buto ang nadidislocate dahilan para makaramdam siya ng pagsakit bawat oras. Dapat maagapan po ito para hindi na po sumasakit 'yong tuhod niya." Nagulat man sa sinabi ng doctor sa kanya pero pinalampas niya lang ito.

"Ano na po Misis? Nasa iyo po ang desisyon."

"Sige po Doc, gawin niyo po ang dapat gawin."

"Okay, nagpapaschedule na ako na bukas ng umaga gaganapin ang operasyon niya kaya sa pagkakataon na to alagaan mo muna siya.
At saka, bantayan niyo po muna siya ngayon at tutulungan na lang po kayo ng mga nurses. Salamat at mauuna na ako."

"Sige po Doc, salamat din po." tugon niya nito sa Doctor. Napabuntong hininga naman siya at naitampal ang noo niya.

Napatingin siya sa relo niya ng mapansin niyang alas 9 na ng gabi.

My Abusive Husband (COMPLETED BUT UNDER EDITING)Where stories live. Discover now