"Musta tulog natin?" tanong niya at inirapan ko lang siya at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

"Pati ba naman fiance ni Salem lalandiin mo?" pangangasar ni Gio at tumawa naman si Johan ng malakas. Kian secretly put up his middle finger at his brother.

"Aalis daw kayo." sabi ni Mama sa akin ng makalapit ako sa kanya para batiin siya. Napakunot naman ang noo ko.

"Aalis?" tanong ko.

"We have this tradition na every after exams ay nag-ououting kami." sabat ni Salem at tumango lang ako sa kanya.

"Ano oras alis natin?" tanong ko habang kumukuha ako ng sandwich na ginawa ni Mama.

"Tita, oh. Si Kian." narinig kong sumbong ni Corrine kay Mommy.

Napailing na lang si Mommy at lumapit na sa magpipinsan para bigyan pa ng pagkain. Kumuha ako ng bowl habang kumakain ng sandwich at kumuha ng cereals at fresh milk.

"You eat that in that the morning?" tanong niya habang pinagmamasdan ang pagkain ko.

"Yes." tiningnan ko siya at umiling lang siya.

Ang gwapo ng suot niya ngayon. Nakasando lang siya at beach shorts. Litaw na litaw ang moreno niyang kulay sa suot niya at syempre yung laki din ng katawan niya. Nakangiti akong nagsalin ng cereal sa bowl ko.

"Tawagan ko sina Brielle?" tanong ni Johan sa akin at tumango lang ako sa kanya.

"May hangover ka ba?" tanong niya at kumunot naman ang noo ko sa kanya.

"Ayoko lang magsalita ngayon." 

"Abno." asar niya at pinakyuhan ko lang siya ng patago.

"Kainin niyo lang yan. Sav, pagtapos niyan ay maghanda ka na ng gamit mo." utos ni Mommy.

"Papayagan mo ko?" Hindi ako makapaniwala. Mommy is not strict about this pero when it comes to outing mahigpit siya. 

"Yes," she said while preparing another batch of sandwiches for them.

"Why?" tanong ko.

"Anong why? Nandyan naman ang fiance mo. I'm sure he won't let anything happen to you." sabi ni Mom at napailing na lang ako. If only she knew that me and Salem are not in good terms like she thought we were.

Umakyat ako sa kwarto ko. Kasama ko si Isla at Corrine dahil tutulungan daw nila akong mag-impake.

"I'm so excited, Ate. This is the first time na may kasama tayong iba sa outing na to." saad niya at napalingon naman ako sa kanilang dalawa.

"Hindi kayo nagsasama ng iba?" I asks and they both nodded. "Why?"

"Masyadong maarte sina Kian. Kahit ganon yon at maraming kakilala, gusto niyo kapag family. Strictly family lang." tumango naman ako sa nalaman na impormasyon galing kay Corrine.

"Bring two piece, ate. A lot of them." sabi ni Isla. Kinuha ko ang isang back pack ko at kumuha ng mga kailangan ko. Nagbaon ako ng tatlong swim suit dahil sabi ni Isla.

"I'm really happy na Kuya Salem is going to marry you. I mean, I know it is an arranged marriage pero kahit na." she told me and I just smiled at her.

"Feel free to talk to us, Sav. After all, tatlong babae lang naman tayo sa era ngayon ng Montenegro." natawa naman ako sa sinabi niya.

.

May white van na nakaparada sa labas ng bahay namin paglabas ko. Mukhang planado talaga nila ito at halatang napasama lang ako dito. Sinundo namin sina Irish sa kabilang street ng village namin. Tumigil kami sa isang coffee shop at kinabahan ako ng makita ko si Imee kasama ang ilang kaibigan niya.

Destined (Montenegro Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя