"Saan na tayo pupunta?" Tanong ko.

"Saan ba ang daan para makalabas? Hindi ba sa gate?"

Pilosopo.

Tsk!

Hindi ko na siya pinansin. Pagkarating namin sa gate ay may guard, takte! Paano kami makakalabas? Wait—tiningnan ko mabuti ang guard na nakaupo. Tulog! Antokin pala ito! Lagi ko pala itong nakikitang tulog.

"Tulog ang guard," sabi ko sa kasama ko na tiningnan din ang guard.

Tumango siya saka na ako hinatak. Bago kami makalabas. Kitang-kita ko pa si kuya na nakatayo habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Marahil ay nagtataka kung bakit kami magkasama. Ang akala ko ay tatawagin ako pero mali. Tumalikod na ito at naglakad na, sumalubong sa kaniya si ate Anissa. Galit nga pala sa akin 'yon.  Ang akala ko ay pupunta kami sa parking lot para sumakay sa kotse nitong kasama ko pero mali pala.

"Mapapahamak tayo sa iniisip mo. Kapag ginamit ko ang kotse ko, maaaring magising ang guard. Pwede rin niyang i-check kung kulang ba ang kotse na nakapark, kasi kung kulang ay may estudiyanteng lumabas."

"W-Wait, hindi ba may CCTV dito? Malamang ay—"

"Pinatay ko na kaya ako natagalan kanina." Wow! As in wow! Handang handa talaga ang lalaking 'to! Nakakamangha, akala mo ay isang detective.

"Eh, saan tayo sasakay?"

"Sa jeep."

"Huh?" Laking gulat ko. "Sumasakay ka pala sa jeep? Hindi halata, baka napipilitan ka lang para tulungan ako, ah? Magtaxi nalang tayo, ako magbabayad."

"Mabait ako," saka nito binitawan ang aking kamay. "Kaya sa jeep tayo sasakay para mapamura ang bayad mo."

Okay, ako talaga magbabayad. Pagbigyan mo na, Thrizel.

Naglakad na kami papuntang sakayan. Halos mapatakip ako ng aking ilong dahil ang ibang jeep ay grabe makalabas ng itim na usok. Ang kasama ko naman ay kalmado pa ring nakatayo. Tsk! Ano ba ito walang pakiramdam?

Biglang pumasok si Dominic sa sasakyang huminto kaya sumunod ako. Umupo siya sa pinakagitna, tumabi naman ako sa kaniya.

"Waahhhh! Si Dominic!" Sigaw ng limang babae na nasa harapan namin na nakaupo. Kinuhaan pa kami nito ng mga litrato.

"Patay."

"Lagot," sabay na sabi namin ni Dominic sabay takip ng aming mga mukha. Hindi lang pala lima ang kaeskwela namin na nandidito kun’di marami.

May narinig pa akong nagbulungan.

"Haluh, don't tell me na sila? Waahh!"

"Hindi ba magkaaway 'yan si Thrizel at Demzell? Bakit sila magkasama ni Dominic?"

"Killer 'yan si Thrizel!"

Napaharap ako sa babaeng nagsabi no'n. Taktengina, oh!

"Sa ganda kong 'to, killer ako?" Nilapit ko pa ang aking mukha sa babae. "Talampakan ko lang 'yang mukha mo."

Attitude ako, ano naman? Nakakairita kasi! Magbubulungan na nga lang rinig ko pa! Wala akong pakialam kung maraming magalit sa akin dahil sa ugali ko. Mabait ako, hindi lang halata. Kaya ayoko makipagkaibigan kung kani-kanino dahil mayroong namamlastick, kagaya ng iba mong kaibigan. Pakitang tao! Tsk!

Magsasalita na sana ang babae nang taasan ko 'to ng kilay kaya natuptop. Papalag ka pa?

"Hoy, magbayad ka na." Bulong ng kasama ko. Nawala ang atensyon ko sa mga babae nang tumingin kay Dominic.

"Sabi ko nga, ako magbabayad." Umirap pero walang nagawa kun’di kumuha ng pangbayad. Binigay ko na 'yon sa driver. Susuklian na sana ako pero hindi ko kinuha. "'Wag na ho." Nagpasalamat naman ito.

Maya-maya lang ay hinatak na naman ako ni Dominic pababa ng jeep. Nagpadala na lang ako. "Bakit hindi mo kinuha ang sukli?"

What? Ano ba 'tong lalaking 'to? Walang pera? Nagagalit pa na hindi ko kinuha ang sukli.

"Wala ka bang pera?" Inis na tanong ko. Kapogi-poging lalaki.

"Dahil hindi mo kinuha, libre mo 'ko." May nginuso ito. "Ng kwek kwek."

Kumakain siya ng street food? Hindi halata sa itsura niya, promise. Ngayon ko lang talaga nakasama ito si Dominic kaya nagugulat ako ngayon. Wala na akong nagawa kun’di i-libre siya. Grabe nga. Ang dami niyang kinuha, samantalang ako, isa lang.

Sasabihin ko sana ulit sa tindera na huwag ng ibalik ang sukli pero pinigilan ako ni Dominic. Ano ba 'to?

"‘Yong sukli ho, kwek kwek na lang ulit." Ackkk! Okay lang ba talaga 'to?

Hindi ko na siya pinansin. Hinintay ko na lang siya matapos kumain. Kumuha pa ito ng isang bote ng mineral saka uminom nang matapos siya. Nag-umpisa na kaming maglakad.

"Turn off ka ba na gano'n ako?" Tanong nito na bumalik sa pagkacool.

"Hindi," seryoso kong sagot. "Natutuwa nga ako na wala lang arte na sumakay sa jeep at  kumain ka pa talaga ng street food. Karamihan kasi sa mga mayayaman ay hindi kumakain no'n."

"Iba ako 'no."

"Edi ikaw na."

Sumunod na lang ako sa lalaking 'to, dumaan kami sa malalaking bahay. Hindi ko alam kung subdivision ba 'to o ano dahil hindi naman kami dumaan ni Dominic sa guard house.

Village yata ito, e.

Tiningnan ko ang kasama ko, bumalik ito sa pagiging seryoso. Mapupungay ang mga mata at magulo pa rin ang buhok.

"Isa ka rin ba sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin?"

Nanlaki ang aking mga mata. "Hindi 'no!"

"Edi 'wag mo 'kong titigan."

"Tsk!"

Nagpatuloy na lang ulit kami. Bigla naman siyang nagsalita muli. "Nandito na tayo," sabi niya at pinuntahan ang mga nagkukumpulang tao. Kitang-kita ko sa mukha niya na nangunot ang kaniyang noo. "Tara?"

Pumunta kami roon, may mga pulis din. Ito ba talaga ang tinutukoy ni Dominic na bahay?

"Bahay ba talaga 'to ni Kristina?" Dalawang palapag ito na kulay pula ang labas ng bahay.

Hindi ko namalayan na pinuntahan na pala ni Dominic ang isa sa mga pulis.

"Ano pong ganap?" tanong niya.

"Bakit, hijo?" Nagdududa pa ito sa kasama ko kung bakit nagtatanong.

"Hindi ba pwede sagutin nalang?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pananalita nito. Bumulong ako. "Takte, ayusin mo pagtatanong mo kung gusto mo sagutin ang tinatanong mo."

Tumikhim ang pulis. "Inaaresto namin si Katharina Altejano sa pagsalang pagpatay kay Kristina Altejano na kaniyang anak."

Sabay nanlaki ang aming mga mata.

"P-Paanong? Anong nangyari? Sino nakaalam na ang nanay nga ni Kristina ang pumatay sa kaniya?" Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala.

"Inimbestigahan ni Mr. X, hindi namin kilala ang lalaking 'yan dahil pinadala lang kami rito para arestuhin ang suspek." Saka na umalis ang pulis para pumunta sa gate ng bahay na ito.

"Hindi! Hindi ako ang pumatay sa anak ko! Hindi! Hindi!" May lumabas na mga pulis habang hawak hawak ang isang babae na nakaposas. Ito yata ang suspek. Para na itong baliw na nagsisigaw. "Hindi! Hindi!"

Sinulyapan ko si Dominic na nakatitig sa suspek. Gulong gulo ito at hindi makapaniwala. "Hindi, hindi." Usal nito.

Nagtaka naman ako. "B-Bakit?"

"M-May gustong tumulong sa 'yo."

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt